1

17 1 0
                                    

“Selene!” Narinig kong may tumatawag sa akin sa hallway kaya naman napalingon ako sa likod ko. I was surprised to see him there. Dali-dali naman siyang lumapit sa akin.

“Um, hi!” Bati ko sa kanya. Nginitian niya ako at nahahalata ko sa mukha niya na para bang may gusto siyang sabihin na hindi niya masabi.

“Uh, do you need anything?” Tanong ko sa kanya. I heard him mumble something pero hindi ko ‘yon maintindihan. Kaya naman nung napansin ko na oras na para pumunta sa ice cream parlor sa labas ng school ay hindi ako nagdalawang isip na talikuran siya, total para namang wala siyang sasabihin eh.

Pero bago pa man ako makahakbang ay hinawakan niya ang braso ko dahilan para tingnan ko siya ulit. Medyo nagmamadali ako dahil alam kong nasa ice cream parlor na si Cristina. At sigurado ako na nandoon na rin ang crush ko na si Adrian kaya kailangan ko ng makapunta doon bago siya umalis.

“Look, nagmamadali ako. I have to—“ Pinutol niya ang sasabihin ko. Alam kong may ‘something’ siyang nararamdaman towards me but since hindi naman niya kina-clarify at alam naman din ‘ata’ niya na may gusto ako kay Adrian kaya hindi ko pinapansin ang kung ano man ang gusto niyang iparating. Pero hindi ko inaasahan na ganito ang mangyayari.

“I like you.” Sabi niya sa akin. Nagulat ako, hindi dahil sa hindi ko alam na may gusto siya sa akin. Nagulat ako dahil hindi ko inaasahan na aaminin niya ‘yon. He knew may iba akong gusto, and yet sinasabi niya ang mga ‘to sa akin. Magsasalita n asana akong biglang pumasok sa isip ko ang sinabi ni Cai sa akin dati.

“Hindi porket nag confess sa’yo ang isang tao, nangangahulugan na gusto niyang maging kayo. Sometimes it’ll make them feel better kung malalabas nila kung ano yung tunay nilang nararamdaman.”

Her words of wisdom are really…

“I like you.” Ulit na sabi sa akin ni Troy. I just smiled at him.

“Thanks.” Umalis ako ako at nagtungo sa ice cream parlor kung saan naghihintay ang bestfriend ko.

--

Naalimpungatan ako ng biglang sumakit ang batok ko. Nakatulog pala ako habang gumagawa ng report. Nang tiningnan ko ang aking facebook account ay napansin ko na napakaraming messages sa akin ni Cristina. Pero bago ko siya replyan ay tiningnan ko muna kung anong oras na. 8:10 pm. Buti nalang at natapos ko na pala ang report para sa school bukas.

Pagkatapos noon ay napansin kong may bagong message ulit si Cristina kaya naman nireplyan ko na siya.

“Slr. I fell asleep. Hahaha” message ko sa kanya.

“Tss. Alam mo bang inugat na ako dito kakahintay sa reply mo? We haven’t talked for  like eternityyyyy.” Sagot niya naman sa akin. Natawa nalang ako sa reply niya.

“Sorry na nga eeh. Hahaha” sagot ko ulit

“Anywaaay. So ano na? Anything new? Or anything interesting perhaps?” tanong niya sa akin. I sighed ng maalala ko ang panaginip ko at ang nakita ko sa facebook wall niya kanina habang nag sstalk ako. I’m not a bad stalker. I mean, I stalk, pero sa facebook lang. And it’s not like I am harassing or threatening him.

“Hoy! Wag mo akong i-seenzone!” natawa naman ako sa message niya.

Ako nga pala si Selene Julianna M. Villanueva, 16 years old . Ang ka chat ko naman ngayon ay ang bestfriend kong si Cristina A. Torre. I’m a fourth year high school student from SMA.

“Loka! Hahahaha. May inayos lang ako.” Pagdadahilan ko kahit hindi naman ‘yon ang totoo.

“Stop making excuses. Tinitingnan mo nanaman kasi ang profile niya eh!” She knows me. Hay, this girl knows everything about me. Lahat ata ng ginawa ever since eh na share ko na sa kanya. She’s like my diary. Kaya etong pinagdadaanan ko ngayon eh alam din niya.

“I knoooow. It’s just that hindi ko inexpect na magiging ganito.” Nakita ko namang nag t-type na siya.

“You didn’t expect you’d fall for him too, diba?”  I smiled bitterly at myself.

Changing His MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon