Phone Call

7 0 0
                                    

CHAPTER FIVE

"Puro ka nalang Annabel, nakaarindi!" Angal ni Ron. Andito kami sa bahay nina Ericson, nakiki tambay lang. Di ko na mamalayan na puro si Pot-pot ang kinukuwento ko sakanila kaya ganyan nalang maka reklamo yung baliw na toh.

"Mukang seryso ka talaga dun ah." Sabi naman sakin ni Ericson.

"Sinabi ko naman yun sainyo, kayo lang naman ang ayaw maniwala." Sabi ko sakanila.

"Eh gago ka pala. Pano kami maniniwala, kung gano ka kadalas mag palit ng brief mo eh ganun kadalas ka din magpalit ng syota!" Sabi ni Ericson.

"Iba na nga toh! Seryoso talaga ako." Sabi ko.

"Eh ano na bang status mo kay Annabel?" Tanong ni Nuno.

"Ewan, sila pa din kasi nung gago niyang Boyfriend." Sagot ko.

"Taga san ba yung lalake?" Tanong naman ni Ericson.

"Malay ko. Basta ako ng bahala dun." Sagot ko.

"Geh diyan ka naman magaling eh." Sabi ni Ericson.

Ngumisi lang ako. Bago magdilim umuwi na din ako naka sabay ko pa si Mama habang naglalakad papuntang bahay. Pagdating sa bahay nag bihis lang ako at kumaen na kami ng hapunan nang matapos di na ko lumabas oh nanuod ng TV dahil sa katamaran ko kaya umakyat nalang ako. Tinignan ko yung celpon ko pagkaakyat ko dun GM ni Pot-pot ang nabasa ko 'Sino pedeng tawagan? Text niyo lang ako.' Napangiti ako sa nabasa ko. Nagtext ako sakanya. 'Tawag ka Pot-pot.' Nag antay ako pero wala, Kanina pa ata yung GM na yun at naunahan na ko ng iba, kainis pero mag aantay pa din ako. Tinignan ko yung oras 9:40pm na pala. bago mag 12am tatawagan ako niyan, cgurado.

11pm na saka lang tumunog ang celpon ko. Sinagot ko agad. "Hello." Sabi ko.

"Hi. Kamusta?" Tanong niya.

"Ayos lang. Kanino ko pa inaantay tawag mo." Sabi ko.

"Ganun ba? Nauna kasing nagtext yung iba eh."

"Sus! Baka kausap mo lang yung Boyfriend mo."

"Hindi nga niya sinasagot yung tawag ko." Malungkot niyang sabi.

"Bakit naman? Kung ako yung Boyfriend excited pa kong mag aabang sa tawag mo."

"Ikaw talaga. Hayaan mo na yun."

"Nagkikita pa ba kayo?"

"Hindi na nga eh."

"Oh? Imba naman yang Boyfriend mo."

"Wag nalang natin pag usapan."

"Oh sige, sabi mo eh. Ano ng gawa mo?"

"Kausap ka lang. Ikaw?"

"Ganun din. Madami kang nakausap sa ka-Clan natin?"

"Mga apat kayo."

"Ah.. Madami bang nanliligaw sayo?"

"Hindi naman sila nanliligaw mga gusto lang manligaw."

"Mga gusto lang? Mukang madami ah."

"Medyo, anim kayo."

"Naks! Ano naman sabi ng Boyfriend mo tungkol dun?"

"Wala. Hindi naman niya alam na may Clan ako eh."

"Oh? Ayos talaga yang Boyfriend mo eh. Kelan ba kasi kayo maghihiwalay?" Pabiro kong sabi.

"Ikaw talaga!"

"Bakit? Akin ka nalang kasi Pot-pot."

"May Boyfriend ako."

"Sige na, ako nalang mahalin mo."

"Kung pepede lang."

"Basta balang araw magiging akin ka din Pot-pot."

"Sige, sabi mo eh."

"ILoveyou Pot-pot." Sabi ko sakanya.

"Thankyou." Ganda ng sagot. Nakakasakit.

Bigla akong nawalan ng gana kaya nag goodnight na ko sakanya. Pano ko ba kasi maalis sa buhay ni Pot-pot yung Boyfriend niyang walang kwenta? Putcha! Hirap naman ng ganto eh, yung mahal mo hindi ka kayang mahalin dahil nagpapaka tanga pa siya sa Boyfriend niya. Badtrip. Tsk! Pero hindi ako mawawalan ng pag-asa magiging akin din si Pot-pot at balang araw mamahalin niya rin ako.

The Bad Boy's StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon