CHAPTER NINE
Nagtext ako kay Pot-pot na susunduin ko siya sa klase niya pag uwian na, edi ganun na naman inantay ko siya dun sa tapat ng room nila. "Kanina ka pa?" Bungad niya sakin pagkalapet niya.
"Hindi naman. Wala na kong load kaya di ko na nasabi na andito na ko." Sagot ko sakanya sabay kamot pa sa ulo.
"Alam mo, tanda ko nung Highschool ako napapansin namin nung mga Friends ko na kayong mga lalake kapag may kausap or kung sasagot sa mga tanong ng mga Teachers nagkakamot kayo ng ulo kahit hindi makati, bakit ba ganun?" Sabi niya.
Napangiti naman ako dun, lahat napapansin neto eh. Haha.. "Ewan ko, nasanay nalang cguro kami." Sagot ko at naglakad na kami.
"Kung gusto mo, ihatid mo na din ako hanggang sa Tulay." Sabi niya habang nakatingin sakin.
"Bakit? Ano gagawin mo dun?" Tanong ko.
"Eh kasi tuwing Friday after class nauwi akong Cavite diba nasabi ko na sayo na andun Magulang ko, tapos babalik ako dito Sunday ng umaga kasi may NSTP ako kapag Linggo." Sagot niya.
"Ah.. Oh sige, walang problema. Kasama pala natin ulit yung dalawa." Sabi ko sakanya. Sina Nuno at Ron yung tinutukoy ko na dalawa.
"Okay sige." Nakagiti niyang sabi.
Pagkalabas namin ng School wala pa yung dalawa kaya ilang minuto din namin silang inantay. Nag uusap naman kami ni Pot-pot habang nag aantay. "Pansin ko ah, tuwing hinahatid mo ko pauwi talagang kasama pati sila." Sabi sakin ni Pot-pot.
"Sympre para safe ka." Sabi ko sabay kindat sakanya.
"Wag kang gumanun." Sabi niya sakin na para bang nahihiya.
Napangisi ako. "Bakit naman?" Tanong ko sakanya habang nakatitig sakanya ng maigi.
Tinulak naman niya yung muka para umiwas ako ng tingin sakanya. "Tumigil ka nga!" Sabi niya sakin.
Ewan ko kung mali ako pero parang kinikilig siya kapag ginaganun ko siya, Hehe.. Ilalapet ko pa nga sana yung muka ko sakanya para mas lalo siyang asarin pero dumating na sina Ron. "Kanina pa kayo?" Tanong samin ni Nuno.
"Oo! San ba kayo galing?" Balik kong tanong sakanya.
"Madaming trabaho sa hardware ni Tito eh, inantay pa.ko ni Ron." Sagot ni Nuno.
"May hardware pala kayo?" Singit ni Pot-pot.
"Hindi, kay Tito yun. Dun kasi ako nakatira sakanya kaya dun natulong ako sa hardware nila." Sagot ni Nuno sakanya.
"Ang baet mo pala Nam hanggang sainyo eh pero asan yung Family mo?" Tanong ulit ni Pot-pot sakanya.
"Nasa Probinsya namin pero baka itong buwan dun sila sa Lolo ko sa Manila na titira." Sagot ni Nuno.
"Ahh...Oh tara na! Masyado na nating dinama yung pag tambay dito." Nakangiting sabi samin ni Pot-pot.
Habang naglalakad kami umatake na naman pagka abnormal nitong dalawa, walang tigil sa pang aasar samin eh. "Kelan ba magiging kayo?" Pabirong tanong ni Ron kay Pot-pot.
Sympre ako palihim na excited kung ano man yung sagot ni Pot-pot kaya lang tawa lang ang isinagot niya kay Ron. Naiitindihan ko naman yung matagal pang pumayag si Pot-pot na maging Girlfriend ko sympre kaka break lang nila nung gagong Boyfriend niya at ramdam kong takot siyang maulit yun. Dumating na kami sa harap ng Bldg. nila Pot-pot dun sa pinaka unang pinaghahatiran namin sakanya noon. Habang nag aantay sakanya tinanong din ako nina Ron kung bakit hahatid namin si Pot-pot sa Tulay at sympre pinaliwanag ko sakanila, nag biruan at pinag usapan din namin yung tungkol samin ni Pot-pot. "Anong tingin niyo sa sitwasyon namin ni Annabel?" Tanong ko sa dalawa.
BINABASA MO ANG
The Bad Boy's Story
Historia CortaSi Soler AKA Cloud ay isang sobrang gago na lalake na halos wala na siyang pakiaalam sa kinabukasan niya basta kung anong trip niya yun ang gagawin niya, kaya lang nung may nakilala siyang babae, nag bago ang pananaw niya sa buhay at natutunan din n...