Bakit kaya kahit ang sakit sakit na kahit ang hirap hirap na
Hindi parin sumusuko ang puso nya?Matatawag ko ba syang matapang?
Oh, sya ay nagpapakatanga lamangBakit kaya kahit na malinaw na sya ay niloloko na
Hindi parin nababawasan ang kanyang pagsinta?Minsan napapatanong ako sa aking sarili,
Maaari naman sigurong sa pag-ibig ay pumili
Doon ba sa masasaktan ako o hindi?Bakit ba hindi lahat ng pag-ibig na ibinibigay ay nasusuklian?
Minsan nga, kahit labis ang iyong ibinibigay ay di parin sapat para sa iyong napupusuan
Napakasaklap naman kanyang pinagdaraanan
Iniwan sya at pinagtaksilan
Kayanin nya pa kaya?Hindi ba napapagod ang kanyang pusong walang pahinga?
Pusong hindi naman inaaruga
Bakit ba pinili nyang magpakatanga,
Bakit kaya
BINABASA MO ANG
Sa Tula ko Idadaan
PoetryMga sigaw ng isang manunulat Mga sigaw na idinaan sa pagsulat NAGMAHAL, NASAKTAN, SUMULAT (Nakapaloob rito ang lahat ng aking mga gawa)