Chapter 2

6.9K 165 0
                                        

Oi Shailene pangungulit ng mga ka team mates ni Mike kay Shailene pagkasalubong nila dito sa may cafeteria.

Bakit hindi ka nanood ng game namin kagabi?

Hmmm dumating kasi parents ko atsaka lie low muna ngayon.
Sige mauna na ako sa inyo.Umalis si Shailene na hindi man lang tumitingin kay Mike.

Oi Bakit kaya wala sa mood si Shailene.

Anong ginawa mo doon bro?nagtatakang tanong naman ng mga kateammates niya.

Nagkibit balikat lang naman si Mike.

Huwag niyo ng pansinin baka nagsawa na at may bago ng pinagpapantasyahan sagot naman ni Jordan.

Ay wala na tayong cupcakes and gatorade niyan.Chorus ng mga ka team mates niya.

Habang si Shailene naman ay kating kati na balikan si cafeteria si Mike.Pero pinipigilan niya lang ang sarili dahil sa pagkapahiya noong isang araw.Namimiss niya na ito,kaya lang nasaktan siya sa mga sinabi nito.

Bakit ba kasi sa kanya pa ako nagkagusto?sa lalakeng hindi man lang ako magawang tingnan.

Halos isang taon din siyang naghahabol dito pero ni minsan ay hindi siya magawang ngitian ng binata.At kay ilap nito sa kanya na para bang may nakakahawang sakit.

Nasanay akong lahat ng gusto ko ay nakukuha ko at kahit hindi ko pa hilingin ay napapa sa akin na.

Maganda naman ako,matalino,mayaman,sexy masasabing nasa akin na ang lahat.

Umuwi nalang si Shailene dahil baka mapahiya nanaman siya ng binata.
Masakit kaya na galing mismo sa taong mahala mo na desperada ka.Parang isang daang beses lang sinampal at may kasamang tadyak.

Halos isang buwan naring hinding bumubuntot si Shailene kay Mike kahit manood ng laro nito ay hindi siya nanood.

Nagtataka narin ang mga ka team mates ni Mike.

Naging kapalagayan na ng loob ng mga ka team mates ni Mike si Shailene kaya hinahanap hanap ng ka team mates niya ang presensya ng dalaga.

Kahit si Mike ay parang may kulang dahil nasanay na siyang andiyan palagi ang dalaga.Marahil nasaktan ito sa mga sinabi niya.
Naawa man din siya sa dalaga hindi niya pinapatulan dahil napaka bata pa nito at ayaw niyang magtake advantage sa dalaga.Ayaw niya itong itulad sa mga babaeng dumaan sa kanya na hindi niya sineseryoso.
Wala rin naman patutunguhan kung papatulan niya ito dahil hindi pa siya handang magseryoso.At sagabal lang ang mga babae hindi pa siya handang
magpatali sa kung sino mang babae  kahit pa sa dalagang nagagandahan siya hindi siya nakikipaglapit dito dahil baka hindi niya mapigilan ang sarili na patulan ang dalaga.Lalake din siya at inaamin niyang attracted at nagagandahan siya sa dito.

Habang si Shailene ay nagmumukmok nalang sa library dahil sa pagpipigil na hanapin si Mike .Gustong gusto na niya itong makita kaya lang pinipigilan niya ang sarili dahil baka mabwesit lang sa kanya ng tuluyan si Mike.

Isang buwan na siyang nakukuntento na makita sa malayuan si Mike,gusto man niyang lapitan ito ay naalala niya kung paano siya sinabihang pushy ng lalakeng minamahal ng mag isa.

Hindi naman ako Pushy nagkataon lang na nakukuha ko ang lahat ng maibigan ko.

Disgrasyada (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon