Chapter 7
Naalimpungatan ako sa tunog ng alarm clock ko sa table. Pilit kong inabot ang alarm clock.
"Kanina ka pa ah!" Sabay tapon sa alarm clock sa kung saan.
Kaasar! Inaantok pa ako eh. Distorbo lang.
Sinulyapan ko ang oras sa'king cellphone, 10 a.m. na pala. Malapit nang magtanghali pero dahil inaantok pa ako at hindi pa naman ako gutom, matutulog muna ako. Mamaya na ako babangon.
Tinakpan ko ang aking tenga ng unan at bumalik ulit sa pagtulog. Malapit na akong sakupin ng aking panaginip nang may bigla akong maalaala. Agad akong napabalikwas ng bangon dahil do'n.
"Oh, shit! Saturday nga pala ngayon. Muntik ko nang makalimutan!"
Tiningnan ko ulit ang wall clock ko sa gilid malapit sa cabinet.
"Ugh! Ano ba 'yan. Ang engot ko talaga!" Napasabunot na lamang ako dahil sa sarili kong katangahan.
"Patay na talaga ako nito! Napakagago ko talaga. Ang sarap naman kasing matulog eh."
Dali-dali akong bumangon at tumakbo papasok sa banyo. Agad kong ginawa ang aking morning rituals. Ewan ko lang kung morning rituals pa ba ang tawag do'n kung malapit nang magtanghali.
Pagkatapos kong maligo, nagbihis agad ako. Simpleng faded jeans and white V-neck shirt lang ang suot ko. Kahit ano kasing suotin ko, g'wapo pa rin talaga ako. Kaya nga na-in love sa akin si Angela.
Napatawa na lang ako ng mahina sa mga naiisip ko. Hindi naman siguro masamang magdala ng sariling bangko kahit minsan.
Pagkatapos kong magpag'wapo kahit hindi naman na kailangan sapagkat likas na sa akin 'yon ay kinuha ko na ang susi ng kotse ko. Mabuti na rin dahil pinayagan na ako ni Mom magmaneho ulit. Pagkatapos kasi noong aksidenteng iyon ay hindi na ako pinayagan ni Mama na gamitin ang kotse ko, kaya nag-tiis na lamang ako sa pagko-commute.
Sumampa na ako sa kotse and started the engine. Ipinagdasal ko na sana hindi galit sa akin si Angela. Gusto niya kasing manuod ng movie at dahil sa hindi ko naman gustong magpasama siya sa kahit na sino lalo doon kay Mike kahit bakla 'yon, kaya I offered myself instead.
Sinilip ko ang akingcellphone at nakitang malapit na palang mag 11, kaya agad na akong kumaripas ngtakbo papunta sa kanila.
Pagkaraan ng halos 10 minutes na b'yahe ay nakarating na rin ako. Mabuti na lang dahil hindi masyadong ma-traffic kaya hindi hassle ang biyahe.
Napalunok ako bago kumatok. Sana hindi 'yon galit. Nakakakonsensya pa naman 'yon magalit. Napasapok ako sa aking noo.
"Tanga lang. Malamang galit 'yon. Malate ka ba naman sa date niyo kaya humanda ka!" pangaral ko sa sarili ko.
Mukha akong ewan na kinakausap ang sarili ko rito. Buti na lang walang masyadong napapadaan sa subdivision nila. Sobra akong kinakabahan. Muntanga lang. Daig ko pa ang nasintensyahan dahil sa kaba.
I sighed and was ready to knock the door but before I could do it, biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang isang anghel.
"A-Angel!" I startled.
Ano ba 'yan!
"Oh... Diego," sambit niya habang nakangiti.
Sandali... hindi siya galit?
"Dali, pasok ka," aya niya.
Pumasok na lang ako habang nakangiting-aso. Nilibot ko ang tingin sa buong bahay. Dalawang lingo na rin ang lumipas ngunit it's my first time in here, palagi kasing sa ospital kami nagkikita.
BINABASA MO ANG
Angela
Kısa HikayeDiego Reyes almost got into an accident when he was nineteen. Magmula noong nangyari ang hindi inaasahang aksidente, paulit-ulit na niyang napapanaginipan ang pangyayaring iyon. Pero ang nakakapagtaka ay palagi niyang nakikita ang isang misteryosong...