10

10 0 0
                                    

Ilang minuto na rin akong naka-upo dito sa bench na madalas naming pagtambayan ni Troy dati.

Ang tagal naman niya.  Sisipot kaya 'yon?  Dati naman kasi hindi niya ako pinapaghintay eh. Lagi siyang on time.

Maya maya pa ay may narinig akong tumatakbo papunta sa bench na kinauupuan ko. 

Paglingon ko,  si Troy na pala.  Hoo,  akala ko di na siya pupunta eh.  3:30 na.

Paglapit niya sa akin,  napansin ko namang hingal na hingal siya at tumutulo na yung pawis sa mukha niya.

By instinct,  nilapitan ko siya at pinunasan ko ang mukha niya gamit ang panyo ko.  Atsaka ko lang narealize ang kagagahang ginawa ko noong nagtama ang mata namin. 

Oops.

Napatigil naman ako sa pagpupunas ng mukha niya.

"Sorry,  Selene ha.  Nalate ako.  Nagkaproblema kasi kami ni Coreen eh. "

That reminds me.  Oo nga pala!  Yung post niya kanina sa facebook.

Pabiro ko siyang tinaasan ng kilay.

"So you dare to make Selene Villanueva wait?" natawa naman siya sa ginawa ko.

"This is the first time actually. I won't make you wait intentionally. " sabay kindat sa akin.  mygoodness.  Mahihimatay ata ako dito.

"Well…  You're not the type of person who makes a Selene Villanueva wait. " I told him plainly. 

"So what are you up to at may palabas labas ka pang nalalaman? " I asked jokingly.  Nginitian naman niya ako pero his smile won't even reach his eye. 

I know na may problema sila ni Coreen. 

Sigh.

"I know I might sound selfish…  pero ikaw lang talaga ang malalapitan ko.  Ikaw lang yung alam ko na laging nandyan para sa akin. "

Mukhang hindi ko magugustuhan ang patutunguhan ng pag-uusap na 'to.

I smiled at him. 

"Ano ba talaga kasing nangyari sa inyo ni,  Ate Coreen? " kahit hindi niya sabihin.  Alam ko.  Alam ko kung sino ang rason kung bakit siya nagkakaganyan.

Mukha namang nagulat siya.  Pero isinantabi niya 'yon.

Bumuntong hininga nalang siya.

"I…  I don't know.  She's so complicated you know.  But even so,  mahal ko siya.  Pero hindi ko siya maintindihan. " nalilitong sabi sa akin ni Troy.

I resisted the urge to tell him sana ako nalang.

"Ganyan talaga ang mga babae,  sobrang complicated.  Eto naman,  parang di mo naranasan sa akin 'yan. " Natatawa kong sabi para malighten naman ang mood.  Kaso nga lang,  yung huli kong sinabi. 

I saw him smile.  Na para bang inaalala niya yung magagandang memories naming dalawa.

Pero agad namang napalitan ng pagkalungkot ang mga ngiti niya.

He sighed again.

"I know...  it's just that… She's so different from you,  Selene.  She's so hard to understand. " nahihirapan niyang sabi sa akin.

So ikinukumpara niya si Coreen sa akin?  Dapat ba akong matuwa dahil inaalala niya ako?  Ano bang ibig sabihin nito?

"That's where you're wrong,  Troy.  Yes,  she's different from me.  But she's hard to understand?  Guess what,  Troy.  So am I." I smiled bitterly at him.

Hindi ako papayag na maging magkatulad kami ni Coreen.  Ayaw kong maging kagaya niya. 

Pero this…  I can't deny. 

"No,  Selene…  Kung mahirap kang intindihan,  I would've given up on thw first try,  pero hindi eh.  Iba yung dating sa akin pag ikaw.  Iba ang lahat pagdating kay Selene Villanueva. " He said as he held my face.

Feeling ko sasabog na ang puso ko dahil sa halo halong emosyon.  Hindi ko alam ang gagawin.

Nalilito ako.  Mahal ba niya ako?  Or is he just using me for means of comparison?  Para hindi na siya masaktan?  Para hindi na ulit siya magmahal ng isang babaeng tulad ko? 

Diba sabi niya mahal niya si Coreen?  Ano 'to? 

Naiiyak na ako.  Leche.

"Look,  Troy.  You love,  Coreen hindi ba? Then you must understand her.  You must not compare her to any other girls lalong lalo na sa akin na dati mong minahal. " hindi ko alan kung bakit ko 'to sinasabi sa kanya.  Hindi ko alam kung bakit ko siya kinukumbinsi na mahal niya si Coreen.

Ito yung gusto ko diba?  Na maramdaman na may hope pa?  Na makahanap ng pagkakataon para sabihin sa kanya? 

Then wouldn't this be the right time for me to tell him?  Again?

Pero bakit parang tinutulak ko ulit siya?  Why does it seem that I am pushing him away again? 

"Selene hindi ko alam.  Ang relasyon namin ni Coreen ever since ay napaka complicated na. I just don't know anymore. " nakahawak na siya sa buhok niya.  I can see that he is in pain.

Isa nalang ang natitirang paraan.  I need to ask him now.  Mas lalo lang akong malilito kapag pinatagal ko pa 'to.

"Troy,  mahal mo pa ba ako? "

Changing His MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon