Chapter 9
Ilang araw ang lumipas at simula no'n ay halos hindi na ako umalis sa room niya. Palagi ko na siyang binabantayan at sinasamahan dito. May trabaho rin kasing inaatupag si Tita Grace, Mommy ni Angela, kaya tuwing hapon lamang siya nakakadalaw dito sa Hospital.
2 days ago pa na-discharge si Mom, bumalik na kasi ang dating sigla niya kaya pinayagan na rin siyang umuwi ng Doctor. Sa bahay niya na lang ipinagpatuloy ang pagpapagaling.
At dahil wala naman akong ibang gagawin since Semestral Break naman na namin, nagprisinta ako kay Tita Grace na ako na lang ang mag-aalga kay Angela habang nagtatrabaho siya. At laking galak ko naman nang walang anu-ano ay pumayag naman ito.
Hanggang ngayon ay hindi pa ako lubusang makapaniwala na ang babaeng nasa panaginip ko lang dati ay totoong nasa harapan ko na. Lumapit ako sa kama na hinihigaan niya. Tulad ng nasa panaginip ko ay napakaamo ng kanyang mukha. Maganda pa rin siyang tingnan kahit maraming apparatus ang nakakabit sa kanya na siyang nagbibigay buhay sa kanya.
Hinawi ko ang ilang strands ng kanyang buhok at marahang hinaplos ang kanyang pisngi gamit ang likod ng aking kamay.
"Ano bang nangyari sa'yo, Angel?" pabulong kong sambit habang tahimik siyang pinagmasdan.
Kung titigan ko siya, nararamdaman ko kung paano siya lumaban para mabuhay muli. Nababatid ko kung paano niya gustong mabuhay kahit nahihirapan na siya. Ayaw niya pang sumuko.
I gently squeeze her hand. "Stay strong, Angela. I don't know the reason why you want to live, but I need you to hold with it. Lumaban ka, Angela."
Napangiti ako, pero hindi umabot sa'king mga mata. How ironic? Angela wants to live while me? Parang gusto ko na lang bumigay.
I hate my goddamn life! I don't have any dreams, wala akong goals, wala ako lahat 'cause all I do is to just get on with it and go with the flow. I don't deserve this.
I don't deserve anything at all.
Napatawa ako ng mahina. Angela eagerly wants to live and all I want is to end my life. Kung p'wede ko lang ibigay ang buhay ko sa kanya, gagawin ko.
She doesn't deserveto feel this kind of pain. She doesn't need to suffer. She deserves to live.
Nagising ako sa tunog ng bumukas na pinto. Nakatulog pala ako rito sa sofa. Tiningnan ko naman kung sino 'yong pumasok. Si Tita Grace pala.
"Hi, Tita." Hapon na pala kaya nandito na ang Mommy niya.
"Oh Diego, nandito ka pa pala. Akala ko umuwi ka na," sabi niya habang nilalagay ang mga pinamili sa isang lamesa.
"Hinintay ko pa po kayo bago ako umuwi. Mahirap na po kung iiwan ko siyang mag-isa dito," turan ko at tinulungan si Tita sa kanyang mga pinamili.
"Hindi ka ba pagod? Naku nag-abala ka pa, nandito na naman ako. P'wede ka nang umuwi."
"Uhmm... mamaya na lang po siguro. Nakaidlip lang po ako kanina. Okay lang po ako, Tita. H'wag po kayong mag-alala sa'kin." Ngumiti ako to assure her na okay lang ako.
"Oh sige. Kung gano'n, sabay na tayong kumain. Sandali, ihahanda ko lang."
Tumango na lang ako. P'wede ko kayang itanong kay Tita ang dahilan kung bakit na-coma si Angela? Ilang araw na rin ang lumipas magmula no'ng malaman ko na totoo ang babaeng nasa panaginip ko.
Pero hindi ko pa rin alam kung bakit siya na-hospital. Nahihiya rin kasi ako sa Mommy ni Angela na baka sabihin niyang tsismoso ako.
Naku! Sa g'wapo kong ito? Tsismoso? Pambihira!
Curious lang naman ako. Tsaka gusto ko rin makilala si Angela. Bumaling ang tingin ko kay Angela na mahimbing na natutulog.
Sana nga gumising na siya.
Kasalukuyan kaming kumakain ni Tita sa isang mini kitchen sa loob ng k'warto ni Angela. Nilunok ko muna ang pagkain sa'king bibig bago humugot ng lakas para tanungin si Tita. Ilang beses din akong nagdalawang-isip sapagkat baka kasi confidential 'yong rason.
Tsaka hindi naman masamang magtanong, hindi ba? P'wede namang hindi sagutin kung ayaw talagang sabihin. Ngunit sa huli ay kinalma ko muna ang sarili ko. Akmang ibubuka ko na sana ang aking bibig para magtanong nang maunahan ako ni Tita.
"May sasabihin ka ba, hijo? Mukha ka kasing hindi mapakali. Ano iyon?"
Palihim kong kinurot ang sarili ko dahil nagmumukha na akong ewan sa harap ni Tita. Binasa ko ang aking nanunuyong labi bago nagsalita.
"U-Uh... Tita, ano..." Dahan-dahang inangat ni Tita ang kanyang tingin sa akin habang tahimik na nginunguya ang kanyang kinakain.
Doon ko lamang napagtanto na magkamukha sila ni Angela. Kuhang-kuha niya ang mga mata ni Tita. Punong-puno ng emosyon at maganda. Siguro maraming nagkakagusto at nanliligaw kay Tita Grace no'ng kabataan niya. Parang si Angela lang.
Mukhang nahulog na nga yata ako.
"Diego?" Napabalik lamang ako sa reyalidad nang bigla akong kausapin ni Tita. Tila hinihintay ang aking sasabihin.
Napailing ako sa aking sarili. "A-Ano po kasi, gusto ko po sanang malaman kung... k-kung bakit po napunta sa ganito ang kalagayan ni A-Angela?" Hindi ko matago ang kaba sa aking dibdib habang tinatanong si Tita.
Nakita kong napatigil ito sa pagkain. Mukhang wrong timing ata ako. Babawiin ko na sana ang tanong ko nang pigilan niya ako. Nagsalin siya sa kanyang baso ng tubig bago inangat ang tingin sa'kin at ngumiti. Batid ko ang lungkot sa mga ngiting iyon. Kaya napatungo na lamang ako.
"Ah, iyon ba?" Narinig kong bumuntong-hininga siya bago muling nagpatuloy. "She got into an accident. At nang dahil sa aksidenteng iyon ay mas lumala ang kalagan ni Angela. As you can see, mabait na bata ang anak ko. Hindi siya marunong magalit. She doesn't deserve all of this—" Napatakip ng bibig si Tita habang unti-unting namuo ang luha sa kanyang mga mata.
"S-Simula pagkabata, napaka-masiyahin ng batang iyan. Napaka-cheerful. Kaya alagang-alaga ko siya kasi... k-kasi magmula no'ng mawala ang kuya niya 10 years ago ay hindi ko na hinayaang lumabas mag-isa si Angela." Walang tigil sa pag-agos ang mga luha ni Tita kaya niyakap ko siya.
"T-Tita, I'm sorry. I-I think let's stop—"
"No, anak. K-Kailangan ko lang ilabas ang lahat ng ito. A-Ang sakit na kasi... hindi ko na kaya," iyak ni Tita at isang marahang tango lang ang aking nasagot.
"I was so careless. Hindi ko alam na may sakit na pala ang anak ko, at wala naman siyang sinasabi sa'kin. Nalaman ko lang iyon no'ng nangyari ang aksidente. Biglang humina ang puso ni Angela dahil sa tindi ng tamang natamo niya nang g-gabing iyon. Congenital Heart Defect. The doctor said that there's a problem in the structure of her heart. Nang dahil sa nangyari, kaya siya na-comatose. B-Bumagsak ang puso at katawan niya, Diego..."
What?
Congenital Heart Defect?! Shit! Sa tanang buhay niya, tiniis niya ang sakit na 'yon?!
"2 years ago. Dalawang taon na ang nakalilipas pero sobrang sariwa pa rin."
2 years ago?
Bigla kong naalala ang muntikan kong pagkakabangga. Pero... hindi! Imposible. Marahan akong napailing.
Tinago ko ang biglang panlalamig ng aking mga kamay. Napalunok ako. "A-Anong accident, Tita?"
"Car accident. H-Hindi dapat siya ang mababangga, pero kasi sinalo niya ang impact p-para sa—" Mariing napapikit si Tita. Napalunok ako. Bakit parang nasasaktan ako?
"Para sa ano p-po?"
Pinunasan muna niya ang kayang basang pisngi bago magsalita.
Imposibleng siya iyon.
"Para sa'yo, anak," sabi niya habang maluha-luha.

BINABASA MO ANG
Angela
Short StoryDiego Reyes almost got into an accident when he was nineteen. Magmula noong nangyari ang hindi inaasahang aksidente, paulit-ulit na niyang napapanaginipan ang pangyayaring iyon. Pero ang nakakapagtaka ay palagi niyang nakikita ang isang misteryosong...