Cloud

37 0 0
                                    

PROLOGUE

Noong Elementary ako sobrang kulit ko at ang angas ko pa kahit na nasa ganun edad palang ako, tanda ko pa kapag inaaway yung mga kakalase ko ako ang humaharap na nauuwi sa sapakan at sympre nauuwi rin sa bring parent sabi nga ng Teacher ko nun sa Mama ko "Misis ayos naman yang anak niyo sa mga subjects niya president pa nga ng klase yan kaya lang sobrang kulit at sa kaliitan niya nagagawa pang manghamon ng away oh manuntok ng estudyante." Di ko nga alam kung ano i-reract dun eh minsan natatawa nalang lalo na nung graduation namin special mention pangalan ko nun pano ba naman eh habang may nagsasalita sa stage tumayo ako sa upuan ko, Hehe.. tas nung nag Highschool ako mas dumoble yung kagaguhan ko una sumali ako ng Gang sympre laging napaaway kahit nga may tumitig lang sakin sinusugod ko na agad eh tas paiba iba ako ng Girlfriend lahat ng trip kong babae nililigawan ko at ewan ko ba ni minsan hindi pa ko na babasted at hindi naman sa pag mamayabang eh ako pa yung nililigawan mismo ng babae, Hehe.. Pero dumating yung araw na nagsawa ako sa Gang at Frat naman ang sinalihan ko pero simula nun mas dumami yung mga away dumating pa nga sa punto na napasama ako black list ng school at muntikan pang di ako maka graduate pano ba naman niloko ako ng mga Kaklase ko nun nilasing nila ako at pinagbubugbog hinampas ako ng kahoy sa likod pinagsisipa at suntok, madami sila kaya di na ko nakalaban tska nung hinampas na nila ko ng kahoy sa likod eh nanlabo na ang paningin ko lalo na't lasing din ako kaya nung sinunod sunod na nila ako nawalan na ko ng malay, pinag bintangan kasi akong magnanakaw sa room kaya ayun pero dahil nagkaintindihan naman nung pinatawag kaming lahat sa guidance nalaman yung totoo kaya napag pasyahan na pa graduatin ako at yung mga gumawa sakin nun ay hindi, tanda ko pa nga nung nakita ako ng Mama at Papa ko ng walang malay sabi ni Papa "Susugurin ko talaga yang eakwelahan na yan at pagpapatayin ang mga gumawa nito sakanya kapag hindi na dumilat ang anak ko." Pero kahit na nangyari na yun pagdating ng College gago pa din ako lalo na't nakahanap din ako ng mga kaugali ko trip dito trip doon inom dito inom doon at yung ibang subjects ko di ko na din pinasukan pero nung nag 2ndyear College na ako...

"Ano sasali ka ba? Sali ka na." Sabi ng Tropa kong si Nuno sakin di ko alam kung nag aaya ba toh oh nag dedemand eh.

"Pag iisipan ko pa, nakakatamad ng mag Clan." Sagot ko.

"Cge, kaw bahala." Sabi niya.

Ilang oras ang lumipas tumambay ako ng Park kasama sina Ron at Nuno tinatamad kasi akong tumambay dun kina Ericson. Pagkaupo ko eto na naman si Nuno "Sali ka na?" Tanong niya.

"Oo cge na nga." Sagot ko pero di ko pa din talaga trip na sumali kung baga napilitan lang.

"Send ko sayo yung form." Sabi niya.

Nung natanggap ko na nag send na ko agad ng form ko dun sa Co-Founder at Founder ng Clan. Cute nga nung code name nila eh, Ellabee taka Annbee mag Bestfriend ata sila, mhm.. Maya maya nag GM na sabi dun sa GM pinapa welcome ako sa mga Members kaya ayun sunod sunod na yung nagttext sakin at medyo nakakairita. "Cloud pa talaga ginamit mo ah." Biglang sabi ni Nuno sakin.

"Yun naman talaga Codename ko eh." Sagot ko. Yun kasi talaga ang ginagamit ko lalo na't yun ang codename ko sa Frat ko.

Ngumiti lang siya sabay tango. "Ano bang yang pinag uusapan niyo?" Biglang tanong ni Ron samin.

"Clan, pinasali ko sa Clan tong si Soler. Ikaw gusto mong sumali?" Sabi ni Nuno sakanya.

"Saka na." Sagot ni Ron sakanya.

Hanggang sa makauwi ako maingay yung celpon ko tunog ng tunog di naman madami ang nag welcome sakin sa Clan pero yung mga ibang nag welcome sakin walang kasawaan sa pag GM. Ako saka nalang mag GGM, nakakatamad eh. Ilang araw kong hindi pinansin na may Clan ako, ewan tinatamad lang talaga ako mag GM at makipagtext sakanila pero nung pag uwi ko galing kina Ericson may nag GM na naka agaw ng pansin ko basta naisip ko lang na basahin yung text niya kaya ayun ang ginawa ko pag tingin ko sa pangalan si Annabee yung Co-founder, binasa ko yung text niya 'Warning Cloud. Mag text ka na or mag GM ASAP kapag hindi mo ginawa yun tterminate ka na sa Clan.' Napangiti ako nung nabasa ko yun, parang bata lang eh. Sinunod ko nalang yun kaya nagpa load ako at nag GM na basta kapag may nagtext hindi ako makikipagtext di na kasi ako katulad nung Highschool na sobrang hilig makipagtext sa mga iba't ibang babae parte ata toh ng maturity ko. Matapos ko mag GM madami ang nagtext sakin pero isa lang ang binasa ko yung kay Annabee. 'Yon. Buti naman nag GM ka na.'

Napangiti ako at sa di ko malamang dahilan nag reply ako. 'Oo. Na warningan na eh.'

Nagreply naman siya agad. 'Hehe.. Clan kasi yung sinahilan mo kaya dapat lang mag GM.' Text niya.

'Ganun ba? Hehe.. Ano palang NASL mo?' Reply ko naman sakanya.

'Annabel tunay kong name tas 17 na ko tas taga Makati ako.' Sagot niya.

Mhm? Taga Makati? Baka nag aaral lang din toh sa UMAK. 'San ka nag aaral?' Tanong ko sakanya.

'Sa UMAK ako nag aaral. 1styear palang ako.' Sagot niya.

'Ah.. Anong course mo?' Tanong ko ulit.

'Tourism (:' Maikling reply niya.

'Ah.. Edi matangkad ka pala.' Text ko.

'Hindi ah, 5"1 nga lang ako eh. Ikaw anong Height mo?' Sagot niya sa text ko.

'5"3 lang ako.' Reply ko sakanya.

'Ah.. Maputi ka ba?' Tanong niya. Mukang siya naman ang mag iinterview ah.

'Hindi.' Matipid kong text.

'Ah.. Nag babasketball ka ba?' Tanong niya sakin.

'Oo naman. Bakit?' Sagot ko sakanya.

'Wala :D Ilang taon ka na?' Tanong ulit niya.

'18 na ko.' Sagot ko.

'Ah.. Kuya pala kita, Hehe..' Reply niya. Kuya? Grabe naman toh.

'Isang taon lang naman ang tanda ko sayo.' Reply ko.

'Hehe.. Kuya!' Parang bata naman toh. Tss..

'Kuya ka diyan! Mag isip ka nalang ng ibang tawagan natin.' Text ko sakanya.

'Uhm.. Cge.. Mhmm..' Reply niya.

'Dali, ano?' Tanong ko sakanya.

'Uhmm.. Wala kong maisip eh, kaw nalang mag isip.' Sagot niya.

'Ikaw na.' Pilit ko.

Matagal bago siya nagreply, nag isip cguro. 'Uhmm.. Pot-pot nalang (:' Text niya.

Pot-pot? Kakaiba ah. Haha..'Cge, pot-pot.' Reply ko sakanya.

'Cge (: Pot-pot sleep na ako ah, maaga pa pasok ko bukas eh. Geh slipwell && switdrmz!' Text niya.

'Cge, goodnight Pot-pot.' Reply ko.

Napahinga ko ng malalim. Ano ba toh? Bakit ganto? Habang nakikipagtext ako sakanya.. Kakaiba sa pakiramdam, parang.. Mhm.. Ewan! Di ko alam. Nang mahiga na ako bigla ko nalang naisip na basahin yung pinag usapan namin at ng matapos kong basahin yun pinagpasyhan kong di ko buburahin yung mga texts namin sa isa't isa sa di ko din malamang dahilan. Haay! Puro nalang di ko alam! Tsk!

The Bad Boy's StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon