TLIO#1- Signs.

3.1K 57 8
                                    

[Oh Luhan's POV]

"Alam mo hyung may napapansin ako sa'yo. Bakit ang pihikan mo na sa pagkain? Tapos yung taro bubble tea mo, hanggang ngayon hindi mo pa nauubos. May sakit ka ba?"

"Wala Sehunna. Medyo nahihilo lang ako. Tulog muna tayo?"

"Kagigising pa lang natin ah? Ganyan mo ba kamahal ang kama mo?"

"Mas mahal kita kaysa sa kama ko. Selos ka naman agad. Lika na Sehunnie~"

Hinawakan ko ang kamay niya at hinila paakyat sa second floor ng bahay namin. I heard him sigh. Hindi ko rin alam kung bakit ako nagkakaganito. Pumasok kami sa kwarto. Nilock niya muna ang pinto bago humiga sa tabi ko. Niyakap niya ako bigla pero sinipa ko agad siya dahilan para mahulog siya sa kama.

"Ano nanamang ginawa ko hyung? Masakit ka kaya manipa!"

Tinakpan ko ang ilong ko dahil hindi ko kaya ang amoy niya. Iba kasi eh. Parang mabaho? Basta ayokong lumapit siya sa akin.

"Ang baho mo Sehunnie! Maligo ka nga! Dali na shoo!"

Tinutulak ko siya sa loob ng CR habang tinatakpan ko pa rin ang ilong ko. Nakakasuka yung amoy niya. Biglang bumabaligtad ang sikmura ko kaya bago tuluyang makapasok si Sehun sa CR ay tinulak ko siya ng malakas at tumakbo ako papasok. Sa sobrang dami ng sinuka ko, pakiramdam ko pati kinain ko nung nakaraang araw nailabas ko na. Hinang-hina akong sumandal sa pader ng CR. Ano bang nangyayari sa akin?

[Oh Sehun's POV]

Ang weird ni Lulu hyung ngayon. Ano nanamang ginawa ko? Wala naman diba?

Narinig ko siyang nagsusuka kaya tumakbo ako papunta sa CR. Nakita ko siyang nakasandal at halatang nanghihina kaya binuhat ko siya pahiga sa kama. Patayo na sana ako sa kama ng bigla niyang hawakan ang kamay ko.

"Sehunnie~ huwag mo ko iwan~"

"Sabi mo mabaho ako. Hindi na lang ako lalapit sa'yo para wala ka ng maamoy."

"S-sorry.."

Nabigla ako dahil bigla siyang umiyak habang hawak pa rin ang kamay ko. Niyakap ko siya ng mahigpit habang hinahagod ang likod niya.

"Hyung, tahan na. Huwag ka ng umiyak. Sorry na."

Hinalikan ko siya sa noo. Nakita ko siyang nag-blush kahit humihikbi. Ang cute ni hyung. Lalo tuloy akong na-iinlove sa kanya.

"G-galit k-ka b-ba s-sakin? S-sorry n-na.. M-masama l-lang n-naman y-yung p-pakiramdam k-ko.. M-mianhe S-sehunnie.."

"Hyung nag-aalala na ako sa'yo. Bukas pupunta tayo sa ospital okay? Sabay na lang tayo kay Kai at Kyungsoo hyung."

"O-okay.."

Hinigpitan niya ang yakap sa akin. Humiga kaming dalawa sa kama ng hindi kumakalas sa yakap. Hindi ko namalayan na nakatulog kami. Nagising ako dahil sa paghalik ni Luhan hyung sa leeg ko.

"Sehunnie~ Wake up Sehunnie~ Please Sehunna please~"

"Stop it hyung. Nakikiliti ako. Matulog na lang tayo."

"But I'm hungry. I wanna eat~"

Kahit nakapikit pa ako at hindi ko siya nakikita, halata sa pagsasalita niya na naka-pout siya. Bumangon ako para i-on ang lampshade sa tabi ng kama namin. Nakasandal si Luhan hyung sa headboard habang naka-pout at naka-cross arms na nakatingin sa akin. Tiningnan ko din ang oras sa alarm clock. Nanlaki ang mga singkit kong mata. 3 AM?!

"Ano bang gusto mong kainin hyung? Madaling-araw pa lang. Tulog na lang tayo."

Pinipilit ko siyang yakapin pahiga pero ayaw niya. Ginawa ko na lahat pero hindi pa rin siya matinag.

"Gusto ko ng mango. Tapos bumili ka ng fries. Sabihin mo damihan yung ketchup. Gusto ko yun gawing sawsawan ng indian mango. Tapos bili ka din ng strawberry. Please Sehunnie nagugutom na ako~"

"Seryoso ka ba diyan hyung? Saan ako hahanap ng strawberry?"

"Punta tayong night market! Dali na Sehunnie~"

"Aish. Sige na nga. Magbihis ka na. Ayusin mo na din yung gamit mo. Pero bago tayo pumunta dun pupunta muna tayong ospital okay?"

"Yes sir!"

Pagkatapos naming mag-impake, natulog na ulit kami ng magkayakap.

[Oh Luhan's POV]

Kinabukasan, pumunta kami ni Sehun sa bahay nila Kai at Kyungsoo. Buntis kasi si Kyungsoo sa pangatlo nilang anak kaya pupunta sila ng OBgyne. Habang hinihintay sila bumaba, bumili ako ng madaming ice cream sa nagbebenta kanina. Lumapit sa akin si Kyungsoo pagkababa nila.

"Luhan hyung di ba ayaw mo ng strawberry na ice cream? Bakit kanina ka pa kain ng kain niyan?"

"Masharap eeh~"

"Buntis ka ba?"

Halos maibuga ko ang kinakain ko dahil sa tanong niya. Nabingi yata ako. Ha? Ako? Buntis?

"H-ha?"

"Tumawag samin si Maknae kahapon. Nahihilo at nagsusuka ka daw. Tapos ayaw mo siyang palapitin sa'yo kasi mabaho siya. Ngayon naman kumakain ka ng ayaw mong kainin noon. Buntis ka ba? May pregnancy test kit ako sa kwarto. Sama ka sa akin para makasigurado tayo."

Hinila ako ni Kyungsoo paakyat sa kwarto nila ni Kai. Nakita kong natutulog ang kambal ng KaiSoo at lumapit ako dito. Nakuha nila lahat ng magagandang katangian ng Umma at Appa nila. Yung magiging anak kaya namin ni Sehun, ganito din ka-perfect?

"Hyung tatlo ito. Para sigurado, gamitin mo lahat. After ten minutes, icheck mo kung anong resulta. Hihintayin kita dito."

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Sa aming magkakaibigan, kami na lang ni Sehun ang hindi pa nagkakaanak. Hindi naman niya ako pine-pressure pero halata kong naiinggit siya kapag nakikita niyang may inaalagaang baby ang mga hyung niya.

Pumasok ako sa CR. Pagkalipas ng sampung minuto, tiningnan ko yung unang strip.

Positive.

Hindi ako makapaniwala. Tiningnan ko yung pangalawang strip.

Positive.

Namamalikmata lang ba ako? Tiningnan ko yung huling strip.

Positive.

Buntis na ako? Bago ko mahawakan ang doorknob, naramdaman kong bigla akong nahilo at unti-unting nagdilim ang paligid.

This Love is Ours [REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon