Chapter 6
Muli kong tiningnan ang aking sarili sa salamin. Nakasuot ako ng simple ngunit desenteng damit. Kinakabahan ako ngayong araw at mahigit isang oras na ata akong naghahanda para magmukhang maayos para sa kanya.
Napatawa na lang ako dahil sa aking mga ginagawa. Marahil ay dahil first time kong gawin ito kaya ganito na lamang ang kabang nararamdaman ko.
Tiningnan ko ang relo ko at tamang-tama lang ang nalalabing oras para makarating ako on time sa lugar kung saan kami magkikita.
Sumakay na ako sa aking sasakyan, na pinaghirapan kong kunin bago ko muling magamit. Naaalala ko pa ang diskusyon namin ni Mom kahapon at umabot ata kami ng mahigit isang oras bago ko siya nakumbinsi na sana'y muli kong magamit ang sasakyan ko.
It has been two years since hindi ko ito napaandar kaya winarm-up ko muna ang makina bago ko ito dinrive palabas. Nang uminit na ang makina ng sasakyan at feeling ko naman ay walang mali sa sasakyan ay nag-drive na ako palabas ng bahay.
Tiningnan kong muli ang huli niyang text kung saan sinabi niya sa akin ang address kung saan ko siya susunduin.
Nakakapagtaka lang kung bakit sa isang ospital ko siya susunduin. Well, siguro may dinaanan siya roon.
Ilang minuto ang lumipas at nakarating na ako saospital. Tinext ko siya na nandito na ako sa ospital at agad naman siyangnag-reply.
Masinop akong naghintay sa kanya at hindi komaiwasang maitago ang excitement ko. Panay ang tingin ko sa labas ng akingsasakyan upang tingnan kung nandiyan na ba siya. Mahigit dalawang minuto naakong naghihintay nang muli akong nakatanggap ng text galing kay Angel.
BINABASA MO ANG
Angela
Short StoryDiego Reyes almost got into an accident when he was nineteen. Magmula noong nangyari ang hindi inaasahang aksidente, paulit-ulit na niyang napapanaginipan ang pangyayaring iyon. Pero ang nakakapagtaka ay palagi niyang nakikita ang isang misteryosong...