Chapter 10
Magmula no'ng malaman ko ang katotohanan, halos hindi na ako umaalis sa tabi niya. Sinisigurado ko na laging maayos ang kalagayan niya. I keep blaming myself kung bakit napunta sa ganyang sitwasyon ang babaeng mahal ko.
Tears start to fall from my eyes. Kasalanan ko to eh. Ang tanga ko! Ang tanga, tanga, tanga ko! All this time, ako pala ang nagpahamak sa kanya. All this time, ako pala ang dahilan kung bakit wala pa rin siyang malay hanggang ngayon.
Kung hindi na lang sana ako umalis ng bahay no'ng gabing iyon, hindi sana ito nangyari. Hindi ko sana siya nasaktan. Hindi sana siya mahihirapan ng ganito. Makikita ko pa sana siya ng isang pagkakataong nakangiti.
Pero nasaktan ko ang taong sobrang mahal ako.
Bakit ngayon ko lang naalala ang lahat gayong huli na? Siya 'yon. Alam kong siya 'yong babaeng naka-puting bestida at may maalon na buhok. Napahawak ako ng mahigpit sa puting panyong aking hawak. Hindi ko siya napapansin at sobrang sakit 'yon pero nagawa niya pa rin akong iligtas. And it kills me.
Hinawakan ko ang kamay niya. It should've been me. Dapat ako ang nasa sitwasyon mo, Angela. Hindi dapat ito nangyari sa'yo kung 'di dahil sa katarantaduhan ko. Dapat ako ang nakahiga diyan, hindi ikaw. Dapat ako. I'm too stupid!
You are too good for me, Angela and all I did was to hurt you.
"A-Angela..." My voice broke. "I'm so sorry, please... wake up. Give me another chance to love you back.Wake up, my Angel." I kissed her forehead while tears dripping down my cheeks.
***
It's been years since the last time I got here. Ang kapal ng mukha ko upang bumalik pa rito at magmakaawa. Dahan-dahan akong humakbang papasok sa loob kahit namumugto ang aking mga mata. Para akong zombie na naglalakad sa gitna habang nakaluhod.
Simula noong nawala sa amin si Dad, I stopped believing in miracle... in Him. Akala ko masasalba pa si Papa pero hindi rin kinaya, dahil dead on arrival na siya pagdating ng Hospital. My Dad died because of a gunshot... to protect me. It was my fault. I shouldn't have run away. Hindi sana iyon mangyayari.
I was the one to blame.
Nagtataka nga ako kung bakit hindi na lang ako sinunod kay Papa, tutal nararapat lang naman iyon sa akin. Dapat matagal na akong wala sa mundong ito. Nang dahil sa akin, maraming tao ang nagsasakripisyo ng buhay nila.
Bawat hakbang ko papalapit ay walang tigil sa pag-agos ang aking mga luha. Bakit hindi pa ako patay? Bakit hindi Mo na lang ako patayin?
Malakas akong napahikbi sa loob ng chapel. "Bakit nangyayari ang lahat nang ito s-sa'kin?! Bakit hindi Niyo na lang ako patayin?! Bakit kailangan pang mawala 'yong mga taong walang ibang ginawa kundi ang mahalin ang isang tulad ko!!!"
Napayuko ako at nanginginig na pinagdikit ang aking mga palad. I begged for Him.
"G-God, tigilan Niyo na 'to, p-please... Alam kong wala akong karapatan p-pero ayaw ko na po eh. Hindi ko na kaya pang makita silang nasasaktan at nahihirapan nang dahil sa a-akin. Iligtas Niyo po si A-Angela. Lord, p-please..." I cried.
"A-Ako na lang, please... P-Please, ako na lang a-ang pahirapan Mo, not Angela. I-I'm so sorry about e-everything. A-Ang sama kong tao. I don't deserve this! Please! Save my Angel! A-Ako na lang ang saktan Niyo! God, parang awa niyo na p-po... ako na lang..."
Napaangat ako ng tingin at pumikit. Umaagos pa rin ang luha sa aking mga mata.
"H-H'wag Niyo po siyang kunin... please,not now."
BINABASA MO ANG
Angela
Short StoryDiego Reyes almost got into an accident when he was nineteen. Magmula noong nangyari ang hindi inaasahang aksidente, paulit-ulit na niyang napapanaginipan ang pangyayaring iyon. Pero ang nakakapagtaka ay palagi niyang nakikita ang isang misteryosong...