Chapter 11"Moirah. Ito na," Sabi ko at inabot kay moirah ang hikaw at kwintas nya na nanginginang.
Ngayon na ang kasal nya, Ang bilis no? Ewan ko pero napapansin ko kay Moirah na parang kinakabahan sya.
"Thanks." ani nya. Lahat kaming bridesmaid ay nandito, ang dalawa rito ay inaayos ang gown ni Moirah.
20 mins. na lang bago magsimula ang seremonya sa kasal kaya nagmamadali na silang ayusan si Moirah.
"Iwanan nyo muna kami ni Calina. Thankyou sa pagtulong sakin" sabi ni moirah at ngumiti.
Himala no? Hindi sya ganyan magsalita noong isang linggo. Ganyan ba talaga kapag kinakasal?
Umalis na sila at naiwan kami ni Moirah sa kwarto.
"Hmm... Ang ganda mo ngayon." puri ko sa kanya.
Totoo naman eh, maganda talaga sya, Ang elegante ng Damit nya at sobrang perpekto ng pagkakaayos sa kasal at sa pagkakaayos sa kanya.
"Thanks Calina. By the way, I just want to say thankyou for accepting my offer to be my bridesmaid. And that dress is very beautiful to you." Puri nya.
Naka light blue ako na dress pati na rin ang ibang mga bridesmaid.
"Ahm, bakit nga pala tayo nagpaiwan? 20 minutes na lang magsisimula na ang kasal..." sabi ko.
Lumapit ako sa kanya at lalo kong inayos ang eleganteng gown nya na nanginginang.
Nakaupo sya sa tapat ng salamin at nakatayo ako sa tabi nya.
"Kapag ikaw kinasal? Mararamdaman mo kung anong nararamdaman ko, Kapag nahanap mo na ang gusto mong makasama habang buhay, Doon mo mararamdaman ang totoong kasiyahan. Pero bago pumunta sa kasal, Syempre sa relasyon muna, at Madami kang mapagdadaanan..." mahabang sabi nya.
'Bakit kaya nya sinasabi yan?'
"Calina, Kapag nahanap mo na ang taong para sayo, Wag mong papakawalan. Kapag ikaw kinasal, pakiramdam mo wala ka ng kailangan pa, Pakiramdam mo ikaw na ang pinakamasayang babae sa mundo, Pakasalan mo yung taong alam mong mahal ka rin, Ang kasal ay isang sagradong seremonya."
"Nagaaral ka pa lang, 1st year college right? Pero pag naka graduate ka na, doon mo na makikita ang totoong pag ibig mo. May taong magmamahal sayo, Pero may mga taong mamahalin mo ngunit hindi ibibigay ang pagmamahal nya sayo. You love him but He loves other person. That's it, Love can make you happy, But love can also make you cry, Burst into tears, Burn you into ashes. You, definitely Lucky if the person you love, Also love you too. But God will not make you sad, He will guide you even though all the person who you love, left you." Mahabang sabi nya.
'Love can make you happy, But love can also make you cry, Burst into tears, Burn you into ashes. You, Definitely lucky if the person you love, also love you too.'
"Hahahaha! Wala kang nasabi no? Tara na nga!" Yaya nya sakin.
-----
"Calina!"
Napalingon ako sa likod kung saan narinig kong may tumawag sakin.
Nasa labas pa ako ng simbahan at hinihintay na lang magpasukan yung iba, nakakahiya kasi.
"Calina?" Nakita ko ni Phyter na nandito sa harapan ko.
'Oo nga pala, Ka partner ko sya'
'Sama ka na sakin, wala akong kasama sa loob pati malapit lapit na din yun pumunta sina Moirah." Yaya skin ni phyter at hinila ako papunta sa loob ng simbahan.
Dinala nya ko malapit sa may harapan ng simbahan.
"P-pwede na ba dito? Hindi pa nagisimula ang kasal.. Punta na tayo sa labas.." Sabi ko.
"Hindi. Dito muna tayo, magdadasal. Tapos lalabas din tayo pagkatapos."
Tumango ako at nagsimulang lumuhod at magdasal.
------
"Magsisimula na ang kasal. Okay! Ayusin nyo na ang mga sarili nyo" sabi ng coordinator yata.
"So... Congrats Pre. Pupunta na kami don, Congrats talaga pre."
"Hahahaha! Salamat Phyter. I hope, Next time ikaw ang ikasal.. Kayo ni Karen Hahaha!"
Napatingin ako kay Zani. Nandito kami ngayon at papalabas na ng simbahan para makapagsimula na sa seremonya. Nagke kwentuhan pa sila ni Phyter pero halos tumaas ang balahibo ko ng marinig ko na naman ang pangalan na iyon.
Karen? Sino ba si Karen? Para namang hindi simpleng kaibigan ang turingan nila ni Phyter?
"Hahahahaha! Hindi din Pare, Yeah, Karen is my type.. But I didn't like her." Nagulat ako sa sinabi nya.
Napatingin naman sakin si Zani at ngumisi.
"So.. Si calina na lang?" Naka ngiting sabi ni Zani.
Napakunot ang noo ko sa sinabi nya. Kahit bumilis ang tibok ng puso ko, Hindi ko pinahalatang nabigla ako.
"Joke lang! Sige na pre. Hindi na ko makapag hintay makita si Moirah." Sabi ni Zani.
"Sige na. Calina, Tara na." at lumabas kami ni Phyter sa loob ng simbahan.
----
"Ready?" Nakangiting tanong sakin ni Phyter at inalok nya ang bisig nya para kapitan ng kamay ko.
Alam nyo na yon, ang ginagawa kapag maglalakad.
Tumango ako at ngumiti.
"You. Go." Sabi ng parang isang coordinator rin pagkatapos kaming picturan ni Phyter habang naglalakad.
Tumingin ako sa paligid at lahat nakatingin saming dalawa. Mga nakangiti yung iba at yung iba ay nakatingin lang.
Pagkatapos naming maglakad ay umupo kami sa 2nd row na uupuan sa simbahan. Hinihintay ko na kung anong mangyayari sa kasal.
'Sana ako ikasal rin....'
----
Si Calina natamaan na kay Phyter😂
Hi sayo, Phyter. Wag ka na mag assume, Di na kita crush no. Iyak. Haha. Jk lang. Sayo ko pinangalan, total wala na kong maisip na name eh. Option kaya kita. Ako, muntik mo ng paasahin. HAHAHAHA
BINABASA MO ANG
How My Life Change At 18
Fiksi RemajaI didn't expected that my life change at 18...