Pagkadating ko sa bahay ay agad kong tinawagan si Cristina.
Nanginginig pa ako habang hinahanap sa contacts ko ang pangalan niya.
Finally, nahanap ko na rin ito at tinawagan siya.
Inhale. exhale. Hinga lang, Selene. Hinga ng malalim.
Matapos ang ilang ring ay sinagot rin niya ito.
Finally!
"Hello?" mukhang bagong gising ata 'to.
"Oh my gosh, Cristinaaaaa!" hindi ko napigilang tumili at napaluha na ako. Tears of joy. Yung feeling na super overwhelmed ka sa mga nangyari.
"Hey hey hey. Wag sumigaw pwede? Ano bang nangyayari sa'yo diyan?" Medyo natawa ako sa tono ng pananalita niya dahil parang antok na antok pa siya.
Ah, basta. Bahala siya. Gigisingin ko siya sa kwento ko.
"I met him, Tina. I met him!" pasigaw kong sabi sa kanya. Nakaka overwhelm talaga. Nagmumukha tuloy akong bipolar.
"You met him? As in him?!" inemphasize niya talaga ang him. Mukhang gulat na gulat siya. I can only imagine her face. Napatawa naman ako.
"O, so ano. Gising ka na?" I chuckled.
"Binibiro mo ba ako o ano? You met him nga? As in nagkita kayo? Troy Alcantara and Selene Villafuerte nagkita?!" natatawa ako sa reaction niya kahit hindi ko siya nakikita.
"Yes, nakita ko siya. Actually, siya pa yung unang nakakita sa akin." I hear her say 'woah'
"And then? Anyare? Kwento mo na. Bilis! Pabitin ka eh." Tss. Impatient as always.
"We talked." I sighed. Naalala ko nanaman kasi yung pakiramdam ko nung nakita ko siya.
I can feel the atmosphere slowly changing.
"Anong pinag-usapan niyo?"
"Nagkumustahan lang kami. Alam mo, walang nagbago sa kanya. He's still the same." malungkot kong sabi sa kanya. I heard her sigh.
" Naikwento ba niya sayo si Ate Coreen?" ugh, bakit pa niya pinaalala?
"Nope, hindi niya kwinento. Pero narinig ko silang nag-uusap sa phone kanina." Sabi ko sa kanya.
"Alam mo ba, nung nagpaalam ako na aalis na ako, nakita ko yung sadness sa mata niya. He sounded so disappointed nung tinanong niya ako kung bakit aalis na ako agad." I added. Para akong batang nagkukwento sa mommy niya ng mga nanagyari sa kanya sa school.
I heard her sigh.
"You shouldn't get your hopes up, Selene. You shouldn't." I heard her say.
"And why is that, Cristina? I'm only being optimistic, you know. Malay mo--" she cut me off.
"Malay ko ano? Look, being optimistic at all times, especially in situations like this is so not healthy. Lalo na for a person like you." I just rolled my eyes and sighed. My bestfriend, Cristina is a negative thinker- she's pessimistic.
"Cristinaaa. You're thinking too much. Stop with the negative thoughts,okay? Just let me enjoy this tiny bit of hope and happiness." I told her.
"Ugh, fine. But if you get hurt again, remember that I warned you. Your bestfriend Cristina over here, warned you, okay?" natawa naman ako sa sinabi niya.
"Yeeeeeees mommy." natatawa kong sagot sa kanya.

BINABASA MO ANG
Changing His Mind
RomanceNasayo na, pinakawalan mo pa. Nasa harap mo na, hindi mo pa nakita. Mahal ka na nga, nagmahal ka naman ng iba.