Ang sabi nga nila ay wala namang umaasa kung walang nagpapaasa.
Wala rin namang nagiging paasa kung walang umaasa.Bakit pa kasi nagpapakita ng motibo kung hindi naman pala sa akin tumitibok ang iyong puso?
Siguro kasalanan ko
Bakit naman kasi ako umasa
Wala naman palang kahulugan ang iyong matatamis na salita
mga kilos na akala ko'y ako ay mahalagaNgunit ang lahat ng iyon ay akala ko lang pala
Sa iyong mga tingin na makahulugan
Sa mga ngitian na kung aakalain na tayo'y nag-iibiganSubalit kailangan ko na sigurong gumising sa aking kahibangan
Batid ko naman na akoy kaibigan lamangBakit ba kasi ako umasa?
Sa huli ako lamang ang nasaktan
Hinayaan ko kasing ang puso ko ay mahulog
Mahulog at mabasag kasi hindi mo naman ito sasaluin
Wala ka naman kasing pagtingin sa akin
Ngunit sa kabila ng lahat ng sakit, patuloy parin akong umaasa
Umaasa na iyong masusuklian ang aking pagsinta.
BINABASA MO ANG
Sa Tula ko Idadaan
PoetryMga sigaw ng isang manunulat Mga sigaw na idinaan sa pagsulat NAGMAHAL, NASAKTAN, SUMULAT (Nakapaloob rito ang lahat ng aking mga gawa)