Epilogue

23 2 0
                                    

Epilogue

Angela's point of view

6 years later...

Maaga akong nagising sa tunog ng alarm clock ko. It was 7 o'clock in the morning. I get up in bed as I headed towards the bathroom. I have to prepare breakfast for him but before that, I'll fix myself first.

Pagkatapos kong mag-ayos at sa tingin ko naman ay okay na ang ayos ko ay pumanhik na ako sa baba. Simple lang ang niluto ko, just a usual food for breakfast. Saturday ngayon and yes, it's weekend pero dahil may pupuntahan kami, maaga akong gumising. Matapos kong mag-prepare ng breakfast, kumain na kami.

Ilang taon na rin ang lumipas. Maybe 5 or 6? Ang tagal na rin at marami nang nagbago. Nakatapos ako ng pag-aaral. Culinary Arts ang kursong kinuha ko. I managed to have my own restaurant and a coffee shop. Si Mommy naman, retired na sa trabaho niya. Sinundan niya si Daddy sa States, doon na sila nakatira ngayon. Gusto nga sana ni Mommy na sumunod ako sa kanila pero ayaw ko. Ayaw kong iwan siya rito, ang taong mahal ko.

Pupunta nga ako sa kanya ngayon. Miss na miss ko na siya. Ang tagal ko nang hindi siya nakikita. Nandito ako sa bus stop, naghihintay ng masasakyan. Maya-maya ay may paparating na bus kaya naman sumampa na ako sa loob at naupo sa isa sa mga seats.

Hindi nagtagal ay nakarating na rin ako sa lugar kung nasaan siya ngayon. Medyo natagalan ako dahil sa traffic pero 'di bale, hindi naman 'yon magagalit eh. Tiyak matutuwa 'yon kasi dinalhan ko pa siya ng special recipe ko. Tsaka hindi rin naman masyadong malayo ang b'yahe kaya sapat lang.

Pagkapasok na pagkapasok ko sa isang napakapamilyar na lugar ay nagsimula na akong maglakad papunta sa bahaging madalas naming pagkitaan. Hile-hilerang pine trees and bumungad sa akin. Ang sarap pa rin sa pakiramdam ang pagdampi ng preskong hangin sa'king balat. Wala pa ring pinagbago ang lugar. Nakakagaan pa rin ng loob.

Nang ilang metro na lamang ang aking gugugulin ay unti-unting sumilay sa aking mukha ang kasiyahan. Ngayon ay tanaw na tanaw ko na siya.

Ngunit nanatili akong walang kibo habang umuupo kasama siya. Nasa taas kami ng burol. Tanaw rin mula rito ang siyudad. Tumingin ako sa langit, maaliawalas. Mukhang maganda ang panahon ngayon, ah. Perfect timing pala ang pagpunta ko rito. And as I promised ay inilabas ko ang special carbonara ko na niluto ko ng buong puso at pagmamahal para sa kanya.

Napangiti ako nang bigla kong maalala ang mga panahon na sobrang minahal ko siya. I even save him from the accident. I choose to risk my life... for him. Gano'n ko siya kamahal. He hated his life but I loved to be part of it. There's a saying, 'if you love someone, do everything for him'. I literally did that. I do and I love him, too much that I sacrificed my own life for him as he did the same to save me.

My vision became blurry as I started to cry. Palagi na lang ganito. Tuwing nakikita ko siya, napapaiyak ako. Pinagtitinginan na nga ako ng ibang napapadaan sa p'westo namin.

Unti-unting may mga braso ang pumulupot sa'king katawan habang pinupunasan niya ang luha ko. Mas lalo akong napaiyak.

"Mommy, why are you crying?" tiningnan ko siya.

"I'm okay, baby. I just missed him." Kinagat ko ang labi ko.

"Don't cry na, Mommy. Tito DJ doesn't want you to be like that. He'll get mad. Sige ka, Mom... dadalawin ka niya mamayang gabiiiiii." Aba't walang-hiyang anak kong 'to. Hindi man lang ako inalok. Tinakot pa ako.

"Okay baby, I'll stop na. Maglaro ka na lang ulit do'n," sabi ko at hinalikan siya sa pisngi. Nang makaalis na ang anak ko ay napa-make face na lang ako.

AngelaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon