13 - Para sa mga Sawi

4 1 0
                                    


Kailan ba matatapos ang iyong mga hikbi?

Ang sakit na iyong nararamdaman ay kailan ba mapapawi?

Bakit ba kasi sa iyong isipan ay hindi sya mawagli?

Sa iyong puso bay habambuhay syang mananatili?

Bakit ba kasi sa dinami-rami ay sya ang iyong pinili?

Alam mo namang hindi na sya babalik pang muli,

Sana naman ay iyong maintindihan
Na hindi sya sa iyo inilaan

Itong masaklap na pag-ibig ay dapat mo nang bitawan

Dahil kung patuloy kang kakapit ay ikaw lang rin ang masasaktan

Alam kong magagawa mo pa ring maging masaya,

Ngunit hindi sa piling nya,

Kundi sa taong sa iyo'y itinadhana

Maaaring hindi mo pa sya nakikilala sa ngayon,

Ngunit sya ay darating din sa tamang panahon

Sa Tula ko IdadaanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon