Celebration

6 0 0
                                    

CHAPTER SEVEN

Pagkaakyat namin sa bahay nina David napansin kong kakaiba pala, yung unang inakyatan kasi namin kapag dumiretso ka kusina na siya tas sa gilid parang sala siya na parang dun sila nakaen kasi dun din kasi kami pinakaen tas yung katabi ng hagdan na inakyatan namin maliit na sala siya ang sabi sakin ni Pot-pot nung natambay sila dito diyan daw lagi nag susugal yung mga matatanda tas may hagdan pa ulit dun sa loob na yun pero yung pinto niya nasa sahig yung parang mga pintuan ng attic sa mga horror movies ang sabi naman ni Pot-pot tungkol dun eh palagi raw sila na doon nag iinuman noon nagtaka nga raw siya kung bakit hindi daw doon kami pinpunta. Nung maupo kami nasa namin nasa gilid ng sofa si Nessa tas katabi niya si Pot-pot ko tas ako at katabi ko naman si Nuno at katabi naman niya si Ron, si Zedrick naman nasa sofa na pang isahan lang. Unteng kwentuhan tas biglang sumigaw yung Mama ata ni David yun na pede ng kumaen kaya naman inabutan kami ni David ng pancit tas inalok kami kung gusto namin ng kanin lahat kami ayaw kaya nag pancit lang kami matapos kumaen naglabas siya ng tokwa't baboy tapos dalawang litro ng Empirador. "Oh Shot na." Sabi niya samin.

"Tayo lang?" Tanong ni Pot-pot sakanya.

"Oo." Sagot niya habang binubuksan yung alak.

"Hindi ka ba nag GM? Papuntahin nalang natin yung iba dito, para madami tayo." Sabi ni Pot-pot. Naku naman! Nakampante na nga ako na si Zedrick lang ang epal dito tapos itong Pot-pot ko talagang yayayain pa yung iba! Tsk!

"Sige, kayo ng mag GM." Sabi samin ni David tas sabay alis. Naglabasan naman ng celpon yung mga tao sa paligid ko, talaga lahat sila mag GGM ah. Umiling nalang ako at tumikim ng pulutan, ayos masarap. "Gusto ko?" Alok ko kay Pot-pot.

"Hindi ako kumakaen ng Tokwa." Sagot niya. Huh? May ganung tao pala?

Nginitian ko siya. "Edi hahanapan nalang kita ng baboy, masarap yung pagkagawa." Sabi ko sakanya.

"Oh, sige." Sabi naman niya. Ayos! Amin talaga tong araw na toh. Kaya gagawin ko lahat ngayon para ma-inlove na sakin si Pot-pot para hiwalayan na niya yung epal na walang kwenta niyang syota. Pagkakuha ko ng baboy isinubo ko iyon sakanya.

Ngumiti lang siya at walang sinabi. Nag simula na yung shot namin nung bumalik si David. Paikot yung pag inom, una si David, si Nessa, Pot-pot, ako, Nuno, Ron, Zedrick tas balik ulit kay David. Ayos naman, nag eenjoy ako lalo na't katabi ko yung Pot-pot ko at na susubu-subuan ko pa ng pulutan, Hehe.. Pero nung may pinabasa si Nessa na text kay Pot-pot alam ko at ramdam kong may dadating na lalo na nung biglang tumayo yung dalawa. "Susunduin lang namin si Carlo." Sabi ni Nessa samin.

"Samahan ko na kayo." Mabilis kong sabi sa dalawa.

"Hindi na, diyan ka nalang." Sabi sakin ni Pot-pot. Di na ko pumalag at hinayaan nalang na umalis sila. Badtrip! Ka lalakeng tao kailngan pang sunduin! Bakla ata yun eh. Pag abot sakin nung alak mabilis ko yung ininom.

"Oh dahan dahan." Natatawang sabi sakin ni Ron. Si Zedrick naman tinitigan lang ako na para bang may na diskubre siya, tinitigan ko lang siya tas nginitian niya ko bigla tas tumayo siya. "Bili lang akong yosi." Sabi niya samin. Tinanungan naman siya ni David. Medyo matagal nawala sina Pot-pot at Nessa aba nagpa VIP pa ata yung sinundo nila, tsk! Maya maya may narinig na kaming palapet samin. Sina Pot-pot kasama na din si Zedrick. "Uy!" Bati ni Nuno dun sa lalakeng kasama nila, medyo chubby yung lalake hindi ganun katangkad at medyo maputi. Ako tinitigan ko lang siya ng maigi na parang nagsasabing, Maki birthday ka lang dito at umayos ayos ka! Kundi magkakagulo talaga dito. Napansin niyang nakatitig ako kaya nakipagtitigan din, aba! matapang tong epal na toh ah! "Diyan ka na sa tabi ni Annabel." Sabi sakanya ni Nessa. Gusto ata makakita ni Nessa ng away ah. Umiling ako.

The Bad Boy's StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon