TLIO#2- Preggy.

2.2K 64 11
                                    

[Oh Sehun's POV]

"Maknae pwede ba?! Tumigil ka na kakalakad?! Kami nahihilo sa'yo eh!"

"Tama si Baek, Sehun. Simula nung dalhin natin si Luhan hyung sa ospital hindi ka na mapakali diyan. Para kang bulateng nilagyan ng asin."

"PAANO AKO KAKALMA HYUNG?! YUNG ASAWA KO HANGGANG NGAYON HINDI PA NAGIGISING! PAANO KUNG MAY MASAMANG NANGYARI SA KANYA?! PAANO KUNG NAGKA-AMNESIA SIYA?! PAANO NA AKO?! PAANO--"

"Stop being paranoid will you? Bish please. Come on panda. He's harmful for our baby."

"Yah gege stop cussing! Our baby might hear you!"

Umalis si Kris hyung kasama si panda-este-Tao. Magsho-shopping nanaman siguro sila. Umupo ako sa gilid ng kama ni Luhan hyung at hinawakan ang kamay niya. Hinahalikan ko ito habang nilalaro. Pumasok ang doktor at kinausap kami.

"Doc ano pong sakit ng asawa ko? Okay na ba siya?"

"Okay lang ang asawa niyo. I suggest na pakainin mo siya ng healthy foods. Dobleng ingat din para safe ang bata. Maiwan ko na kayo."

Nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi ng doktor pero teka, bata? Anong ibig niyang sabihin?

"S-sehunnie.."

Lumapit ako kay Luhan hyung at inalalayan siyang umupo dahil nagising na siya. Hinawakan ko ang kamay niya ng mahigpit. Nalilito ako. Gusto kong liwanagin niya sa akin lahat.

"H-hyung.. A-anong i-ibig s-sabihin n-ng d-doktor? B-bata?"

"K-kasi a-ano.."

"Buntis si Luhan hyung, maknae. Gumamit siya ng pregnancy test kit kanina. Bago ako umalis ng bahay tiningnan ko yung resulta. Positive yung tatlong strip."

"K-kyungsoo bakit inunahan mo ako! Naman eh!"

Namumula si Luhan hyung. Bigla niyang tinakpan ang mukha niya. Sa sobrang saya ko, niyakap ko siya ng sobrang higpit at hinalikan sa pisngi ng paulit-ulit.

"Y-yah S-sehunnie I can't breathe! B-baka h-hindi rin makahinga yung b-baby natin~"

Napabitaw naman agad ako dahil sa sinabi ni Luhan hyung. Hinawakan ko ang tiyan niya at hinimas ito. Hindi ko mapigilang ngumiti dahil sa wakas, magkaka-baby na rin kami ni Luhan hyung.

"Omo ang maknae natin magiging daddy na. Naiiyak ako Yeollie ko huhuhu~"

"Huwag kang umiyak baby smurf baka makasama sa baby natin. Tahan na please."

Pinupunasan ni Chanyeol hyung ang mga luha ni Baekhyun hyung. Buntis din siya? Kailan pa?

"BUNTIS KA BYUN BAEKHYUN?! OH MY GROWL BAKIT HINDI MO SINASABI SAKING BAKLA KA?! AKALA KO BA MAG-BEST FRIENDS TAYO?! HOW DARE YOU DO THIS TO ME?! HUHUHU I HATE YOU!"

"Kyungsoo hyung kalma baka nakakalimutan mong buntis ka rin. Baka makasama sa baby natin yan."

"Sorry kkamjong ko."

"Ano ba kayong mga bata kayo bakit magkakasunod kayong nabuntis?! Gusto niyo talagang pinapahirapan ako no?! Lay! Nasaan ka? Kailangan kita huhuhu~"

"Huwag ka umiyak gramps wala namang luha eh! Hahaha! Tsaka hindi pa ba nasasabi ni Lay hyung sa'yo? Buntis din siya! Hahaha! Good luck gramps! Mag-flanax ka na!"

"A-Ano?! LAAAAAAAAYY!!"

"S-sorry Suho. Nakalimutan ko kasi sabihin sa'yo eh."

"Ilang buwan na yan?!"

"L-lima na.."

"Jusko jugigo limang buwan na ngayon mo lang sinabi sa akin?! Ibang klase din yang pagkalimot mo no?! Lalo akong tatanda niyan eh. Pero, asdfghjkl magiging daddy na rin ako! Saan niyo gustong kumain? Libre ko lahat!"

"Edi kayo na magkaka-anak lahat! OP kami ng baozi ko huhuhu~"

"Huwag ka mag-alala Chennie ko, magiging daddy ka na din."

"Xiuminnie ko, seryoso ka ba? OMAYGAHD AYM SO HAPPEEEEH!"

[Oh Luhan's POV]

Hindi pa rin sila nagbabago, magugulo pa rin kapag magkakasama. Ito talaga yung namimiss ko sa amin. Bihira na lang kasi kaming mabuo. Busy na kaming lahat.

Si Kai at Kyungsoo, may sarili ng restaurant.

Si Chanyeol at Baekhyun, nakapagpatayo ng bistro.

Si Xiumin hyung at Chen, magkakaroon na ng pangalawang branch ng coffee shop.

Si Kris at Tao, sa China nag-tayo ng sarili nilang kompanya.

Si Suho at Lay, nagma-manage ng business ng pamilya ni Suho.

At kami ni Sehun, marami na kaming bubble tea shops na pagmamay-ari.

Hindi ko nga alam na dahil lang sa pagkahilo ko, mabubuo kaming lahat ngayon. Masyado sigurong nag-panic si Sehun kaya tinawagan niya lahat ng hyung niya.

"Luhan hyung, nagugutom ka ba? Anong gusto mo? Bibilhin ko para sa'yo."

"Wala Sehunnie. Okay lang ako."

Nginitian ko lang siya. Umupo siya sa dulo ng kama ko at sumandal sa pader. Lumapit ako sa kanya at tumabi. Sinandal ko ang ulo ko sa balikat niya at hinawakan niya naman ang kamay ko. Natahimik kaming lahat ng biglang bumukas ang pinto at bumungad sa amin ang isang dragon-este-si Kris na hinihingal at halatang tumakbo ng malayo.

"Bakit ganyan ang itsura mo Kris hyung? Anong nangyari?"

"Si Tao.."

"Bataw patani. Ano nangyari kay panda mo?"

"He's giving birth to our baby panda!"

Pathsea's note:

Plano ko talagang sabay-sabay silang manganganak para happy kaso birthday ni babe Zitao ngayon. Hihi. Yung next chapter para sa kanilang baby dragon na may lahing panda. Kaway-kaway Taoris shippers! :>

This Love is Ours [REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon