7 - Ala-ala

10 1 0
                                    

Sa aking pag-pikit, iyong mukha ang naiisip
Sa pagtulog, ikaw ang laman ng bawat panaginip

Palaging naaalala ang masayang kagahapon
Mga masasayang memoryang sabay nating inipon

Napapangiti na lamang ako ng mapait
Sa ating pag-ibig na kay sakit ng sinapit

Hiling koy hanggang ngayon tayo parin ang magkasama
Hiling kong sabay sana tayong tumanda

Ngunit isa tayo sa mga pag-iibigang hindi pinalad
Ang ating storya ay sumawimpalad

Ipipikit ko na lang ulit ang aking mga mata
Nang kahit sa ala-ala man lamang ikaw ay makasama

Sa Tula ko IdadaanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon