2 - Lihim na Pagtingin

22 3 2
                                    


Ikaw ay aking kaibigan
Mali ba itong aking nararamdaman?

Sa tuwing ikaw ay ngi-ngiti
hindi ko mapigilang mahulog, oh bakit hindi?

Sabi nga nila ay hindi maaaring mahulog sa kaibigan,
Dahil ikaw ay kaibigan lang at hindi na mahihigitan

Ngunit ang puso ay hindi naman natuturuan
Kusa lamang tumitibok sa napupusuan

Paano? Ano ang gagawin?
Lubos kanang mahalaga sa akin
Baka masira ang ating pagkakaibigan kung ako ay aamin

Marahil ay hanggang rito nalang ako
Ang lapit mo ngunit ang layo
Ang hirap abutin
Sana ay iyong mabatid, ang aking
Lihim na pagtingin

Sa Tula ko IdadaanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon