HMLCA18
"You may kiss the bride" nakangiting sabi ng pari.
Nakita kong napangiti si Phyter na nasa kabilang upuan. Narinig ko namang tumili ang mga katabi kong bridesmaid din.
'Omygosh, I'm kinikilig sa kanila!!!'
'Omg! I hope ako mamaya ang makasambot ng bouquet ni Moi!'
'Hahaha! ako ang makakasambot non duhh!'
'tss. ayan na oh! maghahalikan na!'
Inalis na ni Kuya Zani ang belo na nakaharang kay moirah at dahan dahan syang lumapit sa mukha ni moirah...
Napangiti naman silang dalawa at nakita kong naglapat ang labi nilang dalawa...
Napansin kong nagtakip ng mata ang mga bata, Hahaha!
"MABUHAY ANG BAGONG KASAL!" sigaw nung isa.
Nagpalakpakan kaming lahat at tumayo ako. Lumapit sila sa mag asawa at ganoon din ako.
"Wait. Where's Calina?!" narinig kong tanong ni Moirah.
Nagpakita ako sa kanya at ngumiti. Nahaharangan kasi ako ng ibat ibang abay at bridesmaids.
"Oh! Come here cali! And you, Phyter, Tita! Take us a picture! Biliii~" Sabi nya.
Nagbalik na naman sya sa pagiging bata hahaha! Lumapit naman si phyter sa tabi ni kuya Zani at katabi ko naman si Moirah.
"1...2..3! Smile!!!!" Nakangiting sabi ni Sister Marie.
"Okay lahatan naman!" sabi ni Sister Marie. Kumuha sya ng kukuha ng litrato samin at nagsimula na ang pagkuha ng litrato.
Nang matapos yon.. Lumabas na kami sa labas ng simbahan at doon ginawa ang paghahagis ng bouquet ni Moirah.
Naasa kasi sila... Este naniniwala na kapag nasambot mo ang bouquet ng kinasal ay sya ang susunod na ikakasal.
"Okay! I make it hagis na ah!? tatalikod na me!" Masayang sabi ni Moirah.
Nakapwesto ako sa likuran dahil nasa harapan ko ang mga ibang dalagang nagaabang na masambot ito. At hindi ako isa roon, Hindi naman yata ako makakasal. Wag na rin haha.
Naramdaman kong tumabi sakin si Pyther at ngumiti sakin.
"Waaa hinagis na nya! Omygod! Huy girl! make it samboooot!"
Nakita ko ang bouquet na papunta sa akin at hindi ko malaman ang gagawin.
Ilang segundo na lang...
"calina sambutin mo!" sigaw ni Phyter.
Ewan ko pero may nagtulak sa sarili ko at sinalo ang bouquet.
*Moment of silence
Naramdaman kong tumahimik ang paligid. Nanlaki na rin ang mata ko at kinabahan.
Napatingin ako kay Phyter at sinabi nyang...
"So... I already found you."
Napakunot ako ng noo.
"H-ha?" sabi ko habang hawak hawak ang bouquet.
Imbis na sagutin nya ako ay ngumiti lang sya.
Umalis na din sya sa tabi ko at may pinuntahan pa sa kabilang gilid ng simbahan...
"OMYGOSH GIRL! IKAW ANG NAKASAMBOT NG BOUQUET KOOO! EMERGERD! YOU'RE LUCKY!" Tili at sabi ni Moirah.
'Sayang dapat ako yon.'
'tss. Akala ko ako na!'
"You're so lucky Cali! You sambot that bouquet! Sino namang lucky boy ang papakasalan mo huh?" nakangising tanong ni Moirah.
Nakita kong lumapit si sister marie sakin ng nakangiti... Lumapit din si Kuya Zani...
"So, ikaw ang susunod na ikakasal Calina? oh! Congratulations!" nakangiting sabi ni Kuya zani.
"Hahaha! Siguro nga sya na ang susunod, pero hindi muna ngayon, Bata pa si Calina." natatawang sabi ni sister Marie.
"Hahaah! I hope, Phyter would be the groom for you" sabi naman ni Moirah.
"Hahahaha Hindi naman siguro..." Sagot ko.
"Ahm.. Sister Marie" tawag ko sa kanya.
"Bakit anak?" tanong nya.
"Sa tingin nyo ba totoo ang sabi sabing iyon?"
Tinutukoy ko ay yoong sa bouquet na nasalo ko.
"Hindi ko alam Cali... Pero hindi naman imposible hindi ba?" Sagot nya.
Ngumiti na lang ako.
Ako na ba ang susunod?
---
A/n : Si calina ba talaga ang susunod? O isusunod? 😊😂 Enjoy reading Readahs.!

BINABASA MO ANG
How My Life Change At 18
Fiksi RemajaI didn't expected that my life change at 18...