Chapter 3

33 1 0
                                    

"Tatay..."

Sya yun. Tandang tanda ko ang mukha nya at hindi ako nagkakamali.

Nakita kong tumayo na sya at ng babae nyang kasama pero hinabol ko ito. Mukhang papauwi na sila...

Tumakbo ako papalapit kay tatay.

"Wait! Wait! Sir!" Tatay ko sya. Alam ko yun.

Napatigil naman sila at tinignan ako ni tatay... Tinignan naman ako ng babae mula ulo hanggang paa at napataas ng kilay. Mukhang... Mukhang naririndi sya sakin. Hays.

"Who are you?" Tanong ng babaeng kasama ni tatay.

"Wait ma'am. Sir. Are you Mr. Raishin Luna?" Tanong ko sa kamukha ng tatay ko.

"Wait. Are you a Filipino?"

"Y-yes!" Umaasa akong mamukhaan nya ko.

"Bakit mo ako kilala?"

"I-i am, Calina Rain Luna. naaalala mo pa ba ako tay?"

"What is she saying?" Naiiritang sabi ng babae. Pumunta ito sa may kotse, siguro sa kanila yun.

"I'll wait you here!" Sigaw ng babae.

"Anak nyo ko tay!" Masaya kong sabi. Sana ay maalala nya ako. Isa lang naman ang nararamdaman ko, yun ay ang saya.

"Wala akong anak. Baka nagkakamali ka lang." Sabi nito ng sigawan ulit sya ng babae nyang kasama na naiinip na.

"P-pero !---"

"Wala akong anak. Baka nagkakamali ka lang"

Pero.. Pero sya yun eh. Sya yun... Hindi ako nagkakamali. Ang tatay ko yun. Bakit hindi nya ako maalala? Boses nya ay hindi ko makakalimutan. At ang mukha nya ay mananatili sa isip ko.

Hindi ako titigil. May dalawang araw pa para mahanap sya at maipaalalang anak nya ako. Miss na miss ko na sya, at gusto ko ng kumpletong pamilya... Yun ang hinihiling ko noon pa man sa Diyos, at nagpapasalamat ako dahil nakita ko na ang aking ama.

Na kahit hindi ako maalala ay pipilitin kong maipaalala sa kanya...

Umuwi ako sa hotel at nakita si sister Marie na nakahiga lang at nakatingin sa kisame.

"S-sister marie..."

"Oh, Calina? Nandito ka na pala. Mukhang napa sarap ka sa labas ah? Kamusta?" Tanong nito.

"O-okay lang po..."  At ngumiti.

"Okay ka lang ba Calina? Bakit parang malungkot ang mga ngiti mo? May nangyari ba?" Nag aalalang sabi ni Sister marie.

"Nakita ko po si tatay." Tinignan ko sya at napaiyak ako. Napaupo naman sya mula sa pagkakahiga at tumabi ako sa kanya.

"Hindi nya po ako matandaan. Nagpakilala po ako sister marie. Sabi ko ako ang anak nya pero hindi ih, wala daw po syang anak..." Sabi ko at lalong napaiyak.

Niyakap naman nya ako ng mahigpit.

"Tiwala lang. May plano ang Diyos. Magtiwala ka lang sa kanya. At kahit anong mangyari, huwag kang mawalan ng pag asa." Sabi ni sister marie.

Masaya ako dahil may parang pangalawa na akong ina.

"S-salamat po."

Kaya ko to. Hindi ako mawawalan ng pag asa.

--

Pangalawang araw ko dito sa Paris. Malamig ang klima ngayon dito at hindi ko pa rin maiwasang mabigla at hindi pa rin ako naniniwalang nandito ako.

At nandito din ang tatay ko...

Ngayon. Nag gagala ako sa kahit saang sulok dito malapit sa hotel. Gusto kong maramdaman ang Paris, sobrang swerte ko talaga at 18th birthday ko pa natupad ang isa sa pangarap ko.

Habang naglalakad at nagmamasid sa tabi tabi kung gaano kalinis ang kanilang pamayanan. Hindi tulad ng sa may bahay namin.. Makalat.. Marumi.. Nakatingin ako sa kaliwang bahagi ng kalsada at nakita ko ang mga magagandang bulaklak.

Napatigil ako dahil nagandahan ako sa mga rosas na yun. Eh kung bumili kaya ako? Wala nga pala akong pera...

Tinignan ko na lang ang mga naggagandahang mga rosas na 'yon ng biglang..

"Miss!"

Muntikan na yon ah! Napaupo ako sa kalsada ng makita ko ang lalaking nagba bike ng sobrang bilis.

Binalikan nya ako at bumaba sa bike nya.

"Miss. I'm so sorry, are you alright?" Mukha syang filipino. Filipinong may lahing Koreano?

Singkit ang mata.
Matangos na ilong.
Mapulang labi.
Ang gwapo nya. Pakiramdam ko nakakita na ako ng isang anghel..

Calina!? Anong iniisip mo!? Dyusko.

"Ahh-miss?" Nasa posisyon kami na, nakaupo ako at nakalahad ang kamay nya, hinihintay nya sigurong kunin ko yon para matulungan nga akong makatayo.

"A-ah.. Sorry sir! Sorry." Nabigla ako at hindi ko alam ang gagawin ko.

"Are you a Filipina?" Tanong nya.

"Y-yes."

"Ahh okay. Pasensiya na ha? Hindi na mauulit. Sige, nagmamadali kasi ako."

Sabi na nga ba at Filipino sya! Dahan dahan akong tumayo at tinititigan sya. Tumango din ako bilang sign na okay lang ako.

Sumakay na sya sa bike na at mabilis na umalis.

Hindi ko natanong ang pangalan nya.

How My Life Change At 18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon