Chapter 8

20 2 0
                                    

Chapter 8

Ilaw na mula sa truck ang tanging nakikita kohabang papalapit ito sa kinaroroonan ng aking sasakyan. Hanggang dito na langba ako? Ito na ba ang katapusan? Napatulala lamang sa ako sa paparating na truck. Hinihintay ang pagtama nito sa akin... 

Napadilat ako ng mata. Tila biglang nagising ang aking diwa sa narinig. Anong nangyari? Tumingin ako sa librarian sa aking gilid. Binagsak lang naman niya ang isang libro sa lamesang tinutulugan ko. I stared at her blankly.

Kitang natutulog ako eh. Distorbo lang! Punyeta.

"Mr. Reyes, for your information, library ito at hindi hotel para tulugan mo. And one more thing, baka nakakalimutan mong paaralan 'to? Kanina pa ang uwian niyo kaya lumabas ka na!" sabi niya habang nanlilisik ang kanyang mga matang nakatingin sa'kin.

Tss... akala niya naman matatakot ako sa tingin niya. Natatawa nga ako eh.

"Kayong mga bata kayo... naku! Noong kabataan ko, hindi ako..." Bago pa siya mag-storytelling sa kanyang ancient times, kinuha ko na ang bag ko sabay martsa palabas ng library.

"And for the record Ma'am, ang pangit niyong tingnan kung ganyan kayo makatingin," I muttered.

Binaling ko ang atensyon ko sa aking wristwatch at nalamang alas kuwatro na pala ng hapon. Isang oras lang ako natulog pero ang haba ng panaginip ko. Ibang klaseng panaginip 'yon ah.

Napatingala ako ng tingin sa malawak na kalangitan. Hay, salamat naman at uwian na rin. Agad naman akong tumungo ng bus station pauwi sa bahay namin. Ilang minuto rin ang ginugol ko bago makauwi ng tuluyan. Pagdating ko sa bahay, as usual wala si Mama dahil nasa work na naman. Mag-isa na naman ako.

Gusto ko sanang maggala muna bago umuwi pero mas gusto kong matulog ulit baka kasi may continuation pa 'yong panaginip ko. Gusto ko rin makita ang maamong mukha ni Angela.

Sobrang ganda niya at mabait pa. Napangiti ako nang maalala ang panaginip ko. Grabe ang haba talaga no'n. Pero mas napapangiti ako kapag naaalala ang mukha niya. Aminin ko man o hindi pero kinikilig ako.

Oppps! Kahit lalaki ako, marunong rin naman akong kiligin, ano! Tao pa rin naman kasi ako. Pero teka muna... bakit parang kilala ko si Angela? Saan ko nga ba narinig ang pangalang 'yon? Pamilyar kasi talaga eh. Hmm...

Nasa kalagitnaan ako ng malalim na pag-iisip nang biglang may sumigaw. Si Mom pala.

"Son, I'm home!" masiglang bati niya pagpasok niya sa bahay.

Biglang nagbago ang mood ko. I just watched her. Yeah, she's fucking home. Tinatawag niya akong 'son' pero hindi ko ramdam. Yeah right, she's my one and only workaholic mother. Business is her first priority and I'm just her second. Napailing ako.

Psh... and I don't fucking care.

I turned my back andwalked towards my room. I rather spend my time alone than to have a chitchatwith her about business. Curse that business. Punyeta.

Ilang oras na ang lumipas, nanatili lang akong nakahiga sa kama. Hindi ako makatulog. Iniisip ko pa rin kasi kung saan ko ba narinig ang pangalang iyon. Pamilyar kasi talaga eh.

Hmm... saan nga ba? At tsaka bakit ko siya napanaginipan? Kilala ko ba siya? Kilala ba niya ako? Sino ba talaga siya?

And daming tanong ang hindi ko masagot-sagot. Sinabunutan ko ang sarili ko. Dahil sa panaginip na iyon, nagiging ganito ako. Nababaliw na ata ako eh.

Napapitlag ako nang may kumatok sa pintuan ng k'warto ko and guess who? Of course, my mother. Sino pa nga ba ang kasama ko sa bahay bukod sa sarili ko? Tss.

AngelaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon