Hindi maipaliwanag ang nararamdaman ko ng makita ko sa personal ang lugar na to. Halo-halo ang pakiramdam ko ngunit ramdam kong hindi ako makahinga ng makita ko ang Eiffel tower. Ang swerte swerte ko at natupad ko ang aking pangarap.
Si sister marie ang kasama ko dito sa Paris. Laking pasalamat ko sa kanya dahil sagot nya lahat ng pangangailangan ko. Mula pagkabata ko ay kilala ko na si sister marie dahil dati namin itong kalapit bahay at tinuring na naming pamilya.
Nandito ako sa hotel kasama si sister marie. Naghahanda sya ng pang meryenda habang nagaayos ako ng mga damit sa cabinet. Pangatlong balik na pala ni sister marie dito dahil sa kapatid nya na nagta trabaho dito.
"Calina. Tara kakain na tayo." Yaya ni sister marie. Lumapit naman ako sa dining table namin. Masyadong sosyal pala ang mga hotel lalo na pati sa ibang bansa, masyado akong namamangha.
Kumain kami at nagkwentuhan. Sinabi ko ang nararamdaman ko ng nakita ko ang Paris, sinabi ko din kung anong kalagayan namin ng umalis sya at lumipat ng bahay.
---
Nandito ako sa park na malapit sa hotel.Nakaupo ako at nagiisa. Malinis ang simoy ng hangin dito at hindi ko pa rin akalain na makakapunta ako dito. Lalo na at 18'th birthday ko na. At sampung taon na din akong nangungulila sa aking tatay.
Dito sa park, ang dami kong nakikita. Masasayang mga bata, mga nagba-bike na mga dalaga't binata. Mga nanay na kasama ang anak... Na mi miss ko na tuloy si nanay. Lalo na at tatlong araw akong mawawala sa piling nya. Wala nang gigising sa akin sa umaga para makapasok ng maaga sa college university sa Laguna. Siguro nga kailangan ko ng maging independent.. Siguro kailangan kong masanay ng paunti unti at hindi na kailangan pang iasa ang iba pang maliliit na bagay kay nanay. 18 years old na ako eh.
May nakita naman akong nagpi picnic sa damuhan. Isang masayang pamilya. Saan na kaya sa lupalop ng mundo si tatay? Walong taong gulang ako noon ng biglang umalis ang aking ama, ng walang sinasabing dahilan. Sya ang pinakamabait na tatay para sa akin. Hanggang sa lumaki ako ay wala pa rin sya, at si nanay na lamang ang nakasama ko.
Si nanay ay maraming sideline. Labandera, tutor, nagbebenta ng puto,at nagaalaga ng bata. Marami na iyon para sa akin, dahil nakikita kong labis ang kanyang pagod dahil minsan napagsasabay nya ang mga iyon.
Ilang beses na akong nagtangkang tumigil sa pag aaral. Tatlong beses iyon, ng naramdaman kong pagod na pagod si nanay at ayaw nya pa ako patulungin, magaral na lamang raw ako ng mabuti.
Isa akong 1st year college sa isang college university sa laguna. Scholar ako dun ngunit di pa rin sapat dahil sa mga extra projects, mga dapat salihan at etc pa. Ang course ko ay education, major in Science. Biology ang aking kinukuha. Na ma maintain ko naman ang aking grades dahil rin sa aking pagsusumikap.
Isa pa, teacher din ang kinuha ni nanay noon sa college ngunit under graduate lang sya dahil ginipit sa pera. Pero ginagamit nya ang kanyang talino at natitirang kaalaman para sa pagtu tutor.
Tahimik akong nakaupo at nagmamasid dito sa park, nang may makakuha ng aking atensyon. Isang lalaki, mataas, may kasamang babae na parang amerikana. Magkaakbay sila at mukhang masaya na nakaupo sa isang bench, 3 bench ang pagitan namin ngunit iba pa rin ang aking pakiramdam.
Malakas ang tibok ng puso ko. Kahit ilang taon pa ang lumipas hindi ako makakalimot sa kanya.. Pinatanda na ang itsura nya at hindi pa rin makapaniwala.Naramdaman kong tumulo ang aking luha.
Hindi ako nagkakamali.
"Tatay..."
BINABASA MO ANG
How My Life Change At 18
Teen FictionI didn't expected that my life change at 18...