Chapter 4
Basang-basa akong umuwi ng bahay pero mabuti na lang at hindi nadamay ang mga binili ko. Sa totoo lang ay hanggang ngayon, hindi ko alam kung ano ang pumasok sa kokote ko at bigla na lang akong tumakbo palabas ng jeep para habulin siya.
Siguro gusto kong humingi ng tawad pero may parte rin sa aking isipan na nagsasabing wala akong kasalanan. Hindi ko naman alam na mapipikon siya at magagalit 'di ba? At higit sa lahat, ano ko ba siya?
Hindi ko pa nga nasasagot ang mga tanong ko kahapon ay nadagdagan naman ito ngayon. Pupunta na sana ako sa k'warto ko upang magbihis nang biglang may kumatok sa pintuan, si Mama ata.
Pinagbuksan ko siya ng pintuan at gaya ng inaasahan ko ay busy na naman siya. Kung hindi siya nagbabasa ng mga papeles ay may kausap naman siya sa telepono.
"Good evening, anak!" pagbati niya at agad na pumasok ng bahay.
Tss... hindi man lang niya ako tiningnan, sana nakita man lang niya na basa ako.
***
Dumating ang gabi at natulog na ako. Kung kahapon ay napanaginipan ko siya, ngayon naman ay iba ang timpla ng panaginip ko.
Nakikita ko siya na may kasamang isang lalaki, sa una ay inakala kong ako iyon, ngunit hindi pala. Dinig na dinig ko ang kanilang mga tawa at mukhang masaya siya rito.
Pero napansin niya ako at unti-unting nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha. Ang mga masasaya niyang mga mata ay napalitan ng lamig at 'di gusto. Parang ipinapakita niyang ayaw niya sa akin. Hindi ko alam kung bakit pero may poot akong naramdaman.
Nagising ako ng hatinggabi kaya bumaba ako para uminom ng tubig. Isang masamang panaginip lang pala ang lahat ng iyon pero sobrang tindi ang naging epekto nito sa'kin.
Sinubukan kong matulog ulit ngunit hindi na ako makatulog. Napagdesisyonan ko na lang kalikutin ang cellphone ko at mag-facebook. Habang tinitingnan ko ang timeline ko ay may nahagip akong isang mukha. Ang mukha na nasa panaginip ko.
May pinost ang isa sa mga friends ko at naka-tag siya sa doon. Doon ko lang nalaman na batch-mates pala kami pero magkaiba nga lang ng course. Hindi ko maitatanggi ngunit hinangad kong puntahan ang profile niya at hindi ko namalayan na na-click ko na pala ang add friend button.
Balak ko sanang bawiin ang friend request ko at i-cancel pero na-accept na niya ito.
Online siya ngayon.
Nakaramdam ako ng excitement nang makita kong online siya. Ito na ata ang pagkakataon ko. Balak kong humingi ng sorry sa kanya dahil ramdam kong mali ako at patuloy pa rin akong binabangungot ng mga mata niyang iyon.
Ayaw kong tingnan niya ako na para bang isa akong masamang tao, sa ngayon ay nauunawaan ko na kung bakit nakaramdam ako ng poot kanina. Marahil ay gusto ko pa siyang makilala.
Chinat ko siya gamit ang messenger since friends na naman kami.
BINABASA MO ANG
Angela
Cerita PendekDiego Reyes almost got into an accident when he was nineteen. Magmula noong nangyari ang hindi inaasahang aksidente, paulit-ulit na niyang napapanaginipan ang pangyayaring iyon. Pero ang nakakapagtaka ay palagi niyang nakikita ang isang misteryosong...