Wakas

8.6K 152 3
                                        

Sinong mag aakalang kame parin ni Michael ang magkakatuluyan after all the chaos in our life.

Ang away at bati naming relasyon,buti nalang may anak kameng nagbubuklod sa amin.

Akala ko forever na akong magiging disgrasyada.Buti nalang hindi hinayaan ng maykapal na tuluyan akong maging disgrasyada  kahit na umaabuso na ata ako sa mga binigay niyang blessings sa akin.

May mga panahon na hinahanap natin ang ating sarili.Lumayo ako sa kanya pero babalik at babalik parin naman sa asawa ko.

Hindi ko ma imagine na hindi si Mike ang pinagbigyan ko ng lahat.

Noong hindi pa dumarating si Mike sa  buhay namin ni Mickey tinanggap ko ng forever na akong magiging disgrasyada.Si Michael lang naman kasi ang mahal ko at kahit ilang beses akong magkamali kay Michael ko parin gustong magkamali.

Si Michael lang talaga ang una at huling lalake sa buhay ko.

5 months na akong buntis ang daming kaganapan sa buhay namin.Ikinasal na ulet kame at tuluyan ng nagka ayos.Iniintindi nalang ako ni Mike sa mga paglilihi ko ay iniiwasan huwag magselos sa mga pinagseselosan ko.

Secured na ako ngayon na mahal niya ako sa dami ba naman ng pinagdaanan namin.

College na si Mickey at accountancy din ang pinili niyang course at kung bibigyan din ng chance ay magiging lawyer din daw siya na gaya ko.Varsity din ang anak ko at the same time like father like son nga naman.Natatakot akong baka makabuntis din ang anak ko.Huwag naman sanang maulit though lalake naman ang sa amin.

Si Ada ay excited na sa pagdating n kapatid niya takenote another baby girl is on the way.Napapakamot nalang si Mickey dahil sakit nanaman daw ng ulo.Gusto kasi ni Mickey ng baby boy.Sabi ko naman sa kanya kasi ikaw naman talaga ang forever baby boy ko.Ang haba kaya ng walong taon  na kame lang ni Mickey ang magkasama noong hindi pa bumalik sa amin si Mike.Kame lang dalawa pero mabait talaga ang maykapal at hindi niya hinayaang walang ama si Mickey binigay niya parin sa amin si Mike pabalik.


Mike tigilan mo na nga ako malaki na ang tiyan ko oh.

Love naman pwede pa yan atsaka okay lang naman kahit kabuwanan mo pa naalala ko nga noong pinagbubuntis mo si Ada.

Mike bakit ba ang hilig mo?

Love naman!pwede pa naman atsaka pag nanganak kana 2 months akong diet dahil hindi talaga pwede kaya pagbigyan mo na ako ngayon habang pwede pa.

Ikaw ko kasi Michael!Iniisip ko tuloy katawan ko lang talaga ang gusto mo!

Love para baliktad ata parang ang  katawan ko naman ang mahal mo eh.Kasi noon paman pinagpapantasyahan mo na ako.

Siraulo ka talga Michael kahit kailan!

Love please?

Ayaw ko!

Love naman!

Nagagalit ka Mike?

Hindi love!pero pagbigyan mo na ako habang wala dito ang mga anak natin.

Nasa Hongkong Disneyland ang mga bata kasama ang mga magbalae.

Ayokong magbyahe kasi hassle dahil buntis ako, kaya ang mga bata nalang at ang mga oldies ang nagpunta.

Panay tawag parin naman ng mga anak namin at nangungumusta.

Ang dami ko ng iniyak at iniluha para mabuo ang pamilya na to.

Ngayon wala na akong mahihiling pa dahil buo na ang pamilyang pinapangarap ko at hindi na ako pwedeng tawaging disgrasyada.😍








Disgrasyada (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon