Chapter 9

21 2 0
                                    


Chapter 9

"Yes! You! I want you to be the one of my brides maid!" Sabi ng Pamangkin ni Sister Marie.

"Ahh--Calina pagpasensyahan mo na yang si Moirah, Masyado syang excited sa kasal" natatawang sabi ni Sister marie.

Sabado ngayon at nalaman ko na ikakasal na pala ang pamangkin ni Sister Marie. Ang swerte swerte naman nya, Mukha naman kasing mabait ang mapapangasawa nya at May magandang buhay.

"Hahahahaha yeah, I'm so sorry, I'm just Excited you know, By the way, My Wedding would be on Next month na. And please, Take my offer to be my Bridesmaid" Nakangiti at nakikiusap na sabi ni Moirah.

Masyado nga talaga syang excited. Hays, wala naman masama kung aalukin ko ang offer nya hindi ba?

"S-sige, Tinatanggap ko" Nakangiting sabi ko.

"Oh my! Thankyou!" Sabi nya at saka ako niyakap.

"Moirah, Sige na. Paalis na sya, Pinapauwi na sya ng Ama nya kaya sige na, Calina, Halika na at ihahatid kita" Sabi ni Sister Marie.

"Ah, wag na po! okay lang po ako, maraming salamat po." nakangiting sagot ko.

"ah sige Calina, ingat ka...-----"

"Don't forget Sister Calina ha? Pa practice tayo in Next Week coz next month is very neaaaaar! Okay? Sister Marie will call you to practice what you will do and your part---"

"Tama na, alam ni Calina ang gagawin Moirah"

"P-partner?" tanong ko.

"yes! may partner ka! like other's wedding right? Don't be worried! Bagay kayo ng ipa partner ko sayo! My Fiance's Groom's man!" Energetic na sabi ni Moirah.

"Hay nako Moirah, Oo na. Sige na, Calina. Magiingat ka" Paalam ni Sister Marie.

"Opo. Maraming salamat po sister, pati sayo Moirah" Nakangiting sabi ko.

Lumabas na ako sa bahay nila, Nag tricycle ako papunta sa bahay namin ni Tatay.

"Ohhh she's here" Nakataas ang kilay na sabi ng Fiancé ni tatay. Nakaupo sya sa sofa ng bahay katabi ni Tatay.

Tumayo si tatay at sinalubong ako.

"Kumain ka na ba anak?" Tanong ni tatay.

"Busog pa po ako. Okay lang po ako." sagot ko.

Sa totoo lang, nakakawalang ganang kumain dito sa bahay. Pero laging sinasabi ni sister marie na maging mabait pa rin akong anak kay tatay tulad noon.


"Hindi nga? Umalis ka rito ng hindi naguumagahan,"

"Opo. pasensya na po, pinakain naman po ako ni sister marie doon sa bahay nila" pagsisinungaling ko

"Kahit na Calina, Ayokong isipin nila na pabaya akong ama sayo ngayong nandito na ako..." Sabi nya.

Pabaya... Oo Naging pabaya ka naman talaga

Sa halip na sagutin ko sya ay tumahimik na lang ako, Pumunta ako sa sarili kong kwarto.

Siguro nga tama si tatay, Naalagaan nya ako ng maayos kahit hindi magaan ang pakiramdam ko dito.


Mamahalin na gamit, Kanya kanyang kwarto, Magandang bahay.. Pero parang Hindi ko Napapakiramdaman ang pagmamahal sa loob ng malaking bahay na ito.



Biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at nakita ko si tatay na may dalang pagkain sa akin, Umupo sya sa kama sa kung saan katabi ng inuupuan ko.

"Hindi ka naman daw pinakain ni Sister Marie doon, Tumawag ako sa kanya, sabi mo sa kanya nagagahan ka na dito. Anak, Ayos ka lang ba?"

Inilapag nya ang tray ng pagkain sa Maliit na lamesa malapit sa akin.

"Calina, Kung ang problema ay ang pagpapakasal ko sa Fiancé at soon to be stepmother mo, Pasensya na." Nakatungong sabi nya.

"Kaya nating maging buo ulit bilang isang pamilya. Minahal ko ang nanay mo pero mahal ko ang Tita Annie mo."

"Mararanasan mo din ang magmahal sa isang tao, na kahit may hadlang, ipaglalaban mo sya. Ipaglalaban mo ang pagmamahal mo sa kanya kasi ayaw mong mawala sya sayo.... Alam mo kung bakit calina? Dahil mahal mo sya..."

"Huwag mong tigasan ang puso mo, Maging masaya ka naman para sa tatay mo anak, Huwag mong ikulong ang puso mo sa kalungkutan, Ayaw ni Calissa Na Malungkot ka.... Pakiusap..." Sabi nya at nakita kong may tumulong luha sa kanya.

Nakatingin lang ako sa Malayo. Ayokong pagusapan ito.  At Naramdaman kong umalis na sya sa kwarto ko.

Kinuha ko ang pagkain, At sinimulan itong kainin.


Hindi ko na alam. Bahala na. Ang gulo. Ang gulo gulo...


How My Life Change At 18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon