CHAPTER ONE
Pagkagising ko nag unat unat ako sabay kuha sa celpon ko at tinignan kung nagtext na ba si Pot-pot at di naman ako na dismaya meron na siyang GM, nagtext ako agad sakanya pagkabasa ko ng GM niya nagtext ako sakanya 'Goodmorning.' Nag antay ako pero walang reply, baka kanina pa yung text na yun at may klase na siya ngayon. Tumayo na ako at sinilip yung Ate ko na mahimbing na natutulog at saka ako bumaba, nagkasalubong pa kami ni Papa dahil galing siya sa banyo. "Papasok ka na?" Tanong ni Papa sakin.
"Oo, maaga pasok namin ngayon." Sagot ko sabay diretso sa kusina para maghanap ng almusal pero wala. "Pa? Asan si Mama?" Tanong ko kay Papa.
"Lumabas, di ko alam san nagpunta." Sagot niya. Tsk! Tinatamad na kong lumabas para bumili pa ng makakaen kaya naligo nalang ako. Matapos maligo nakita ko sina Ate at Mama kusina kaya nagbihis na ko agad ng uniform at saka pumunta ng kusina. "Kumaen ka na oh." Sabi ni Mama sakin.
Tinignan ko kung ano yung kinakaen nila. "San galing tong lugaw?" Tanong ko.
"Binili ko. Kumaen ka na." Sagot ni Mama.
Umupo na ko at saka kumaen si Ate naman tumayo maliligo na daw. Nakipagkwentuhan ako kay Mama habang nakaen tas ng matapos nag tootbrush na ko at umalis, kailangan ng pumasok. Habang pasakay ng jeep naisip ko bigla si Pot-pot, di ko alam pero iba yung tuwa na naramdaman ko sakanya di ako cgurado pero tingin ko kahit mukang imposible at biglaan na inlove ako sakanya.
Pagdating ko sa School tunog ng tunog yung celpon ko puro texts pero sympre ang hinanap ko eh yung pangalan ni Pot-pot pero wala.. Tss.. May klase pa din ata siya. Tinext ko pa din siya "Hi Pot-pot." Nag abang ako ng reply pero wala, tsk! Pag pasok ko sa room ang ingay, iba talaga kapag puro lalake lang kayo sa room. "Ayan na si Soler!" Rinig kong sigaw nina Romer. Lumapet naman ako sakanila, ayun asaran, tawanan hanggang sa dumating na yung professor namin. Pagtapos ng klase saka lang nagtext si Pot-pot pagtingin ko GM pero nabanggit ako dun. '@Pot-pot - Hello. Kamusta?' agad naman akong nagreply 'Busy ka ah.' Text ko.
'Hindi naman, nawalan lang ng load. Hehe.' Reply niya.
'Ah.. May klase ka pa ba?' Tanong ko sakanya.
'Wala na, Hanggang 1pm dapat kami pero wala pa yung Prof. namin sa Business Math kaya umuwi na kami.' Sagot niya.
Ay! Umaasa pa naman ako baka magkasalubong kami dito pero.. Di ko pa pala alam kung ano itsura niya. 'Pot-pot ano FB mo? Add kita.' Reply ko sakanya.
'Ah cge. Hanapin mo nalang Annabee.'
'Oh cge. Accept mo ah.'
'No problemo.'
"Uy! Sino katext mo?" Biglang tanong sakin ni Mark kaibigan ko dito sa klase.
"Secret." Sagot ko sabay ngiti sakanya ng nangaasar.
"Dami mong alam! Chiks na naman yan cgurado." Sabi niya sabay kopya sa nakasulat sa white board.
"Basta." Yun lang sinabi ko sabay tingin ulit sa celpon ko at nagtext sakanya. 'Cguro maganda ka noh.'
'Maganda? Basta tignan mo nalang.' Reply niya.
'Hehe.. Cge.'
'Wala ka bang klase?' Tanong niya.
'Meron, bakit?' Sagot ko.
'Eh kasi text ka ng text, di ka kaya mahuli ng Prof. mo.'
'Sus! Ako pa!'
'Mhmm.. Cge, sabi mo eh. Ano ng gawa mo?'
'Eto nakaupo, nakikinig tska nagttext.'
'Ahh.. Sino mga katext mo?'
'Ikaw lang.'
'Ako lang? Bat di ka nakikipagtext sa ibang ka-Clan natin?'
'Yoko. Kaw lang gusto kong katext.'
'Ngee. Ikaw talaga!' Reply niya. "Tara computer tayo!" Aya ni Jamor samin. Wala na pala si Sir.
"Cge! Laro tayo!" Sabi nina Elmer.
'Tapos na klase namin. Mag ccomputer kami, add kita.' Text ko sakanya.
'Cge. Sabihan mo ko kung ano pangalan mo sa FB ah.' Text niya pero di na ko nagreply.
Kalahati samin ang sumama sa likod ng School para mag computer, punong puno nga yung computer shop samin eh. Pagka open ng oras namin nag FB na ko at agad hinanap si Pot-pot, sine-rch ko na yung pangalan na sinabi niya at nahanap ko na. Pagka click ko nung profile picture niya ewan ko pero napatitig nalang ako dun ng matagal, ang ganda niya pala. Mukang mas lalong lumala tong kakaibang pakiramdam ko ah, Huminga ko ng malalim. Napaka imposible naman kasia ng ganto kabilis tska first ko lang toh naramdaman. "Chiks mo?" Biglang tanong sakin ni Jamor.
Nilingon ko siya. "Oo." Sagot ko.
"Ayos yan!" Sabi niya sabay palo sa likod ko. Ayos? Sobrang ayos. In-add ko na agad siya at bago ako mag log-out tinignan ko muna ulit yung profile picture niya. Wala tinamaan na talaga ako at cgurado na ko dito, inlove nga ako sakanya.
BINABASA MO ANG
The Bad Boy's Story
Proză scurtăSi Soler AKA Cloud ay isang sobrang gago na lalake na halos wala na siyang pakiaalam sa kinabukasan niya basta kung anong trip niya yun ang gagawin niya, kaya lang nung may nakilala siyang babae, nag bago ang pananaw niya sa buhay at natutunan din n...