CHAPTER TWO
Madalas na kaming magkatext ni Pot-pot tanda ko pa ngang umamin ako sa nararamdman ko sakanya, 'Pot-pot may Boyfriend ka ba?' Tanong ko sakanya. 'Bakit naman?' Balik na tanong niya sakin. 'Gusto sana kitang ligawan.' Sagot ko. 'Ang bilis naman, ni hindi pa nga din tayo nagkikita.' Reply niya. 'Mahal na kita eh, yun talaga ang nararamdaman ko. Pramis hindi kita sasaktan, seryoso talaga ako sayo Pot-pot.' Text ko sakanya. Matagal siya bago nagreply, pinag isipan ata. 'Hindi pede eh. May Boyfriend na kasi ako.' Reply niya. Na dismaya ako nung nalaman kong may Boyfriend siya pero hindi ako nawalan ng pag-asa lalo na nung nalaman kong 6months palang sila nung Boyfriend niya, naisip ko na di ako susuko aantayin ko na ako na ang mahal niya. "Sino ba yang nililigawan mo ngayon?" Tanong sakin ni Ericson habang naka tambay kami dito sakanila.
"Hindi ko naman siya nililigawan talaga." Sagot ko sakanya.
"Bakit? Ayaw sayo? Bago yan ah." Sabi niya sakin.
"Hindi naman, may Boyfriend kasi." Sabi ko naman sakanya.
"Nge! Gano na sila katagal?" Tanong niya.
"6months daw." Sagot ko. Sabay tingin ko sa may pinto dahil hinahangin yung screen na pinto nila.
"Oh? Sus! Madali lang yan." Sabi niya sabay tayo.
"Seryoso talaga ko sakanya tol." Sabi ko sakanya.
Nilingon niya ko. "Seryoso ka? Edi ganto gawin mo, ibaba mo yang slocks mo isama mo na pa brief mo tas itaas mo bayag mo, yun ang kausapin mo!" Sabi niya sabay punta ng kusina.
Gago talaga tong si Ericson. Humiga nalang ako at tumingin sa kisame nila. Kelan kaya magiging kami ni Pot-pot? Sana ako na ang mahalin niya, gustong gusto ko ng marinig sakanya kung gano niya ko kamahal. Napapikit ako at inimagin ang muka niya, yung nakita ko dun sa FB niya bahagya akong napangiti ang ganda talaga niya. Nagising ako bigla ng tumunog yung celpon ko, agad kong kinuha yun at inalam kung sino nagtext napangiti ako sa pangalang nabasa ko si Pot-pot 'Announcement! What: Group Eyeball When: Sunday Sa Market Market yung meeting place natin dun na din malalaman kung saan yung venue natin. Paki PM kami ni Ellabee kung sino ang mga pupunta.' GM niya. GEB? sa Linggo? Tsk! Baka hindi ako pede nun, kahit gusto ko siyang makita ng personal kung may gawa sa bahay.. Hindi talaga ako pepede. Pano toh? Gusto ko na talaga siya makita ng personal, kaya ang naisip ko bukas sabay kaming papasok. Tinext ko agad si Pot-pot. 'Hello Pot-pot.'
Nagreply naman siya agad. 'Hello din (:'
'Pupunta ka ba sa EB?' Tanong ko.
'Oo naman, Co-founder ako eh. Ikaw?' Tanong niya.
'Hindi ko pa cgurado eh. Anong oras ba pasok mo bukas?' Sagot ko sakanya.
'9am klase ko bukas. Bakit?' Sagot niya.
'Sabay tayo pasok.'
'Sabay? Uhmm.. Cge, ikaw bahala.'
'Cge. San tayo magkikita?'
'Uhm.. Alam mo ba yung Burger Machine dun sa may kanto ng traffic light?'
'Oo. Dun ba?'
'Oo. 8:30am tayo kita dun.'
'Oh cge (-:'
Madami pa din kaming pinag usapan sabi nga sakin nina Ericson tumambay pa daw ako eh nakatutok lang daw ako sa celpon ko at nakakapanibago daw dahil ngayon lang ako nakipagtext na talagang tutok na tutok sa celpon ko, tinawanan ko nalang sila. Bago mag dilim umuwi na din ako. Habang naglalakad pauwi nakasalubong ko pa si Mama. "San ka galing ma?" Bungad ko sakanya.
"Tumaya lang sa lotto. Nahirapan ka bang sumakay?" Sagot ni Mama sakin.
"Medyo. May ulam na tayo?" Tanong ko sakanya.
"Oo, paksiw na galunggong." Sagot ni Mama. Di na ko sumagot. Inakbayan ko lang si Mama habang naglalakad kami pauwi. Pagdating sa bahay nagbihis lang ako tas kumaen na din kami tas umakyat na ko agad at sympre nakipagtext pa din kay Pot-pot ko. 'Excited na kong makita ka Pot-pot.' Text ko sakanya.
'Ganun? Ikaw talaga. Baka di ka na makatulog niyan ah.' Reply niya.
'Baka nga. Hehehe..' At tama siya idlip lang ang nagawa ko, maaga akong nagising masyado naman ata akong excited. Huminga ko ng malalim at saka tinext si Pot-pot 'Goodmorning. Mamaya ah.' Wala akong natanggap na reply, baka tulog pa yun. Bumaba na ko para makapag agahan pero dahil nga masydo pang maaga wala pang pagkaen, si Mama nag sasaing palang. "Maaga ka ba ngayon?" Bungad sakin ni Mama.
"Opo." Sagot ko sabay upo sa may lamesa.
"Antayin mo na toh luto na oh tas mag piprito ako ng tuyo." Sabi sakin ni Mama.
"Si-" Naputol ang sasabihin ko dahil nagising na si Papa. "Let! Maliligo ako!" Sigaw niya kay Mama.
"Oo, may inet tubig na dito." Sagot ni Mama kay Papa.
Inantay ko nalang yung pagkaen tas kumaen na ko saka naligo, pagtapos maligo nag bihis na ko ng uniform ko at nagpaalam na kina Mama. "Alis na ko." Sabi ko sakanila bago lumabas ng bahay. Habang nasa byahe saka ako tinext ni Pot-pot. 'Umaga din c: San ka na?'
'Nasa jeep na ko. Ikaw?' Reply ko.
'Ay! Maliligo palang ako eh. Mukang mauuna ka sakin dun'
'Okay lang Pot-pot.'
'Sabi mo eh. Maliligo lang ako ah, text mo nalang ako kapag nandun ka na.'
Ilang oras ng byahe at nakarating na ko sa Burger Machine tumigin ako sa paligid pero wala pa kong nakikitang Pot-pot. "Ma'am pedeng maki upo?" Sabi ko dun sa nagluluto dito sa Burger Machine. "Opo." Sagot niya. Umupo na ko at tinext si Pot-pot 'Andito na ako. San ka na?'
'Huh? Nag aayos palang ako. wait mo lang ako diyan ah.' Reply niya.
'Oo cge.' Nag antay ako ng ilang minuto ng biglang may tumusok sa tagiliran ko gamit ang pamaypay, yung parang nangingiliti tas tinignan ko yung gumawa nun si Pot-pot nakangiti siya sakin naka suot siya ng itim ng t-shirt na may print na Rolling Stones tas naka skinny jeans siya. Akala ko noon.talkshit lang yung titigil ang mundo mo kapag nakita mo yung mahal mo pero nagkamali ako dahil ako mismo naranasan ko na tumigil ang mundo ko alam kong may nasa paligid namin pero mas gusto ko siyang titigan bumilis din ang tibok ng puso ko, kakaiba sa pakiramdam. "Tara na?" Nakangiti niyang aya sakin kaya natuhan ako at umalis na sa kinauupuan ko. Huminga ako ng malalim at saka sumabay sakanyang maglakad.
BINABASA MO ANG
The Bad Boy's Story
Short StorySi Soler AKA Cloud ay isang sobrang gago na lalake na halos wala na siyang pakiaalam sa kinabukasan niya basta kung anong trip niya yun ang gagawin niya, kaya lang nung may nakilala siyang babae, nag bago ang pananaw niya sa buhay at natutunan din n...