Liham para sa aking sinisinta
Na idadaan ko lamang sa isang tula
Paglaanan mo sana ito ng kaunting segundo sinta koAng tulang ito ay nilikha ko para lamang sa iyo
Hindi man ito kasingganda at kasingtingkad ng iyong mga ngiti
Sana'y ang nais kong iparating ay iyong mawari
Maaari ko bang simulan sa mga katagang, Mahal kita?
oh sinta huwag ka sanang mabigla
Nais ko sanang iyong mabatid ang aking nararamdaman
Hindi naman kinakailangang ito ay iyong masuklian
Gusto ko lamang na iyong malaman
Na parati kang laman ng aking puso't isipanNahulog ako sa iyong mga halakhak, sa iyong mga ngiti, sa iyong mga mata
na para bang mga tala sa kalangitan na kung kumislap ay kay gandaAng iyong tinig ay tila ba musika na kay sarap pakinggan
Iyong mukha ay kailanman hindi ko pagsasawaang tingnanKung ipapaubaya mo man sa akin ang iyong puso ay hindi ko maipapangako
Hindi maipapangakong di ka sasaktan
ngunit maipapangako kong hindi kita susukuanAking nakikita ang aking sarili na kasama ka sa hinaharap,
Oh aking sinta, ikaw ang aking pangarap
BINABASA MO ANG
Sa Tula ko Idadaan
PoetryMga sigaw ng isang manunulat Mga sigaw na idinaan sa pagsulat NAGMAHAL, NASAKTAN, SUMULAT (Nakapaloob rito ang lahat ng aking mga gawa)