Chapter 5

25 2 0
                                    

Nandito na kami sa Pilipinas. Kasama ko si sister marie papunta sa bahay namin, sasalubungin namin si Nanay sa bahay.



Habang nasa van kami, van ng ate ni sister marie.. Nakatingin lang ako sa bintana at nakikita ko ang mga tao dito malapit na sa may amin... Grabe! Hindi ako makapaniwalang nasa Pilipinas na agad ako. Parang kahapon lang... Nasa Paris pa ako, tapos... Tapos...



Nakilala ko si Phyter... Waaaaa grabe. Hindi ko inaasahang malalaman ko ang pangalan nya, ang bait bait pa nya, ang gwapo gwapo rin. Mala... Mala lee min ho?! Ganun hahaha.




"Calina, nandito na tayo. Bumaba ka na" napangiti naman ako sa sinabi ni sister marie, sa wakas makikita ko ulit si nanay!



Sa simple naming bahay... Nakatayo kaming dalawa sa harap nito. Masupresa kaya si nanay? Sigurado akong matutuwa sya kapag nakita na agad nya 'ko, pero dapat kasi sumama na sya samin ni sister... Para, enjoy ko ang 18th birthday ko sa Paris, na kahit simple lang para sa iba, sobra sobra na para sakin. Syempre, pangarap ko yun!


Kumatok ako sa pintuan dahil napansin kong sarado yun. Naka padlock eh. Bakit kaya?

"Nay???" Tawag ko. Medyo nilakasan ko ang boses ko para marinig na sa loob ng bahay.



"Asan si nanay?" Tanong ko kay Sister Marie dahil sa pagtataka. Grabe, ngawit na ngawit na ako dito sa kakakatok sa pintuan pati sa dala kong maleta at bayong.


Nagkibit balikat naman si sister Marie sa tinanong ko.

"Ayy. Calina? Ikaw ba yung anak ni Calissa Luna?" Tanong ng medyo matandang babae sa akin, nasa tapat ko sya at may dalang bayong.. Mukhang galing sa palengke dahil puro gulay ang dala nito.

"Opo. Bakit ho?" Tanong ko. Sa pagtatanong ko sa kanya, may naramdaman akong kakaiba... P-parang.... May nangyaring masama?

"Ayy nako iha! Hindi mo ba alam? Nasa hospital daw ang nanay mo. Kaninang madaling araw pa" sabi ng matandang babae.

"H-hospital po?" Anong ginagawa ni nanay sa hospital? Niloloko yata ako nitong nanay na to.


"Saan pong hospital?!" Pagtatanong ko, lumakas ang tibok ng puso ko ng mapagtanto kong hindi ako binibiro ng matandang babae na iyon.

"Sa Oliveira Hospital. Dyaan sa may kabilang bayan, sige. Aalis na ako ha? Pumunta na lang kayo roon."

"Calina, tara na! Puntahan natin ang nanay mo." Sabi sa akin ni Sister Marie.

Nanginginig man ang binti ko ay tumakbo kaming dalawa papunta sa kanto, sa may kalsada. Dali dali kaming sumakay sa jeep at mabuti na lang ay mabilis kaming nakapunta sa Oliveira hospital.


"C-calissa L-luna po." Nanginginig na sabi ko. Sana ay hindi ko marinig  na nandito sya. Sana nandun lang sya sa kalapit bahay at nakikipag chismisan... Dyusko.

"Miss? Calissa Luna? Nandun na sya sa morgue. Puntahan mo na lang."

"Nandun na sya sa morgue"

"Nandun na sya sa morgue"

"Nandun na sya sa morgue"

Morgue...


"A-ano? M-morgue?" Halos di makapaniwalang sabi ko. Ano daw? Morgue? Niloloko yata ako nito. Baka kapangalan lang.

"T-tara na calina, p-puntahan natin" naiiyak na sabi ni sister marie.

Pumunta kami sa morgue at nakita ko kaagad si.. Si nanay.


Halos mapaluhod ako ng makita syang wala ng buhay at nanlalamig na.

Napaiyak ako at hindi makapaniwala. Ganto?


Ganito ang maaabutan ko ngayon...

How My Life Change At 18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon