Chapter 4

32 2 0
                                    




Pangatlong araw ko na dito sa Paris. Sabi ni Sister Marie ay mamayang gabi ang punta namin sa Airport. Naexcite ako dahil makikita ko na ulit si nanay, pero nalulungkot din dahil mabilis ang panahon at hindi ko na ulit masisilayan ang magandang lugar na 'to.


Pero bukod doon... Nalulungkot din ako dahil, hindi ko na makikita ang gwapong lalaking yun! Yung nakita ko kahapon. Hindi pa rin talaga ako makatulog dahil iba ang nararamdaman ko sa tuwing iniisip ko sya. Hindi pa din ako makapaniwala na makakakita ako ng parang anghel ng dahil sa aksidenteng yun.


Parang yung napapanood ko lang sa telebisyon sa kalapit bahay namin.. Ganon.


Hindi matanggal ang ngiti sa labi ko ng dahil sa mukhang anghel na lalaking yun. Bukod sa magandang mukha ay mabait pa sa akin! Crush ko na yata yung lalaking yun. Kaso, hindi ko nalaman ang pangalan nya. Hays.

"Calina, bakit parang ngiting ngiti ka dyan?" Tanong ni Sister marie. Nandito kami sa hotel at kumakain ng umagahan.

"W-wala po hehe." Ani ko. Napatawa naman sya at napailing iling.

"May nakita kang gwapo dito ano?" Panunukso ni Sister Marie at tinaas baba pa ang kilay nya.

"W-wala po ah!" Pagtanggi ko.

"Hahaha ewan ko sayo Calina, kumain ka na lang." Ani nya.

Kumain na ako at nagpaalam kay sister na maggagala lang ako. Oo, isa akong gala. Hahaha! At hinihiling kong makita ko si tatay ulit. Pati ang lalaking naka bike na iyon.



Pumunta ulit ako sa park sa kung saan nakita ko ang tatay ko noong isang araw. Nilibot ko ang mga mata ko pero wala akong nakita.




Naglakad lakad ako sa park at pinakikiramdaman ang malamig na hangin. Ang sarap talaga ng hangin dito sa Park na 'to. Siguro mami miss ko itong lugar na to kung bukas ay nasa Pilipinas na ako.







Habang naglalakad ako at kung saan saan nakatingin ay biglang..

"Omygod!" Ani ng babaeng...

T-teka...

"Ikaw na naman..." Sabi ko. Nagulat ako dahil nabangga ko sya. Kung saan saan kasi ako nakatingin.

"What are you saying?" Sya yung babaeng,  babaeng kasama ni tatay nung isang araw.

"N-nothing." Pagkasabi ko noon ay tinignan nya ako mula mukha hanggang paa.

Hilig nya yata yun.

"Ohh. So you're the girl--"

"Yes."

At umalis na ako. Ayokong itanong kung nasaan si tatay at baka magiskandalo sya dito.



Nagmabilis ako at bumalik na sa hotel at nagulat ako ng biglang.




"Hey!"

Nanlaki ang mata ko dahil nakita ko ulit sya. Yung lalaki!! Yung lalaki kahapon! Dyusko hindi ako makahinga! Ang pogi pa rin nya.

"A-ah.. Hi?" Sabi ko. Hindi ko alam pero lumakas ang tibok ng puso ko.

"Hello, uhh- what's your name?" Lintek. Tinatanong nya ang pangalan ko!

"Ahh! Haha! A-ako si, Calina Rain Luna, ikaw si?--"














"Phyter Adrian  Ferrer" napangiti naman ako sa kanya. Ang ganda ng pangalan nya!

"A-ah sige. B-bye!" At tumakbo na ako. Nakakahiya kasi, ang lakas pa ng takbo ko pati ng tibok ng puso ko.

Nang makapunta na ako sa hotel ay natanong ko ang sarili ko.


Tama bang ganunin ko sya? Nakakahiya talaga!



Pero... Nalaman ko na naman ang pangalan nya.

Phyter Adrian Ferrer. Ang gandang pangalan talaga!

How My Life Change At 18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon