Chapter 5
Napangiti ako nang banggitin niya ang pangalan ko. Lumapit ako sa kinaroroonan niya at napansin kong nagbabasa pala sila, marahil ay nagre-review sila dahil malapit na ang finals. Napansin kong bakante ang katabi niyang upuan at balak ko sanang umupo sa gilid niya pero biglang sumingit ang lalaking kasama niya.
"Excuse me!" wika ng lalaki sabay tulak sa akin. Sa kaloob-looban ko ay gusto ko nang sapakin ang mokong na ito ngunit nagtimpi lamang ako.
Tss... kung wala lang dito si Angel ay baka inupakan ko na 'to!
Bagamat gusto kong tumabi sa kanya ay wala na akong balak na makipagtalo, sa kanya na lang ang upuang iyan.
"Ehem... ehem," pagbasag sa katahimikan ni Angel na sa tingin ko ay ginawa niya dahil nakaramdam siya ng tensyon sa pagitan namin ng kasama niya.
Napansin ko ring kanina pa pala ako tinitingnan ng lalaki kaya nagtaka ako.
Ano bang trip nito?
Sinuklian ko siya ng masamang tingin at pagkatapos ay ibinalik ko ang aking atensyon kay Angel.
"So, Diego ito nga pala si Mike. Mike siya si Diego, 'yong uhmm... kinuk'wento ko sa'yo kahapon," pagpapakilala ni Angel na hininaan pa ang boses niya sa huling parte, pero nadinig ko naman at napangiti ako.
Tiningnan kong muli ang Mike na ipinakilala niya sa akin.
"Hi, nice meeting you," walang gana kong bati sabay abot ng kamay ko.
"Nice meeting you rin," matigas niyang bati sa akin at hindi man lang pinansin ang kamay kong iniabot ko. Pasikat!
Napansin ata ni Angel ang pagkainis ko kaya naman ay may ibinulong siya sa lalaki. Hindi ko narinig ang ibinulong niya ngunit nakita ko kung paano gumuhit ang ngiti sa labi ng lalaki habang binubulungan siya ni Angel.
Ano bang pinag-uusapan nila?
Tatanungin ko sana sila kung ano ang pinag-uusapan nila pero matapos siyang bulungan ni Angel ay tumayo ang lalaki at sinabi ang katagang nagpa-inis sa akin.
"See you later, baby girl!" wika ni Mike sabay beso at hug kay Angel.
Tss... ano raw? Baby girl? Eww, pwe!
Nakakadiri naman ng endearment nila, walang ka-taste taste, halatang baduy tuloy ang Mike na ito. Hinintay ko hanggang sa mawala sa paningin ko si Mike na naglalakad palayo bago ko muling binaling ang paningin ko kay Angel.
"Sino siya?!" inis kong tanong.
"Si Mike," tipid niyang sagot habang nagbabasa sa isa niyang notebook na nakalapag sa mesa na pagitan naming dalawa.
"Alam ko, pero ang ibig kong sabihin ay ano mo siya?" tanong kong muli na idiniin ang huling parte ng tanong ko.
Nanatili siyang nakatingin sa kanyang notebook at sinabing, "kaibigan ko lang."
Napatawa ako sa sagot niya dahil feeling ko ay may something sa kanilang dalawa ng Mike na iyon. "Talaga!" pag-uusisa ko sa kanya ngunit hindi niya ako sinagot.
Dinedeadma niya ba ako?
Lumipas ang ilang mga segundo at wala pa rin akong naririnig na sagot mula sa kanya. Inis akong tumayo mula sa aking upuan at lumipat sa upuan na kanina lamang ay inupuan ni Mike. Hinawi ko ang notebook mula sa kanyang mga kamay at hinawakan ko ang mukha niya dahilan para mapatingin siya sa akin.
"Ngayon, sabihin mo sa akin kung kaibigan mo lang ba talaga siya!" ma-awtoridad kong utos sa kanya ngunit nanatili siyang nakatingin sa akin.
Ang lapit-lapit niya sa akin ngayon kaya ramdam ko ang panginginig ng mga kamay niya, ramdam ko rin ang bilis ng kanyang hininga na tanda ng pagbilis ng tibok ng kanyang puso.
"Kinakabahan ka ba?" malumanay kong tanong na nagpaatras sa kanya pero pinigilan ko siya. Ngayon ay mas lumiit ang pagitan namin. At doon ko naramdaman na pati pala ako ay kapareha ng sitwasyon niya... kinakabahan rin ako at mabilis ang pintig ng aking puso.
Ngunit ang pinag-kaiba namin ay mas compose ako, oo kinakabahan ako pero hindi ko ipinapakita. Bawal kong ipahalata sa kanya ang epekto niya sa akin.
Napatawa naman ako sa pag-iisip ko ng gano'n dahil batid kong nakita niya na ang pagkatulala ko sa kanya simula nang magkita kami sa labas ng library. Pero iba ngayon, hindi ko alam pero nakaramdam ako ng takot at tapang.
I'll just have to do my move, I need to confess to her...
"Miss Laurenz, for the last time tatanungin kita, kaibigan mo lang ba talaga siya kasi... sa tingin ko ay nagseselos ako sa kanya?" tanong ko sa kanya na nagdulot ng kaba sa aking puso.
What if hindi niya ako magustuhan pagkatapos nito?
Napailing ako sa ideyang iyon, wala na akong pakialam sa maaaring mangyari.
"Angel, gusto mo ba ako?" muli kong tanong sa kanya na sa tingin ko ay ika-tatlong beses ko nang inulit na itanong sa kanya.
Pero sa ngayon ay wala nang halong biro ang intensyon ko. Nanatili pa rin siyang nakatitig sa akin at hindi makasagot.
"Tss... okay sige, mukhang nahihirapan ka yata sa tanong ko, so I'm going to rephrase the question to make it easier for you," wika ko na ipinagtaka niya.
"H-Ha? A-Anong ibig mong s-sabihin?" nauutal niyang tanong pero hindi ko siya sinagot, bagkus ay ibinigay ko ang bago kong katanungan.
Here it goes!
"Angela... gusto mo rin ba ako?" tanong ko na sinadyang idiin ang salitang 'rin'. Iyon ang unang beses na iniwika ko ang kanyang pangalan.
Nakatitig pa rin siya sa akin at kitang-kita ko ang pagkagulat ng mukha niya ngunit napalitan ito ng bagong emosyon—isang bagong emosyon na hindi ko pa nakita sa kanyang mga mukha dati.
Masaya siya... no, hindi! Masayang-masaya siya.
Napangiti na lang ako at doon ko napagtanto nabistado na kita Angela, at ngayong alam ko nang gusto mo rin ako ay gagawin nakitang akin.
BINABASA MO ANG
Angela
Short StoryDiego Reyes almost got into an accident when he was nineteen. Magmula noong nangyari ang hindi inaasahang aksidente, paulit-ulit na niyang napapanaginipan ang pangyayaring iyon. Pero ang nakakapagtaka ay palagi niyang nakikita ang isang misteryosong...