Mabilisan ang kasal pero engrande parin.
Nauna ang civil wedding.
Tapos after a month daw ikakasal kame church wedding sa Ilocos Norte naman.
Iyon ang napagkasunduan ng mga magulang namin.Galit na galit si amah pero wala na siyang magawa kundi tangapin na ikakasal na ako sa lalakeng nakabuntis sa akin at para narin magkaroon ng tatay ang apo niya.
Masayang masaya si Mickey.At ang mga magulang namin nagagalak.
Poker face parin si Michael.Ako nakangiti.
Tapos na ang kasal nasa reception na kame buong Isla ata ang imbitado unlimited lahat syempre yan ang nagagawa ng yaman ng mga Marcos at Khan.
5millions ang nilabas ng mga Marcos para sa kasal barya lang naman yun sa kanila.
Ito na ata ang wedding of the year dito sa Mindanao.Ang garbo kasi very traditional wedding para sa nag iisang prinsesa ng mga Khan golds and glitters.
Pero mas masaya sana if nagmamahalan ang ikakasal.
Hanggang ngayon desperada parin ako sa paningin ni Michael.
May mga kondisyon ang pagpapakasal namin.
Sa Manila kame titira,doon daw mag aaral si Mickey at ako hindi muna daw mag tratrabaho I cant practice my profession for the meantime.Yun kasi ang gusto ni Michael.
Sumangayon naman si Amah,natural lang naman daw na sumama ang babae kung nasaan ang asawa.At hindi ko rin naman daw mag trabaho dahil kaya akong buhayin ni Michael at ang mana ko ibinigay na sa akin ni Amah.
Nagpapacontrol parin ako sa feelings ko kay Michael.Gusto ko to eh hindi naman ako mapipilit sa ganitong sitwasyon kung ayaw ko.
Sa kaibuturan ng puso ko inaasam ko parin si Michael ang makatuluyan ko at para narin sumaya ang aking anak.
1 Week ang nakalipas at
papunta na ng Manila ang mag anak.
Tumuloy na ang mga magulang ni Michael sa Ilocos Norte habang silang tatlo ay sa Makati tumuloy.Ito ay ang mansyon nila Michael.
Dito na mag aaral si Mickey kasi sa opening grade 6 na siya,ma mimiss niya daw ang mga ka team mates.Pero pampalubag loob nalang na kasama niya na ang daddy niya.
Kame ni Michael ay hindi nagkikibuan pag kame ang magkasama.
Nagsasalita naman siya if kinakausap noong nasa Isla kame.
Nasa isang kwarto lang kame ngayon hindi gaya nung sa Isla na katabi namin matulog si Mickey.
Si Mickey nasa kwarto nito.
Hindi ako mapakali na maiiwan kame ni Michael sa loob ng kwartong ito.
Ang nakakaloka sa kwartong to ay ang bathroom ay smokey glass lang.May walk in closet pero ang bathroom bakit ganito.
Ang role ko ngayon katulong/yaya/kusinera.Kulang nalang maging labandera from CPA Lawyer ha.
Well in the name of love and my son gagawin ko to.
May mga katulong naman pero nahihiya ako at binilianan kasi ako ng magaling kong asawa na asikasuhin ang anak namin at ang bahay.
Housewife na housewife ang peg,gaga ka Shailene diba pinangarap mo to?
Yung uuwi ang asawa galing opisina at yung anak mo galing school tapos ipaghahanda mo sila.Magtatawanan kayo tapos masaya lang.
Kaya lang imposible,kani kanina lang ay sinundo ng chopper ang anak papuntang Ilocos Norte.Maiiwan pala kame ni Michael ngayon bakasyon din ni Mickey doon muna daw siya mga magulang ni Michael.
Pagkatapos ng walong taong pagiging disgrasyada ay asawa ko na ang lalakeng mahal na mahal ko at tatay ng aking anak.
BINABASA MO ANG
Disgrasyada (Completed)
General FictionShe is Adamarie Shailene and she has everything except the father of her son. Lahat ng karangyaan sa buhay ay tinatamasa ni Shailene wala na siyang mahihiling pa.Lahat ay nakukuha niya maliban nalang sa pagmamahal ni Michael.Hindi na niya na isip a...
