8 - Nakaraan

11 1 0
                                    

Hindi ko alam
Hindi ko alam kung bakit
Sa tuwing naaalala ko ang nakaraan
Ang damdamin koy gumagaan
Kay rami ng bagay na dapat pagsisihan
Ngunit narito ako't ngumingiti na parang ewan
Nasisiyahan na lamang akong tunghayan ang nakaraan
Ang nakaraan na marami ring kamalian
Ngunit ito ang nag hubog sa kung sino kaman sa kasalukuyan.
Aking napagtanto na hindi dapat mabuhay sa nakaraan ngunit di rin dapat ito talikuran
Kalimutan? Hindi tama ang salitang iyan
ang tama ay tanggapin ito ng buong puso
Hindi ma man ito mapapalitan at mababago
Maari mo naman itong gawing gabay sa daan na sa ngayon ay tinatahak mo.

Sa Tula ko IdadaanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon