14 - Masaya ka pa ba?

14 0 0
                                    

Masaya ka pa ba?
Iba kasi ang sinasabi ng iyong mga mata
Wala na ang dating galak at ligaya
Sa tuwing akoy iyong makikita

Masaya ka pa ba?
O ikaw ay tuluyan nang nagsawa?
Sabihin mo sana sa akin,
Sa akin ba'y naglaho na ang dating pagtingin?

Hindi ko na naririnig ang iyong mga tawa
Hindi ko na naririnig ang mga katagang Mahal Kita
Ako pa ba'y iyong sinisinta?

Para bang hindi na kita kilala
Ang iyong mga ngiti ay ibang-ibang na
Mahal, masaya ka pa ba?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 25, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sa Tula ko IdadaanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon