"A-anak"
Hindi maipaliwanag ang nadarama ko nang makita ko ulit dito... Si tatay...
Ano nga ba ang dapat kong maramdaman? Matuwa? Maiyak? Magalit?
"Ano ba naman yan! Kapal ng mukhang magpakita dito!"
"Oo nga mars! Grabe talaga yang lalaking yan! "
"Hmp! Oo nga mars, pagkatapos igapang sa hirap ni Mareng Calissa si Calina atsaka bibida itong lalaking 'to! Hay nako!"
'Yan lang ang mga naririnig kong usapan sa tabi tabi. Tumingin ako sa mga babaeng naguusap.
"Kaunting respeto naman po, nandito po kayo para makiramay at hindi magbulungan ng ganyan lalo na at naririnig ko lang naman"
Natigilan naman lahat sila. Medyo kaunting hakbang lang ang pagitan namin ni tatay at ramdam kong nalulungkot sya...
"Bakit pa kayo nandito?" Tanong ko. Hindi maalis sa puso ko ang magtampo, mainis at magalit dahil tao rin naman ako, nakakaramdam din naman ako.
Lumapit si tatay sa akin at niyakap ako. Tumingin na lang ako sa kawalan at hindi tumugon sa yakap nya.
Ganoon ba? Pupunta na lang sya kapag wala na si nanay? Babalik pa sya kung kailang wala na akong ina?
Sa totoo lang. Gusto kong sampalin, suntukin, at saktan si tatay, kaso hindi ko magawa. Ayoko lalo na at, kahit konti ay nirerespeto ko sya.
Ayoko man sabihin pero... Kung hindi lang sana sya umalis... Kung hindi na lang nya kami iniwan, hindi magkakaganito si nanay... Hindi sya mapapagod, hindi sya magkakasakit.. Hindi sya sobrang mahihirapan kung nasa tabi namin si tatay.. Hindi sana mamamatay at magkakasakit si nanay kung hindi sana sya umalis sa di ko alam na dahilan.
Kumalas ako sa pagkakayakap nya sa akin.
"Kumain kayo, may pagkain dyan." Alok ko sa kanya.
Tumango sya at nagpahid ng mga luha nya. Bago sya kumuha ng mga pagkain ay pumunta muna sya sa kabaong ni nanay...
Tinignan ko syang nakatalikod sa akin. Alam kong naiyak sya...
"Calissa... Calissa... Pasensya na... Hindi ko sinasadya, pasensya na calissa, patawarin mo ako" sunod sunod na sabi niya.
Napakagat labi na lang ako at tumalikod tsaka pumunta sa loob ng kwarto namin ni nanay.
------
"C-calina anak... C-calina.." Napamulat ako dahil sa narinig kong may tumatawag sakin. Napansin kong may kumakatok sa pintuan ng kwarto namin ni nanay. Nakatulog pala ako.
Binuksan ko ang pintuan at nakita ko si tatay.
"K-kumain ka na ba?"
"Busog pa po ako." Sagot ko, wala akong ganang kumain.
Bigla kong naalala na isang linggo mahigit na pala ang nakalipas nang mag 18'th birthday ako... Hindi nya man lang ako binati, hindi nya man lang naalala.
Naalala ko din nung nakita ko sya sa Paris, pumunta pa talaga sya dito sa pilipinas...
Hindi nya siguro naalala yung birthday ko.
"Pero kumain ka... Nakakasama yan sa--"
"Okay lang po ako."
Nagsara ako ng pinto. At humiga ulit.

BINABASA MO ANG
How My Life Change At 18
Ficção AdolescenteI didn't expected that my life change at 18...