"8 years old ako no'n ng nawalan ako ng ama... Nawalan ng tatay na kukumpleto sa pamilya ko... Hindi ko alam kung paano mabuhay ng normal lalo na at... Masyado akong malapit sa ama k-ko"
Tumingin ako lahat sa kanila, at nakita ko ang labis nilang pagkakalungkot sa nangyari.
"Grade 2 yata ako noon? Haha! Awang awa ako kay nanay nun.. Alam nating lahat na kilala nyo syang, labandera, tutor, nagtitinda ng puto sa umaga at minsan, nag aalaga ng bata sa mga kakilala nya." Nakangiting sabi ko, pilit kong pinapasigla ang puso ko pero hindi ko yata magawa.
"N-naalala ko pa noon. Nakita ko syang lumuhod dun sa mayamang babae na kalapit bahay ng tita ko noon... Lumuhod sya habang umiiyak dahil hindi nya nabayaran ang utang nya kasi, may binayaran pa ako sa school noong mga panahong iyon...." Pagkatapos kong sabihin yo'n ay napalunok ako.
"Magtitinda ng puto sa umaga, labandera sa tanghali, tutor sa hapon, tapos minsan sa gabi, nagiging yaya sa iba... Hindi naman sya nagkulang sa'kin, na kahit ilaan nya ang buhay at kaluluwa nya sa pagta trabaho ay may mga araw na nilalaan nya ang sarili at atensyon nya para makasama ako" nakangiting sabi ko.
"Naging mabuti syang ina... At mas lalong naging mabuti syang ama... Wala naman kasi akong mahihiling pa hindi ba? Napapasaya nya ako at nararamdaman ko ang pagmamahal..."
"Sa sobrang pagmamahal nya sakin hindi ko inaakalang makukuha agad yung taong nagbibigay halaga sakin.. Yung taong mas gugustuhin ko pang makasama sa pagtanda ko.. Yung taong mas gugustuhin kong humaba ang buhay.." Hindi ko napigilan ang luha sa mata ko kaya napapunas ako sa mukha.
"B-bakit ganun? Mabait naman sya... Mapag alaga... Responsable sa'kin... Masipag... Mabuti ang pakikitungo... Minsan mapapatanong na lang ako na "bakit sya pa?" Pero kasi ang sagot dun sa tanong para sa'kin ay para may matutunan ako sa buhay. Hindi lahat ay permanente, hindi lahat ay laging nasa tabi mo, masakit man para sa'kin, pero kailangang tanggapin... Na wala na sya. Na wala na ang nanay ko."
Bago pa bumuhos ang mga luha ko, ibinaba ko na ang Microphone .
Ngayon nalaman kong, namatay si nanay dahil sa sakit sa puso. Hindi man lang nya ko sinabihan, hindi man lang nya ako pinag ready... Ayokong mabuhay mag-isa.
"Calina"
Napatingin naman ako kay sister marie at tinabihan ako sa upuan ko sa unahan.
"Wag mong iisiping nagiisa ka na lang ha? Wag kang dumating sa point na susuko ka na, kaya mo yan, ikaw pa ba?"
Napatango ako sa payo ni sister marie.
"Calina hija!" Napalingon ako sa likod.
"Tita..."
"Condolence.. Hindi ko aakalaing magiging ganito kahirap ang sitwasyon para sayo"
"Tita naman, kaya ko to.. Salamat po sa pagdating. Nandyan po si Tita mabel, kain po kayo sa loob" pagyaya ko.
"Sige. Mamaya na." At saka sya sumilip sa kabaong ni Nanay.
Napansin kong napaluha sya.
Tumayo ako at nilapitan si Tita.
"B-bakit kailangang mamatay si Ate?" Iyak na ng iyak si Tita Carisa. Pinapatahan ko naman sya at pinaupo.
---
Padami ng padami ang pumupunta dito sa burol ni nanay. Ngayon alam ko na, na madaming nagmamahal kay nanay
Ilang sandali lang biglang tumahimik.
"Bakit yan nandito?"
"Tsk tsk tsk"
"Kapal naman ng mukha ni're!"
"Naisipan nya pang pumunta dito"
Napalingon ako at...

BINABASA MO ANG
How My Life Change At 18
Teen FictionI didn't expected that my life change at 18...