Chapter 3
Pagod akong umuwi ng bahay. Nakapagtataka lang kasi wala naman akong ginawa masyado ngayong araw at higit sa lahat ay nakatulog ako sa library kanina. Marahil ay naging masyadong occupied ang isip ko kaya ngayon ay pagod ako.
Gaya ng nakagawian ko ay kumain ako at agad na pumunta sa k'warto ko. Sa aking paghimlay ay iniisip ko pa rin ang mga nangyari kanina.
Paano huminto ang oras? Paano nagbago ang panahon? At higit sa lahat, sino siya?
Bawat katanungan ay tiyak na hindi ko masasagutan sa ngayon kaya naisip kong itulog na lang ang lahat ng ito. Ngunit hindi ko inaasahan na pati sa panaginip ko ay dadalawin niya ako.
Gaya ng nangyari kanina ay nandoon siya sa aking harapan, basa siya at maging ako rin ay gano'n. Ngunit sa panaginip ko ay wala siyang payong at sa ngayon ay nanatili siyang nakatitig sa akin.
Bakas sa kayang mukha ang gulat. Ano ba ang nangyayari? Tiyak nga na isa itong panaginip dahil nanatili kaming gano'n, nakatitig sa isat-isa.
Ibubuka ko na sana ang bibig ko upang tanungin siya, ngunit bigla niya akong niyakap.
"Diego."
Nagising ako at agad na bumungad sa akin ang boses ni Mom.
"Anak, kain na," tawag niya sa'kin.
Hindi ako dumiretso sa kusina bagkus ay mas pinili kong maligo at magbihis. May lakad ako ngayon, balak kong pumunta sa bahay ng aking kaklase para tumambay. Wala kasing pasok ngayon dahil holiday. Ngunit agad na naputol ang plano ko nang magsalita si Mom.
"Diego anak, lalabas ka ba?" tanong niya pero alam ko na ang susunod nito. Marahil ay may iuutos siya sa akin o kaya naman ay hindi niya ako pahihintulutang lumabas.
"May ipapabili kasi ako sa'yo."
Hindi na ako nagsalita pa at sinunod na lang siya. Bagsak ang aking mga balikat na lumabas sa bahay ngunit alam kong wala na akong magagawa pa. Kailangan kong sundin si Mom, kasi hanggang ngayon ay guilty pa rin ako sa ginawa ko 2 years ago.
Hindi nagtagal ay nakarating na ako sa mall at agad akong dumiretso sa grocery section.
Sabong panlaba, toothpaste, noodles, canned goods at iba pang kagamitan sa bahay ang pinabili sa akin. So far ay naging madali lang ang pagbili ko dahil may checklist naman na ibinigay sa akin si Mama.
Nasa panghuling item na ako at mukhang doon ata ako matatagalan.
"Whisper with wings," pagbasa ko sa huling item sa list.
Natatawa ako at nahihiyang pumunta doon sa section kung nasaan ang mga napkins ngunit wala na akong choice.
Mabuti na lang at ako lang ang nandoon. Akala ko ay magiging madali lang ang pagkuha ko ng item na iyon ngunit sa kamalas-malasan ay out of stock na ang whisper.
"What the hell! Ano na lang ang bibilhin ko nito?" mahinang daing ko.
Nabigla naman ako nang makarinig ako ng tawa sa aking gilid, boses ito ng isang babae na sobrang pamilyar sa akin. "Kumuha ka na lang ng kahit ano diyan," saad niya.
Nilingon ko ang pinanggalingan no'ng boses na iyon ngunit bigla na lang siyang nawala. Napakibit-balikat na lamang ako atsaka sinunod ko ang kanyang sinabi at agad na dumiretso sa counter upang magbayad. Tiningnan ko ang oras at doon ko lang napansin na tanghalian na pala. Naisipan ko na lang na huwag munang umuwi at kumain na lang sa isang fast food chain.
Nang matapos akong um-order ay umupo na ako sa isang table. Masyadong busy ang restaurant kaya natagalan akong maka-order. Pawisan akong napaupo at masinop na naghintay sa aking napiling kakainin.
BINABASA MO ANG
Angela
Short StoryDiego Reyes almost got into an accident when he was nineteen. Magmula noong nangyari ang hindi inaasahang aksidente, paulit-ulit na niyang napapanaginipan ang pangyayaring iyon. Pero ang nakakapagtaka ay palagi niyang nakikita ang isang misteryosong...