Chapter 1

63 2 0
                                    

Nagising ako sa sigaw ng nanay ko. Masyado pang maaga at alam kong hindi pa ala singko ng madaling araw para gisingin nya.

"MALIGAYANG KAARAWAN CALINA!!!" sigaw ni nanay. Masyado akong nabingi at napatawa sa pagbati nya. Masyado syang masaya ngayon. Walang sawang pagmamahal talaga ang nararamdaman ko sa piling ng nanay ko.

"Hahaha nay naman. Ang aga aga ng bati nyo sakin!" Sabi ko pa. Nakita ko sa aming orasan na 12:00 pa lamang ng hating gabi. Masyadong nag effort ang nanay ko para sa kaarawan ko.

"Hahaha. Pero anak, pasensya na ha? Wala tayong handa ngayon..." Alam ko naman yun at hindi na dapat ipagpasensya ni nanay yun. Isa pa ay mas ayos na sa akin ang makasama sya.. At si tatay... Hays..

"Dapat ay maranasan mo ang debut mo anak..." Malungkot ang ngiting ibinigay sa akin ni nanay. Na para bang sinasabi nyang hindi nya kayang ibigay ang pangangailangan ko. Pero hindi, kahit mahirap lang kami ay hindi ako nagutom sa pagmamahal nya at wala na akong hiniling pang iba. Na kahit magkulang man sa pagkain at magkanda lubog kami sa utang ay hindi nya pa din ako pinabayaan.

"Kaya... Sagot na ni sister Marie ang pang debut mo." Nakangiting sagot ni ina. Pero kahit ganun ay nagtataka ako dahil nakikita ko sa mga mukha nya na magkakaroon sya ng labis na pagkakaulila... Hindi ko maintindihan.

"Mahal kita anak. Pasensya na. Alam kong ito ang pangarap mo. Kaya ang sabi ko kay sister Marie ay papuntahin ka na lang sa Paris, France." Kaya pala... Masyado akong nabigla at sinabing kung totoo ba iyon. Sabi naman ni ina ay hindi ako nananaginip. Sa wakas ay mapupuntahan ko din ang Paris. Ang pangarap ko! Ang pangarap kong pinangakong birthday gift sa akin ng tatay ko...

Kaso hindi. Kasi si nanay ang tumupad sa pangako ni tatay. Pero kahit ganon ay ayos lang.

Matutupad ko ang pangarap ko!

"Salamat nay!" At niyakap ang nanay ko. Halos tumulo ang luha ko dahil hindi ako nananaginip! Na kahit sampalin man ako ng kahit nino ay hindi talaga ako nananaginip. Pero kahit labis man ang aking pagkatuwa.. May nagtutulak sa akin na huwag na lang.. Dahil ayokong maiwan si nanay.

"Nay. Pwede ko ba kayong isama?" Tanong ko kay nanay. Ngunit umiling sya. Hindi ko naman alam kung bakit ayaw nya.

"Araw mo iyon anak. Gusto kong masolo ng maganda kong anak ang pangarap nyang paris." Nakangiting sabi ni nanay.

Tumango na lamang ako kahit labag sa akin. Huwag na lang kaya? Mas gusto kong makasama ang nanay ko.

"N-nay. Huwag na lang--"

"Okay lang ako anak. Araw mo ito. Mimiyang umaga ang punta mo sa airport. Alam kong saulo mo ang mga daan sa Paris dahil alam kong paborito mong lugar iyon dahil sa magandang lugar ang nandoon." Natatawang sabi ni nanay. Niyakap ko sya.

"Salamat nay. Mahal na mahal ko po kayo." At mahigpit kong niyakap si nanay.

"Mahal na mahal.. Na mahal din kita anak.." Sabi naman ni nanay.

"Sige na. Calina, matulog na tayo. Mimiya ay magaayos ka pa!" Natutuwang sabi ni nanay.

Natulog kami ng magkatabi sa aming maliit na kama.


Masaya ako at mayroon akong nanay na katulad nya.

How My Life Change At 18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon