4 - Napapagod

18 1 0
                                    

Pag-ibig ba'y nakakapagod?
Damdamin ba'y maaaring sa alon ay ianod?

Ang pusong sa mataas na panahon ay nagmahal
ngunit hindi nasuklian, ito bay magtatagal?

Nasaktan na ng paulit-ulit
Ngunit ngumingiti parin ng pilit
Ang pusong tunay na nagmamahal, balewala lang ba ang sakit?

Patuloy ka pa bang lalaban?
Kahit alam mong matagal ka nang binitawan,
Kahit matagal ka nang sinukuan?

Hindi naman sya ang iyong mundo,
Pagpahingahin mo muna ang iyong puso

Sa Tula ko IdadaanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon