CHAPTER ELEVEN
Bumalik na ulit kami sa dati ni Pot-pot, text araw araw kapag dumating ang gabi minsan magkausap kami. Kahit na gusto ko siyang makasama at makita kuntento na din ako sa ganto. 'Kamusta ka na Pot?' Tanong niya sakin.
Nagreply muna ako bago tumawid. 'Pauwi na po ako Pot-pot ko. Ikaw?' Pagkababa ko nung celpon tumingin ako sa kanan a saka tumawid nang wala akong nakitang kotse tapos tumingin naman ako sa kaliwa at nag antay na dumaan yung mga sunod sunod na kotse at saka tumawid at sumakay na sa jeep. Tinignan ko celpon ko pero wala pa ring reply si Pot-pot, baka kumakaen na. Tinignan ko yung oras mag 8pm na pala.
Dumating na ko sa bahay saka lang nagtext si Pot-pot, isinuot ko na muna yung shorts ko at umupo sa higaan ko at saka binasa yung text niya. 'SNR. Na empty bat. phone ko tapos kumaen na din kasi tas ako pa nag hugas.'
Mabilis akong nagreply. 'Okay lang Pot-pot.'
'Nakauwi ka na ba? Kaen ka na.' Text niya sakin.
Napangiti ako, concern kasi siya sakin. Maalalahanin talaga siya. 'Opo. Kakarating at kabibihis ko lang eh.'
'Okay. Napagod ka ba ngaun?' Tanong niya sakin.
'Oo, medyo po. Bakit?' Reply ko.
'Magpahinga ka ng maaga.' Bilin niya sakin.
Napangiti ako. Magttext na sana ako pero narinig kong may paakyat kaya napatingin ako sa pinto kung sino. Si Mama pala. "Kumaen ka na dun sa baba. Ano ba yang ginagawa mo?" Sabi niya sakin.
"Sige, bababa na ko." Iiwas na sana ako sa pagtatanong ni Mama pero napaisip ako, ano pa't itatago ko toh eh kapag naging kami na ni Pot-pot ipapakilala ko rin naman siya dito. "Ma, meron akong nililigawan." Sabi ko kay Mama.
"Naku! May bago ba? pero Soler College ka na, ayusin mo yang pag ligaw ligaw mo! at ipakilala mo yan samin dito, dapat eh madala mo yan dito." Bilin ni Mama sakin.
Inakbayan ko si Mama. "Ma, ako pa? Sigurado ako magugustuhan mo siya." Sabi ko kay Mama.
Tinitigan lang ako ng maigi ni Mama at saka bumaba ako eh nagtext muna kay Pot-pot bago bumaba. 'Pot-pot, kakaen lang po ako.'
Sa kainan binanggit na ni Mama kina Papa at Ate yung tungkol sa panliligaw ko. Inasar naman ako ni Ate. "Oh gano naman magtatagal yan?"
"Sira!" Yun lang sinabi ko sakanya sabay subo.
"Basta ayoko nung dadalhin mo yun dito tapos maarte at mataray ah! Wag kang gagaya sa mga pinili nung Kuya mo na Girlfriend!" Singit ni Papa.
"Opo!" Yun nalang sinagot ko kay Papa.
Natapos kaming kumaen umakyat na ko ulit sa taas para kunin yung celpon ko. Tatlo na agad yung text ni Pot-pot 'Cge, eatwell po.', 'Pot-pot?' tas yung pangalawang text eh inulit niya lang. Humiga na ko sa higaan ko at saka nag text ako kay Pot-pot. 'Pot-pot tapos na po ko kumaen.'
Nagreply naman siya agad. 'Busog ka?'
'Opo.'
'Anong ulam niyo?'
'Adobong baboy.'
'Sarap. Ikaw ba marunong magluto?'
'Oo naman, bakit?'
'Wala naman.'
'Pot-pot, hindi naman sa nagmamadali ako pero kelan ba magiging tayo?'
'Hindi ko pa alam, natatakot pa kasi ako eh.'
Sabi na nga ba eh. Haay! 'Pot-pot di naman ako tulad nung EX mo eh, seryoso talaga ko sayo at mahal talaga kita.'
'Baka kasi, iwanan mo lang din ako.'
'Hindi ko naman gagawin yun.'
'Baka kasi, may makilala kang much better tapos pag sabayin mo kami or anu man.'
'Hinding hindi mangyayari yun. Pramis ko sayo Pot-pot hindi kita sasaktan at iiwanan, habang buhay akong andito at mamahalin ka, seryoso talaga ko sayo.'
Matagal bago siya magreply. 'Haay! Oo cge na, payag na ko.'
Medyo di ko gets nung una yung text niya pero nung inintindi ko, ang naisip ko eh payag na siyang maging kami pero dapat cgurado. 'Payag ka na ano Pot-pot?' Tanong ko sakanya.
'Payag na kong maging tayo.' Sagot niya.
Shit! Ano daw? Kami na? Totoo ba toh? Huminga ko ng malalim at napaupo. 'Tayo na? Akin ka na?'
'Oo nga, ayaw mo?'
'Toh naman! Sympre gusto ko, gustong gusto!'
Di ko ma explain yung nararamdaman ko ngayon, shit! Nabigla ako dun ah, di ko in-expect toh. 'Salamat Pot-pot ko. ILoveyou!' Text ko sakanya.
'ILoveyou too.' Sa unang pagkakataon nag ILoveyou din siya sakin. Sana marinig ko iyon sa personal.
Maya maya nag GM si Pot-pot ang naka lagay sa dulo eh August 21, 2011 <3 at lalo akong kinilig at natuwa kaya bago matulog lahat nung texts namin sa isa't isa mula nung pagkakakilala namin eh binasa ko bago matulog.
BINABASA MO ANG
The Bad Boy's Story
Short StorySi Soler AKA Cloud ay isang sobrang gago na lalake na halos wala na siyang pakiaalam sa kinabukasan niya basta kung anong trip niya yun ang gagawin niya, kaya lang nung may nakilala siyang babae, nag bago ang pananaw niya sa buhay at natutunan din n...