CHAPTER FOUR
Kinabukasan inaya ko si Ron na samahan akong sunduin si Pot-pot, pumayag naman siya dahil hindi na rin naman pumapasok yun sa klase niya. Tinext ko nalang siya na sa labas ng Bldg.lll kami magkita nagreply naman siya. 'Sige, text mo nalang ako kung pupunta na ko dun.' Hindi na ko nagreply dun sa text niya si Pot-pot nalang ang tinext ko 'Pot-pot susunduin kita sa room mo, okay lang?'
'Sige, okay lang. Alam mo na ba room ko?' Reply niya. Napangiti ako sa nabasa ko.
Agad akong nagtext. 'Hindi pa. San ba kayo ngayon?' Tanong ko.
'Bldg.lll pa din tska dito pa din sa 2ndfloor pero yung katabing room na kami kung san mo ko hinatid noon.' Sagot niya.
'Oo, cge alam ko na (-: Anong oras ba tapos ng klase niyo?' Tanong ko.
'Mga 1pm Pot.' Sagot niya.
'Cge cge, puntahan nalang kita diyan.' Text ko sakanya.
'Okay po. Maya na tayo text ah, papa quiz si Ma'am.' Reply niya. Hindi ko na muna siya tinext at inantay nalang matapos yung klase ko. Ilang minuto tapos na din ang klase ko 3pm na ata yung sunod ko kaya naman tinext ko na si Ron 'Punta ka na sa labas ng Bldg.lll'
'Cge cge' Reply niya. Nauna ako kay Ron dun sa labas ng Bldg.lll kaya inantay ko nalang siya, tinignan ko yung oras quarter to 12pm palang mahabang oras pala namin aantayin si Pot-pot. "Soler!" Rinig kong tawag sakin ni Ron kaya napatingin ako sa may kanan ko, palapet na siya sakin. "Tara." Sabi niya sakin pagkalapet niya. Hindi na ko sumagot pumasok nalang kami sa loob at umakyat. Sinilip ko yung room nila may nagtuturo pero si Pot-pot nakikipagdaldalan lang sa katabi niyang babae, napangiti ako parang ako lang kasi eh. "Dun muna tayo." Sabi ko kay Ron at nagtungo kami sa may hagdan sa pinaka dulo at dun naupo. Habang kwento ng kwento si Ron wala akong naintindihan sa sinabi niya dahil si Pot-pot lang tumatakbo sa isip ko. "Mahal ko na talaga yun." Bigla kong nasabi.
Napalingon naman bigla sakin si Ron. "Si Annabee?" Tanong niya. "Diba may Boyfriend yun?" Pahabol niyang tanong.
"Akong bahala dun." Sagot ko tas tinext ko na si Pot-pot. 'Pot-pot ko, andito na po kami.' Wala akong natanggap na reply tas maya maya may nagtext number lang. 'Pot-pot empty bat na kasi phone ko eh baka nagtext ka na dun. Lumabas ako ng room pero wala ka naman sa tapat. Dito ka nalang magtext kung andito ka na. -Annabee'
Ahh.. Kaya pala. Nagtext naman ako sa number na yun. 'Pasabi kay Annabel na andito ako sa may hagdan sa may dulo. -Soler'
Nagreply naman agad. 'Okay daw.' Yun lang. Hindi na ko nagreply at nag antay nalang ulit. "Maganda ba yun?" Biglang tanong sakin ni Ron.
"Oo, maganda siya." Sagot ko ng nakangiti kasi na imagine ko siya.
"Para kang tanga." Sabi sakin ni Ron na nakangisi.
"Para ka namang gago." Sagot ko sakanya.
"Seryoso ka ba talaga dun?" Tanong niya.
"Oo nga! Tangina gagawin ko talaga lahat maging Girlfriend ko si Annabel." Sagot ko.
Natawa siya. "Nakakapanibago ka negro, parang hindi ka si Soler!" Sabi niya sakin. Dumating bigla si Pot-pot nung pasagot na sana ako kay Ron. "May kasama ka pala." Bungad niya samin.
Tumayo kami sa pagkakaupo tas naglakad na. "Si Ron, kaibigan ko." Sagot ko sakanya. "Ron si Annabel." Sabi ko naman kay Ron.
"Hello!" Nakangiting bati niya kay Ron. Ang friendly talaga eh.
"Hi." Sagot ni Ron sakanya sabay siko sakin tas senyas na ng ayos. Di ko nalang siya pinansin at tumingin kay Pot-pot. "Bat pala hindi ka pa nag uuniform?" Tanong ko sakanya.
"Wala lang." Nakangiti niyang sagot. Ang smiling face talaga neto, kaya lalo kong naiinlove sakanya eh.
"Buti hindi ka pa sinisita." Sabi ko sakanya.
"Hindi naman, batas ako eh." Natatawa niyang sagot.
Napangisi ako. "Nga pala si Ron sasali yan sa Clan natin." Sabi ko sakanya.
"Oh? Sayang hindi mo naabutan yung EB. Kelan ka ba sasali?" Sabi niya kay Ron.
"Okay lang yun, sasama nalang ako sa susunod. Baka mamaya sasali na ko." Sabi niya kay Pot-pot.
"Kamusta pala yung EB?" Tanong ko kay Pot-pot.
Ewan ko kung mali ako pero parang na tense siya sa tanong ko. Aba! Parang ayaw niyang malaman ko yung nangyari dun ah. Hindi ko din pala natanong kay Nuno kung natuloy yung pag kiss sakanya nung gagong ka-Clan namin. Tinignan ko lang siya ng maigi at nag antay sa sasabihin niya. "Sayang hindi ka nakapunta." Yun lang sinabi niya. Tama ako, wala nga siyang balak sabihin yung nangyari dun.
"Oo nga sayang." Sagot ko.
"Bat pala hindi ka nakapunta?" Tanong niya sakin.
"May duty kasi ako sa magic." Napatingin sakin si Ron sa sinagot ko. Alam naman niya kasing wala kaming duty nung Linggo sa magic eh, alam niya yun dahil kahit hindi marunong yun nasama siya samin kapag meron. Nag dahilan nalang ako na dahil sa magic kaya di ako nagpunta kasi tinatamad akong i-explain sakanya yung trabaho namin dun sa bahay. "Ahh.. Sa susunod dapat ka ng sumama ah." Sabi ni Pot-pot sakin.
"Oo naman." Nakangiti kong sabi sakanya.
"Kamusta na pala kayo nung Boyfriend mo?" Pag iiba ko ng usapan.
Bahagyang naging malungkot yung expression ng muka niya. "Wag na natin pag usapan." Sabi niya na diretso lang na nakatingin sa nilalakaran namin.
"Okay. Basta kapag inaway ka nun sabihin mo lang sakin, tuturuan natin ng leksyon." Nakangiti kong sabi sakanya.
Humarap siya sakin at bahagya akong hinampas sa braso ko. "Ikaw talaga!" Medyo malungkot pa din yung muka niya.
"Taga san ka ba?" Singit ni Ron.
"Dito lang sa Bliss pero dun pa banda." Sagot niya kay Ron.
"Ahh.. Madalas akong natambay nun dito eh." Sabi ko sakanya.
Napatingin siya sakin. "Oh? Saan?" Tanong niya.
"Dun sa dulo tas dito sa Bldg.lll may mga tropa tska nakaaway din ako dito." Sagot ko.
May pagtataka sa muka niya. "Ah.." Yun lang sinabi niya tas bigla siyang tumigil. "Sige dito nalang, baka kasi may makakita pang chismosa satin iba na naman makakarating kay Lola." Sabi niya samin.
"Sige. Ingat ka." Nakangiti kong sabi sakanya.
"Okay! Ingat din." Sabi niya samin tas tumalikod na siya samin at naglakad.
Tumalikod na din kami ni Ron. "Imba ah, taga dito lang pala yun pero nung tambay ka dito hindi man lang kayo nagkikita oh hindi man lang naging pamilyar yung itsura niyo sa isa't isa tska diba? Taga Fort din siya? Pamilyar kasi siya sakin." Sabi ni Ron sakin.
Bakit nga ba hindi siya pamilyar sakin? Lalo na't graduate din ako ng Fort. Tsk! "Ewan ko." Yun lang sinagot ko tas tumahimik kami. Habang patawid naalala ko yung Boyfriend ni Pot-pot. "Gago yung Boyfriend nun." Sabi ko.
"Pano mo naman nasabi yun? Kilala mo?" Tanong sakin ni Ron.
"Hindi pero halata namang may ginagawang kung ano yun kay Annabel! Tignan mo nalang yung reaksyon niya nung tinanong ko yung tungkol sakanila nung Boyfriend niya. Tangina kung ganun lang din ang Boyfriend niya talagang pagiigihan kong maging akin si Annabel." Madiin kong sabi.
"Yes naman! True love na ba negro?" Pang aasar na tanong sakin ni Ron.
Pero sinagot ko siya ng seryoso. "True love toh kaya wala ng sukuan."
BINABASA MO ANG
The Bad Boy's Story
Cerita PendekSi Soler AKA Cloud ay isang sobrang gago na lalake na halos wala na siyang pakiaalam sa kinabukasan niya basta kung anong trip niya yun ang gagawin niya, kaya lang nung may nakilala siyang babae, nag bago ang pananaw niya sa buhay at natutunan din n...