Chapter 1
Napahilamos ako sa'king mukha at malayang pinagmasdan ang mga bituin sa langit. Muli akong bumuntong-hininga nang maalala na naman ang naging alitan namin ni Mom kanina.
"I wished Dad was here," I whispered. Ngunit umiling ako at ngumiti ng mapait.
"Ang hirap, ano?" kausap ko sa talangkang nakaupo malapit sa'king paanan. Kumagat ako ng tsokolate. "Lalo na 'yong ikaw na nga lang ang nag-iisang anak ng parents mo, malayo pa 'yong loob mo sa kanila."
Muli akong napatingin sa maliit na talangka na parang maamong tuta na hindi umaalis sa kanyang pwesto. Ginalaw nito ang kanyang dalawang maliliit na kamay. Tumango-tango naman ako na tila naiintindihan ko siya.
Bumuga ako ng hangin at muling nagsalita. "Pareho pala tayo. Pakiramdam ko nga mag-isa rin ako. Walang karamay... walang nakakaintindi." Ngumiti ako ng mapait at ibinaling ang tingin sa talangka. Nakatingin din ito sa'kin. "Bakit ka pala mag-isa? Iniwan ka rin ba nila?"
Hindi ito sumagot at nakatingin lamang sa'kin. Napasapol na lamang ako sa'king noo.
"Hay! Come on, dude. Talangka 'yan! Bumubula lang ang bibig niyan pero hindi 'yan nagsasalita." Baliw na yata ako, kinakausap ko na kasi 'yong sarili ko.
I brushed my fingers through my hair. Tahimik ang lugar at nakatingin lamang ako sa dagat nang biglang nag-vibrate ang aking cellphone. Napamura ako sa gulat. Sinilip ko ito at nakita ko kung sino ang tumatawag. I quickly turned it off. Umalis ako mula sa pagkakasandal sa kotse at binuksan ang pintuan ng driver's seat. Agad akong sumampa sa loob at mabilis itong pinaharurot.
It's already seven in the evening pero ang sama pa rin ng loob ko sa nangyari. I really need some space. Ngunit muli na namang tumunog ang selpon ko kaya bumuntong-hininga ako bago ito sinagot.
"H-Hello? Diego, anak?" I took a deep sigh.
"Mom," I said.
"Oh thank God! Akala ko t-tuluyan ka nang umalis," puno ng pag-aalala niyang sambit sa kabilang linya. I smiled weakly. Well, she's still the woman who gave birth and took care of me. No matter what I do, she's still my Mom.
"I... I'm sorry, M-Mom." My voice broke. "I shouldn't have shouted at you like that. I'm sorry."
Mas lumakas ang hagulgol niya kaya napalunok ako.
"I just missed Dad... so much." Ngumiti ako. "H'wag kang mag-alala, pauwi na ako—"
Biglang may tumawid na aso kaya napahinto ako sa pagmamaneho. Napamura ako at agad na hinanap ang cellphone ko na nahulog.
"Damn, where is it?"
Nang mahanap ko na ito at nang iangat ko ang ulo ko ay bigla na lang akong napako sa'king pagkakaupo. Mabilis ang kanyang pagpapatakbo sa truck. It was huge and I think it's out of control. Papunta ito sa'king direksyon. Bumilis ang tibok ng aking puso. Palaki nang palaki ang ilaw nito sa'kin.
"Anak?!"
"Diego, sumagot ka!"
Palapit nang palapit hanggang sa may isang kotse ang bumunggo rito. Nagdulot ang banggaan ng matinding ingay sa ilalim ng gabi. Wasak ang dalawang sasakyan. Tila huminto ang mundo ko.
Nanghihina akong bumaba ng kotse at nakatulalang nakatingin sa aksidenteng nangyari ilang metro ang layo sa'king kinaroroonan. Maraming nakakita at ang ilan ay nagsilabasan sa kanilang mga sasakyan.
"Diyos ko! Tulungan niyo 'yong babae!"
"Ang daming dugo! Tumawag kayo ng ambulansya!" Rinig kong sigaw ng ilang tao.
"Diego?!"
"Mom? M-May nangyaring salpukan..."
"Ano?! Saan ka ngayon? Oh God, ayos ka lang ba, anak?"
"Y-Yeah..."
"Tell me kung nasaan ka, I'll pick you up—"
"No need, Ma. I'm fine. Pauwi na ako."
I ended the call.
"Angela!"
"Tulungan niyo ang anak ko! Parang awa niyo na!"
Mariin akong pumikit. Dumilat ako at nakita ko sa malayo ang isang babae. Nakaputing bestida at may maalon na buhok.
"A-Angela?"
Lumingon ito pero 'di ko masyadong mahagilap ang kanyang mukha. Tumakbo ako sa kanyang gawi. Pero palayo siya nang palayo.
"Angela!"
Bigla siyang tumawid. Napalingon ako sa kabilang direksyon at may papalapit na truck. Mabilis akong tumakbo papunta sa kanya pero palayo naman siya nang palayo habang palapit naman nang papalapit ang rumaragasang sasakyan.
"Hindi! Angela!!!"
Masasagasaan siya...
"No!!!"
A sudden noise occurs as I open my eyes from a nightmare. Sinuklay ko ang aking buhok gamit ang aking daliri tsaka pawisan na napatingin sa'king harapan.
"Is there a problem, Mr. Reyes?" Sa paraan pa lang ng pananalita nito ay alam ko na kung sino iyon.
Lumunok ako at napapunas sa pawis na parang nakabukas na gripong tumutulo sa'king g'wapong mukha. Pansin ko rin ang ilang mga pares ng matang nakatingin na ngayon sa amin ni Ma'am Dela Cruz, History teacher namin.
"Stand up, student," utos niya. Tinaasan niya pa ako ng isa nitong kilay habang pinapalo ang hawak na ruler sa kanyang kabilang palad. Napaikot na lamang ako ng mata sa paraan ng kanyang pag-akto.
"I said a while ago that women are superior to men, then you exclaimed no." Tinitigan niya ako sa mata. "Shouting, I presume."
Doon ko lang napagtanto ang tungkol sa nangyari kanina, iyong aking biglang pagsigaw. Of course she was discussing and kasalanan ko bang napanaginipan ko na naman iyon? Ang matagal ko nang kinalimutan at inilibing sa hukay na pangyayari sa buhay ko dalawang taon na ang nakalilipas. But I was wrong, dahil patuloy pa rin itong bumabalik.
Bigla akong natigilan.
And it's strange. Habang tumatagal, palala nang palala ang mga panaginip ko. Hindi lang iyon dahil I kept seeing her in my dreams, pero ang nakakapagtaka nga lang ay kahit anong pilit kong paraan para masilayan ang kanyang mukha ay malabo. Ilang beses ko nang tinangka pero wala talaga.
Baka minamaligno na siguro ako.
Pero imposible eh. Anong kinalaman niya sa aksidente? Anong pakay niya sa buhay ko kung bakit palagi na lang siyang nagpapakita kapag nananaginip ako?
And... who is she?
Sino nga ba ang babaeng iyon? Muli kong naalala ang kanyang pangalan na paulit-ulit kong binabanggit, which I found really strange. Ah, saan ko nga ba narinig ang pangalang iyon?
"Angela," I whispered out of the blue.
"What? Nananaginip ka ba ng gising, hijo?" masungit na saad ni Ma'am Dela Cruz kaya nasa kanya na ngayon ang aking buong atensyon. Nang makita niya ang tila nalilito kong mukha ay napailing na lamang ito. Kasabay ng pagturo niya sa'kin ang malakas na pagtunog ng school bell hudyat na tapos na ang kanyang klase.
Mabigat itong nagpakawala ng hangin at matalim akong tinitigan sa'king mata.
"Papalampasin kita sa ngayon, Mr. Reyes. Pero sasusunod na makita ulit kitang natutulog sa loob ng aking klase, alam mo na ang mangyayari." Iyon ang huli niyang sinabi bago padabog na lumabas ng aming silid.

BINABASA MO ANG
Angela
Short StoryDiego Reyes almost got into an accident when he was nineteen. Magmula noong nangyari ang hindi inaasahang aksidente, paulit-ulit na niyang napapanaginipan ang pangyayaring iyon. Pero ang nakakapagtaka ay palagi niyang nakikita ang isang misteryosong...