Chapter 2
Maaliwalas ang panahon at tagaktak ang aking pawis nang makapasok ako sa library, marahil ay tirik na tirik ang araw sa labas at tinotosta nito ang sino mang maghahangad na maglalakad sa ilalim nito. Hapon na at nais kong magpahinga. Gaya ng nakasanayan ay pumunta ako sa pinakasulok na bahagi ng silid o mas kilala bilang Maharlika Section ng library.
Sadya ang pagpili ko sa lugar na iyon at may mga rason ako kung bakit. Una, tahimik roon kaya makakapag-focus ako sa kung ano man ang gagawin ko at walang manggagambala sa akin, sapagkat minsan lang dalawin ng tao ang parteng iyon. At pangalawa ay dahil may malamig na simoy ang lugar na iyon, marahil ay dahil nandoon ang aircon kaya napakalamig ng bahaging iyon.
The truth is, hindi naman ako pumunta rito upang mag-aral o magbasa bagkus ako'y nandito upang matulog—oo, matutulog lang ako rito. Bakit? Simple lang, dahil bored ako ngayon at mas lalong mabo-bored ako kung papasok ako sa susunod kong klase, alien language na kasi ang pag-uusapan. Alam niyo na.
Curse you Physics, curse you Sir Mendez, matutulog na lang ako rito kaysa makinig sa'yo!
Ngunit kahit na ang pakay ko rito ay matulog lamang ay kumuha pa rin ako ng libro. Alam niyo na, para may pantakip ako ng mukha ko kapag nakatulog na ako, iyon bang parang nagbabasa kunyari pero sa totoo lang ay nakatulog na pala.
Hindi ko na pinansin kung anong libro ang naroon at hinablot ko na lang ang nasa pinakamalapit at sa kung ano ang sa tingin ko ay ang may tamang sukat para matabunan ang aking mukha. Korni man pakinggan at parang gasgas na ang ideyang ito ay proud pa rin akong sabihin na proven and tested ko na ang ganitong modus. Hindi naman kasi ako nahuhuli ni Ma'am so far at wala siyang imik kapag minsan ay naaabutan niya ako, siguro ay iniisip niyang nagbabasa ako.
Ipinuwesto ko na ang ulo ko sa lamesa at inilagay ang libro sa harapan ko. Bago ako makaidlip ay tiningnan ko muna ang oras, eksaktong alas tres na ng hapon at marahil ay nagsisimula na ang klase ni Sir Kalbo ngayon. Agad kong kinalkula kung kailan dapat gigising.
I should wake up before four para makaabot ako sa quiz ni Sir dahil you know, alam ko na ang daily routine niya.
Tuluyan ko nang inihiga ang ulo ko sa mesa. Finally, I closed my eyes and not long enough, nakatulog na rin ako.
***
Naramdaman kong may parang sumusundot sa tagiliran ko.
"Ano ba! Natutulog ako! " ungol ko ngunit bingi ata ang taong sumusundot sa gilid ko at patuloy pa rin ang pagsundot nito.
"Who the hell are you?!" galit na sigaw ko. Finally, tumigil na sa pagsundot ang kung sinuman ang nasa gilid ko ngunit nang marinig ko ang sagot niya ay pinagsisihan kong pinigilan ko siya.
Mabuti pang nagpanggap na lang akong natutulog.
"Mr. Reyes, stannup!" sa boses at pagbigkas pa lamang ng mga salitang iyon ay alam ko na kung sino ang nasa gilid ko.
"M-Ma'am Carlita," nauutal kong sagot ngunit hindi pa rin ako tumayo kahit na sinabi niya ang kanyang famous line na 'stannup' which is stand up.
"What are you doing here? Don't you have class? " tanong niya at tinaasan pa ako ng kilay waring hinahamon niya ako kaya napatayo ako at napaatras naman siya na parang nandidiri.
Nyeta! May laway yata ako sa labi kaya napaatras si Ma'am ng 'di-oras.
"Ahehe v-vacant ko po ngayon, Ma'am eh, kaya—" pagsisinungaling ko ngunit hindi niya ako pinatapos.
"Really?" pagsisimula niya habang lumalakad palibot sa akin. "Vacant mo nga ba, Mr. Reyes o baka naman natulog ka lang dito. Tandaan mo, konting-konti na lang ang pasensya ng school sa'yo," patuloy niya habang tila bang rumarampa sa palibot ko at ako naman ay sinusundan ang pag-ikot niya.
BINABASA MO ANG
Angela
Short StoryDiego Reyes almost got into an accident when he was nineteen. Magmula noong nangyari ang hindi inaasahang aksidente, paulit-ulit na niyang napapanaginipan ang pangyayaring iyon. Pero ang nakakapagtaka ay palagi niyang nakikita ang isang misteryosong...