Lahat ng karangyaan sa buhay ay tinatamasa ni Shailene wala na siyang mahihiling pa.Lahat ay nakukuha niya maliban nalang sa pagmamahal ni Michael.Hindi na niya na isip ang kanyang magulang ng dumating siya sa puntong ipinagpilitan niya ang sarili kay Michael.At nagbunga ito!
Si Michael ang binatang maraming gustong patunayan kahit na ipinanganak na may gintong kutsara sa bibig.At walang babaeng makaka distract sa kanya kahit attracted pa siya dito.
Pagtatagpuin pa kaya ng tadhana ang dalawa?kung may isang anak na nagbibigkis sa kanilang dalawa.O tuluyan ng magiging isang disgrasyadang ina si Shailene?
Naiirita na si Michael sa kakahabol sa kanya ng dalagang si Shailene.
Ayaw niya sa mga babaeng pushy,aaminin niyang napakaganda ni Shailene at sa narinig niya ay ubod daw ito ng talino paano ba naman deans lister ito at number 1 pa kahit nasa 2nd year palang sa kursong Accountancy.Habang siya naman ay fifth year na sa kursong mechanical engineering kahit varsity ay nasa deans list rin naman.Lagi nalang nakabuntot si Shailene kay Michael pag may laro o kaya may practice ang team nila Michael.
Panay ang sigaw ng Marcos ni Shailene.Hindi alam ni Michael kung matutuwa siya o maiinis sa dalaga.
Paano ba naman pinagkakanulo siya ng mga ka team mates para sa libreng gatorade at cupcakes galing sa dalaga.
Bagong salta lang si Shailene sa Maynila at galing siyang Mindanao.Masasabing mayaman siya at nakukuha ang gusto dahil galing siya sa malaking angkan ng mga politiko at negosyante sa kanilang bayan.
Nag ka crush siya kay Michael dahil magaling itong magbasketball at na aattract siya dahil suplado ito sa kanya.
Mabait ang mga team mates ng binata at updated siya sa mga laro nito.
Maraming nakaka alam sa pagsinta niya kay Michael kaya lang deadma lang ang Michael.Hindi man lang siyang magawang lingunin nito o tapunan ng sulyap.Minsan nga nais na niyang sumuko na mapansin ng binata dahil malapit na itong grumaduate sa kursong Mechanical Engineering.
Kaya sinusulit niya na makasama ang binata kaya hinahabol habol lamang niya ito at kahit papaano ay masulyapan.
Nag iingat si Michael na baka mapatulan niya ang dalaga dahil alam niya wala pa ito sa hustong gulang.Dahil 16 palang ang dalaga at siya 20 na.Ok lang naman kung nasa edad pagbibigyan niya ito kaya lang nakokonsensya siya kung sakali at ayaw niya na mag take advantage sa kahinaan ng dalaga.
May mga babaeng lumalapit sa kanya at game lang naman ang mga ito at hindi rin niya maisip na maging ganun lang din kakahantungan ng dalaga kahit naman ay hindi niya pinapansin pinapahalagahan niya rin ito.Gusto niyang irespeto at ayaw niyang mapahamak ito sa kanya at baka hindi na niya mapigilan ang sarili at patulan niya ito.
Bata pa ang dalaga at baka ma outgrow pa nito ang ingafuation na nararamdaman sa kanya.
Focus muna siya sa pag aaral at pagbabasketball ang dami niya pang gustong patunayan sa mga magulang lalo na sa ama na mataas ang expectation sa kanya dahil siya ang inaasahang susunod sa yapak nito.
BINABASA MO ANG
Disgrasyada (Completed)
General FictionShe is Adamarie Shailene and she has everything except the father of her son. Lahat ng karangyaan sa buhay ay tinatamasa ni Shailene wala na siyang mahihiling pa.Lahat ay nakukuha niya maliban nalang sa pagmamahal ni Michael.Hindi na niya na isip a...