Nailibing ng maayos si Nanay habang ako... Pumasok ulit sa university at nagfocus na lang sa thesis at lessons.
Sa bagong bahay na din ng tatay ko, ako tumira. Kahit may tampo ako sa kanya ay pinilit nya na ako doon tumira para mabantayan ng maayos. Papunta din daw ang fiancé nya dito sa pilipinas at sa isang bahay titira, tutol ako roon, pero wala akong magawa.
Ang amerikanang iyon ang ipapalit nya kay nanay... Grabe.
"Calina." Tawag ng kaibigan kong si Shane.
"Bakit?"
Nasa room kami at first period namin ngayon.
"Punta muna tayo sa gym. May ipapakilala ako sayo" Hinila nya ako palabas ng Room
"H-ha? Sino?"
"Basta! Gwapo yun! Bagay Kayo.. Yun nga lang, Medyo hindi mo gugustuhin ang ugali"
"Shane! Wag mo na akong ipakilala doon. Alam mo naman ang type ko hindi ba!?"
Type ko kasi sa isang lalaki ay...
Pogi.
Pala ngiti.
Masipag.
Maka Diyos.
Mapagmahal.Tapos...
Magalang...
Hayyyyyy! Ang saya siguro kung nandito si Phyter hahaha
"Alam mo? Sa dami mong gusto sa isang lalaki? Mahihirapan ka nyan. Baka tumanda kang dalaga sige ka!" Pananakot nya sa akin
"Hndi ako takot tumandang dalaga 'no! Pero, ewan ko ba. Basta! Yun yung gusto ko sa lalaki kaya kung ako sayo, wag mo na akong ipakilala dun! Tara na, balik na tayo" at hinatak ko sya pabalik
"Wag naaaa! Yun sya oh!!! HOY! ADRIANNNN ANDITO AKOOOO!"
*Nung una kitang makita
Binihag mo agad ang aking mga mata
At dahan dahan na nahulog
Hindi ko namalayan
Na ikaw pala, ikaw na nga ang matagal ko ng hinintay;*Napalunok ako sa nakita ko.
"Ang ingay mo."
Narinig kong tumawa si Shane.
"Ah! Eto pala si Calina! Kaibigan ko, hehe. Single yan! NBSB! Certified matalino pa!"
Napatitig ako sa adrian na sinasabi ni Shane.
Sya yun eh. Sya to!
Yung lalaki sa Paris na naka bike! Waaaaaa!
"So, ikaw pala yun." Ang nakasimangot nyang mukha kanina ay napaltan ng ngiti.
Siguro kung nakakamatay ng literal ang ngiti nya... Wala na ako sa mundo.
Hindi ko alam pero tumitig na lang ako sa kanya. Nandito pala sya sa pilipinas.
"I'm glad nakita kita ulit, calina...."
"Calina, magsalita ka!" Bulong sa akin ni Shane.
"A-ah! P-phyter... Hehe... A-ano"
"Bakit ka nauutal!? Waaa calina ayos ka lang!?" Bulong pa nya..
"It's okay shane, baka nabigla lang sya. Calina, it's nice to meet you again."
Hindi ko ma explain kung anong nararamdaman ko, nakakabigla! Parang nung isang buwan ay nasa Paris lang kami tapos.... Tinulungan nya akong tumayo... Grabe!
"Calina"
"Calina"
"Calinaaaaa! Kanina pa kita tinatawag, wala na si adrian! Wag ka ng matulala!"
"H-ha!? Oo tara na"
Tahimik akong naglakad kasama si shane.
"So.. Nagkita naman na pala kayo noon hahaha ikaw ha! Pogi 'no?!"
"H-ha!? Hindi! H-hindi!"
Hindi ko alam pero lumakas ang tibok ng puso ko, grabe. Nakakabigla naman...

BINABASA MO ANG
How My Life Change At 18
Teen FictionI didn't expected that my life change at 18...