12 - Ayoko na

8 1 0
                                    

Pinagmukha mo lang akong tanga

Hindi naman pala talaga ako mahalaga

Ang masaklap ay hinayaan ko rin naman ang puso kong magpakatanga

Mahal parin kita kahit ang sakit sakit na

Ngunit hindi sapat ang pagmamahal lang upang kumapit pa

Lalo na't ang puso ay napapagod na
Lalo na't ang kamay ko'y binitawan mo na

Mahal, patawarin mo sana
Ngunit ayoko na

Napapagod na kasi akong umasa
Na ang dating tayo ay maibabalik pa

Malinaw naman sa akin na tayo ay malabo na

Nais ko na sanang tumigil sa pagpapakatanga

Kaya patawad
Ayoko na

Sa Tula ko IdadaanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon