Prologue

85 3 2
                                    

Prologue

2 years ago...

Busy ako sa paglalaro ng Xbox nang may mga kamay na humablot ng earphones ko. Bagot akong tumingala ng tingin sa taong nakatayo ngayon sa'king harapan.

"What now, Mom?" I asked with boredom.

Her hands balled into fist habang umaapoy ang kanyang mga matang nakatingin sa'kin. Bigla niyang binagsak sa'king harapan ang hawak na envelope.

"Ano na namang katarantaduhan ang ginawa mo, anak?!" Nanginginig ang kanyang mga labi habang mariin akong tinuturo. Hindi ako umimik at nagpatuloy lamang sa paglalaro.

"For God's sake, son! Pang-ilang school mo na 'tong na-kick out! Simula noong iniwan tayo ng Daddy mo, I worked hard para sa atin pero ikaw, anong ginagawa mo?! Wala ka nang mabuting naiambag sa pamilyang ito!"

Umigting ang panga ko at umiwas ng tingin. Mahina akong tumawa. "Ano naman sa'yo, Ma? As if you care."

"Anong sabi mo? Of course I care! I cared about you and this family!" sigaw niya. Padabog akong tumayo at hinarap siya.

"Liar! All you care about was your business! Kaya tayo iniwan ni Dad ay dahil puro ka na lang trabaho! Wala ka nang panahon sa amin dahil in the first place, hindi mo naman talaga minahal si Dad dahil pera niya lang ang habol mo! Ngayon na wala na siya?! Ano, masaya ka na?! Masaya ka na na napunta sa'yo ang lahat—"

Natigilan ako nang sampalin ako ng malakas ni Mama.

"H-How dare you say that to your own Mother?" she said while tears dripping down her face.

Nakayuko lamang ako habang mariing nakayukom ang aking mga kamay.

"H-Hindi kita pinalaki ng ganyan. Hindi mo alam kung gaano kahirap, k-kung gaano kasakit ang dinanas ko habang wala ang Papa mo." Ramdam ko ang sakit at hinagpis habang sinasabi niya iyon sa'kin. Gusto kong umiyak. Gusto kong humingi ng tawad. Gusto ko siyang yakapin ng sobrang higpit.

"Pero... nasaan ka noong mga panahong kailangang-kailangan kita, Ma?"

Nakita kong natigilan siya. Tumingala ako, pilit pinipigilan ang mga luhang gustong pumatak. "Iyong araw ng graduation ko noong elementary at high school, I really needed you there but you didn't came. Ang nangyari? Hindi ako nakamartsa." Tumawa ako ng mapait.

"Ang sakit lang, Ma. Because all you did was work!" Hindi ko na napigilang sumigaw habang hinahabol ko ang aking hininga. "Like what the hell, Mom?! Trabaho na lang palagi! Kinalimutan mo na kami!"

Yinakap niya ako ng sobrang higpit. Mariin akong pumikit at hinayaang tumulo ang kanina ko pa pinipigilang mga luha.

"I-I'm so sorry, anak. Hindi ko s-sinasadya..."

Ang sakit.

Pilit akong kumawala sa kanyang yakap. "Please, Diego..." she begged and held my cheeks. Tuluyan na akong nakawala. Umiwas ako ng tingin.

"You abandoned me, Mom. At wala nang mas sasakit pa doon," walang emosyon kong saad at tuluyan nang umalis ng bahay.

"Diego!"

"Diego!!!"

"Please Diego, I-I'm so sorry..."

Naririnig ko pa ang kanyang mga iyak habang nagmamaneho ako papalayo sa amin. Tila nadudurog ang puso ko habang naaalala ko ang mukha ni Mama habang umiiyak. Pero tangina, ang sakit lang kasi.

"Fuck!"

I get off the car. Sumigaw ako at sinipa ang bottled water na nakita ko sa gilid ng buhangin.

"Puchang buhay 'to..." Napaupo ako at napasabunot na lang sa'king buhok.

I just want to die...

"Panyo oh."

Napaangat ako ng tingin sa babaeng nag-abot ng puting panyo. Agad akong umiwas ng tingin at pinunasan ang namamasa kong pisngi gamit ang aking mga palad. Pero agad din akong natigilan nang punasan niya ang pisngi ko gamit ang panyong iaabot niya sana sa'kin.

Bigla akong namula. "I, uh..."

Mahina siyang tumawa. Ang lapit ng mukha niya sa'kin kaya tumayo ako. "S-Salamat," mahina kong sambit sabay kuha sa panyo niya.

"Basta ikaw..."

Napatingin ako sa kanya. Nakasuot ito ng puting bestida na abot hanggang sa kanyang tuhod. Maputi ang kanyang balat at may maalon na buhok. Ngumiti lamang ito sa'kin at muli nang tumalikod. Napakurap ako.

"Uh, M-Miss—"

"Angela."

Kumunot ang noo ko. "W-What?"

"I'm Angela, nice to meet you... Diego." Muli siyang ngumiti at bago pa ako makaangal ay nakasakay na ito sa kotse niya.

How?

Napatingin ako sa kanyang panyo. At sa hindi malamang dahilan ay napangiti rin ako.

I wonder who she is...

AngelaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon